CHAPTER 13

59 2 0
                                    

Araw na ng Kasal ko!

I should be happy right? pero naguguluhan pa ako sa mga narinig ko kay Reyzi nung nakaraang gabi.

Gusto nya seryosohin na namin ang kasal. Nagkakagusto na ba sya sa akin for real?

As long as asawa ko din sya , gagawin ko ang lahat para alagaan sya.

Nakatingin ako sa salamin habang inaayusan. Kanina ko pa suot ang gown ko at masasabi ko na perfect ito para sa akin. After pala na marinig ni Reyzi si Plankton na kumanta , he decided na si Plankton na lang ang kumanta sa kasal namin.

I'm happy for Plankton din kasi kakanta sya sa harap ng mga bigating tao , alam ko na may kukuha sa kanya maging singer pagtapos ng kasal ko.

Nag smile ako sa naisip.

"Ang pretty and gorgeous naman ng anak ko" nakita ko si mommy sa likod ko. Nakasuot na sya ng pink dress na bagay sa kanya. Si kambal naman ayon natutulog sa sofa habang nakaunan kay daddy. Nakatingin din si daddy sa akin na parang naluluha.

"Ikakasal na ang baby ko parang dati lang bungi ka pa" kiniss ako ni mommy sa cheeks. Tapos na ako ayusan at nakaharap na ako kay mommy.

"Mommy hindi ako bungi" natatawa naman sila sa akin. "Daddy don't cry , save your tears for later kasi baka wala ka ng luha mamaya" daddy chuckled.

Hindi ako makapaniwala , parang nung isang araw lang nagkamali ako ng napasukan na room tapos galit na galit sa akin si Reyzi pero ngayon ikakasal na kami. Sana maging maayos ang pagsasama namin ni Reyzi.

"Anak after mo ikasal pupunta kami sa america" nagulat naman ako sa sinabi ni mommy.

"Anak I have a big project sa America at ang mommy mo naman hindi ko maiiwan dito kaya nagpalipat na lang din sya na sa america ituloy ang pag ddoctor nya. Isasama na din namin ang kapatid mo kasi alam mo naman na walang tutulong sa kanya once manganak sya" wow bigatin na talaga si daddy.

Engineer si daddy and I know mas makikilala pa sya.

"I'm so proud of you daddy pero ako lang maiiwan dito" bigla ako nalungkot sa naisip.

"Anak don't be sad , mayaman naman ang asawa mo pwede mo sya ayain na dumalaw sa amin". Narealize ko na tama si mommy. Papayagan naman ako ni Reyzi if ever sabihin ko sa kanya na gusto ko dalawin sila mommy.

______________________

Nagsimula na ang wedding ceremony at ako ang huling papasok.

Not sure if you know this
But when we first met
I got so nervous I couldn't speak
In that very moment
I found the one and
My life had found its missing piece

Bumukas ang malaking pintuan ng simbahan hudyat na kailangan ko na pumasok. Iba yung feeling ko ngayon, ganto pala kapag ikakasal. Rinig na rinig ko ang kinakanta ni Plankton at parang gusto ko umiyak. Napapanood ko sa tv umiiyak yung mga bride kapag papasok. Naglalakad na ako at biglang sumulpot si mommy at daddy sa magkabilaan ko. Ibahatid nila ako patungo kay Reyzi, si Reyzi na magiging asawa ko. Oo nga pala pansamantala lang :(

So as long as I live I love you
Will have and hold you
You look so beautiful in white
And from now 'til my very last breath
This day I'll cherish
You look so beautiful in white
Tonight

Dahil sa naisip ko tuluyan ako naiyak. Naririnig ko pa sila mommy na pinapatahan ako, tumingin ako sa kanya at tama ang hinala ko nasa akin din ang mga mata nya parang kumikislap ang mga ito. Katabi nya ang best man nya na pinakilala nya sa akin na si Dominic daw.

"Ingatan mo ang anak ko hijo" nakalapit na pala kami at binigay na ni daddy ang kamay ko kay Reyzi. Nag beso sila ni mommy at tumango naman sya kay daddy.

