CHAPTER 10

57 2 0
                                    

Nandito kami sa Jollibee dahil gusto ni Plankton dito kumain. Namiss nya daw here kasi busy lagi sa work.

Until now nga tumatawa pa din sya dahil sa nangyari kanina.
Nagulat kasi ako na sya si Plankton kaya pinisil ko braso nya. Tinanong ko sya kung nasaan na yung payat na plankton at ayon nabaliw na kakatawa.

"Tumigil ka na kakatawa plankton, pinag titinginan tayo dito"

Pinipigilan naman nya matawa pero may mga tumatakas pa din na bungisngis sa kanya.

"Hindi pa ba tayo kakain?" nagtatanong na ang tingin ko sa kanya.

Kinurot nya ang pisngi ko at tumayo para pumila sa counter.
Hindi na nya tinanong kung ano ang gusto ko kainin.

Nag story ako sa Ig ng video. Nakatutok muna sa muka ko while smiling and then tinutok ko kay Plankton na naka pila pa din.
Minention ko lang si Plankton and hindi na ako naglagay ng caption.

Maya maya dumating na din si Plankton kaya tinago ko na ang cp ko sa aking tote bag.

Ang daming food na inorder ni Plankton.
Spaghetti, Friend Chicken with Rice , Sundae , Burger and Fries.

"Naniniwala na ako na miss mo nga ang Jollibee" iling iling na sabi ko.

"Mas miss kita , wag ka papalamang" loko talaga to si Plankton.

Nilabas nya ang cp nya at tinutok sa akin.

"Picture muna para may pang story ako sa Ig" nag smile naman ako habang naka peace sign.

"Sama ka naman" inaya ko sya kaya nag picture naman kami dalawa.

Nag story lang sya and then kumain na kami.

"Kamusta buhay Plankton?" Nag start na ako magtanong kay Plankton kasi andami na din namin hindi alam sa isat isa.

"Kahit papaano naka-graduate ako riri" ngiti ngiti pa sya. "Diba nga sinasabi nila na puro papogi lang daw ako tapos sports at pagkanta ko lang daw yung humahatak sa grades ko? Sinampal ko sila ng diploma ko BWHAHAHAH" Natutuwa ako marinig kay Plankton ang achievement nya. Noong elementary kasi kami maloko na talaga si Plankton kaya iniisip ng iba na hindi makakapagtapos. Basketball Player sya and kasali sya sa Banda sa school namin. Sinasabihan pa nga nila na bobo si Plankton pero ang totoo? matalino sya pero tamad lang talaga dati.

"Nung lumipat ako ng school nagseryoso na ako mag aral riri lalo na matuto ako magka-crush hahaha ... Naging basketball player pa din ako at sumali pa din sa banda pero alam mo naman reason diba? para magkaroon ako ng scholarship" naging malungkot ang mata ni Plankton.

Lumipat sila dati ng magulang nya dahil pinalayas sila ng tita nya, doon kasi sila nakikitira. Nakahanap daw ng trabaho sa ibang lugar yung papa nya kaya doon na din sya mag aaral.
Masaya ako na naka graduate na din sya katulad sa kursong tinapos ko.

"Nagtatrabaho ako sa papa ng crush ko..bell boy ako sa isa sa mga hotel nila pero wag ka riri , sa susunod magkakaroon din ako ng business ..mag iipon muna ako" 

Natapos na kami ni Plankton kumain at magkwentuhan pero hindi ko nakwento na ikakasal na ako , bibigyan ko naman sya ng invitation card if ever. Alam nya din na buntis si Kylie at balak nya magpunta sa bahay para bumisita.

Kilala naman sya ng parents ko kaya walang problema doon. Nag taxi na ako para umuwi , hindi na ako hinatid ni Plankton dahil nag papart time daw syang singer sa isang beer house na sosyal.

I'm happy dahi kahit papaano naging occupied ako. Nilabas ko ang cellphone ko to check the time dahil ang dilim na and nagulat ako dahil ang dami na pala ng tawag sa akin ni Reyzi. It's already 8PM and nagkita kami kanina ni Plankton 4PM.

Binasa ko ang recent text nya.