_________

"I now pronounce you husband and wife, you may now kiss your bride"

Unti unting lumapit sa akin si Reyzi at itinaas ang belo ko.

"You're so beautiful to be my wife" and he claimed my lips. Napa pikit ako at napakapit sa kanya.

Palakpakan ang narinig namin pagtapos namin maghiwalay.

"Congratulations to the both of you" sigawan ng mga tao sa simbahan.

I am now a wife.

I am Rylie Fernandez Lim wife of Raze Inigo the famous CEO.

Nung nakaraan naisipan ko na kilalanin pa si Reyzi para naman hindi ako mangapa tungkol sa kanya and ang dami ko nalaman kasi pag search ko pa lang ng name nya sa google lumabas na ang sandamakmak na article.

Ang family nya ay may business after his mom died naospital ang daddy nya dahil inatake but months later sumunod din ang daddy nya that's when I realized he missed his mom kaya pala ang pabebe nya kapag kaharap si mommy.

21 sya nung pinasa ang company sa kanya pero hindi pa lahat ng ari arian nila dahil kapag nag 27 sya doon pa lang ibibigay pero he needs to be married muna. Bukas sa publiko ang buhay nya dahil nga sikat na business man ang daddy nya at madami na din silang napatunayan sa industry. Akala ng iba malulugi ang company ng mga Lim dahil nga magkasunod na namatay ang mag asawa pero mas lalo lumago ito ng si Reyzi na ang humawak. Namangha talaga ako sa mga nalaman ko sa kanya and nalungkot din dahil namatay ang parents nya.

"You're spacing out wife" ha? Oo nga pala nandito na kami sa reception. Pagtapos namin mag picture picture sa simbahan dito na kami dumiretso.

Tinawag nya akong wife diba? oh guni guni ko lang yon?

"Do you regret now marrying me?" Pinalo ko naman sya sa braso.
"Hindi ah"

Bukas ang flight nila mommy and hindi ko na sila maihahatid kasi sabi nila mag focus daw muna ako sa asawa ko. Pinagtripan pa nga ako ni Kylie kasi sabi nya suotin ko daw yung binili nya na lace dress sa honeymoon namin ni Reyzi.

_______________________

Nag uwian na ang lahat at kami naman ni Reyzi ay pupunta na sa magiging bahay namin.

"We're here , welcome to your new home wife" napanganga naman ako sa laki ng bahay tapos dalawa lang kami?

Maghahabulan ba kami dito or magtataguan?

"Reyzi hindi ba malaki ang bahay para sa ating dalawa?"

"Don't worry we have maids inside"

Oh may mga katulong pala.

Pumasok na kami at hinatid nya ako sa kwarto ko. Akala ko pa naman tabi kami matutulog, mukang hindi ko magagawa ang inutos ng kambal ko.
Naglinis na ako ng katawan at sinuot ko pa din ang lace dress na red.
Humiga na ako sa kama at tinignan ang mga pictures namin kanina.

Magpopost dapat ako sa IG and nagulat ako dahil ang dami ko nag followers.

I gained 100k , alam ko 10k lang ang followers ko. Oo nga pala bigatin ang napang asawa ko baka inilabas sa mga tv at newspaper ang tungkol sa kasal namin.

Nagpost na ako sa IG and caption ko ay 'Just got Married" at mabilis pa kay flash na sunod sunod ang mga nag heart and nag comment.

Nag scroll ako saglit at nakita ko din na nagpost si Reyzi.

'I'm already a husband' ayon ang pangalawang post nya sa Ig nya.

Naka smile ako sa picture at nakatingin naman sya sa akin.  Hineart ko yon at grabe ang dami na din heart ng picture and comment.

Tinabi ko na ang cp ko and tumingin sa kisame. Ang laki ng kwarto ko pero bakit ang lungkot. Bago umalis sila mommy bukas dadaan sila dito para idaan ang baby chawie ko.

Tumagilid na ako at handa ng matulog. Naramdaman ko na gumalaw ang kama at balak ko na sana lumingon pero napahinto ako dahil niyakap na ako ng tao sa likod ko.

Reyzi?

"Goodnight wife"

__________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now