Reyzi

PICK UP YOUR DAMN PHONE RYLIE!

Galit na galit sya sa akin, bakit ba kasi hindi ko napansin na tumatawag sya.

Nagmadali akong bumaba sa taxi pagdating sa tapat ng bahay namin.
Nakita ko si Reyzi na nasa labas ng bahay hawak ang phone nya. Magkasalubong nanaman ang mga kilay nya.

"WHY YOU DIDN'T PICK UP YOUR PHONE RYLIE?" Madiin ang paghawak nya sa phone nya at kulang na lang ihagis nya sa akin yon.

"I'm your fiance, I deserve to know" naiiyak na ako sa sama ng tingin nya.

"Sorry na Reyzi, galing lang ako sa mall tapos hindi ko napansin na tumatawag ka"

Nanginginig ako sa takot dahil sa kanya.

"ARE YOU HAPPY TO BE WITH THAT DAMN BOY?" Nagulat naman ako na napatingin sa kanya, pano nya nalaman na may kasama akong lalaki? Ay oo nga pala nag story ako sa IG.

"Kumalma ka na Reyzi, please wag ka na magalit" hinawakan ko ang mga kamay nya para kumalma sya katulad ng ginagawa ni mommy kay daddy. Nakita ko ang pag galaw ng adams apple nya at ang pag pikit nya , siguro pinapakalma nya na ang sarili nya.

Nagulat ako pagdilat ng mga mata nya. Tinitigan ko din sya ng may pagsuyo.

"You're driving me crazy Rylie" after that naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nya sa akin at ang paghatak ko lalo sa batok nya.

Namiss ko sya , inaamin ko na.

"OMG PORN!!" Natulak ko tuloy si Reyzi dahil sa narinig ko na nagsalita. Nakita ko si kambal na naka silip sa bintana. "Pasok na daw kayo sabi ni mommy , kakain na" .

Hinatak ko na si Reyzi kahit na hindi ako makapaniwala sa paghatak ko sa kanya.

Nagustuhan ko din kasi.

"Maupo na kayo, kanina pa yan sa labas si Raze sabi ng kambal mo."

Nagulat naman ako sa sinabi ni mommy, kanina pa si Raze? pero bakit?

Napatingin ako sa kanya pero sa ulam sya nakatutok.

"What's that po mommy?" Aww ang cute ni Reyzi kapag nag po at tumatawag kay mommy.

"This is Pakbet at masustansya ito kaya kumain ka ng madami" nilagyan ni mommy si Reyzi pati kami ni kambal.

Ang ulam namin for today is Pakbet tapos may pritong tilapia pa.

Si Reyzi parang bata ngayon , akala mo hindi sumigaw kanina. Nasarapan naman siguro sya kasi nag kanin pa sya ulit.

Ako naman konti lg kinain ko kasi busog pa ako.

Nag volunteer si Reyzi na maghugas ng plato pero si Daddy na ang gumawa non. Umakyat na si Kambal at baka matutulog na. Si mommy naman nasa sofa mukang inaantay si daddy na matapos.

"Rylie anak, alam ko na may gusto pa kayo pag usapan..doon muna kayo sa kwarto mo at wag muna kayo gagawa ha" namula tuloy ako sa sinabi ni mommy.

Umakyat na ako at pinasunod ko lang si Reyzi sa akin.

"Pasok ka" inopen ko ang pinto para sa kanya.

Pumasok sya at sinusuri ang kwarto ko. Malaki ang bed ko na kulay pink pati kurtina at lamesa ko. Mahilig ako sa barbie kabaliktaran naman ni Kylie kapag pumasok ka sa kwarto nya sobrang dilim dahil color black lahat, mahilig naman sya bratz na palabas dati.

Umupo sya sa sofa malapit sa bed ko.

"Come here" pinapalapit nya ako kaya tumabi ako sa kanya.

Nagulat ako ng yumakap sya sa akin at sumiksik sya sa leeg ko kahit tuloy nakikiliti ako pinipigilan ko.

Narinig ko na may binulong sya.
"I'm mad because you ignored me again and you're happy with someone else..I want to be the reason why you smile."

____________________
___________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now