CHAPTER 7

66 1 0
                                    

"Kanina ka pa ba jan ky?"

Mukang wala sa mood ang kambal ko ha.

"Bal samahan mo ako mag bar "

Hindi nya sinagot ang tanong ko dahil inaya nya ako mag bar. Siguro nga hindi okay yung kambal ko.

Mag seseven na ng gabi at nandito kami ni kylie sa sasakyan nya papuntang bar.

Ang suot nya ay red fitted dress na backless and I wear black crop top and a denim skirt na above the knee. We both wear heels para daw muka kaming matangkad , well matangkad naman na kami pero hindi ata sapat sa kambal ko.

"Ky, what's your problem?" hinay hinay lang ako sa pagtatanong kasi baka masungitan ako.

"Gago yon pinaasa ako , sabi nya gusto nya daw ako tapos nakita ko may kasama syang iba" Madiin ang pagkapit ni ky sa manibala.

I felt sad for my twin kasi nararanasan nya pala to.

"Ang pangit non Ry , promise kapag nakita mo yung babae muka syang sisiw sa balot" Sinasakal na nya yung manibela and I laughed hard because of that.

" Hinay hinay ky baka hindi na makahinga yung manibela" tumatawa pa din ako.

She rolled her eyes.

Huminto na kami sa isang bar and I think malaki to kapag pumasok kami.

Sari saring amoy ang sumalubong sa akin. Smell ng ibat ibang alak , sigarilyo at iba pa.

Ganito pala ang itsure ng bar, it's my first time. Ang kambal ko lang naman mahilig gumimik.

Hinila ako ni kambal sa isang table na walang tao and nag utos sya sa waiter na magdala ng alak at pulutan.

Tumitingin tingin lang ako sa paligid. May mga nagsasayaw and yung iba hindi ko masabi kung sumasayaw pa ba or iba na ginagawa?

"Here's your drink ma'am" nilapag na ng waiter ang inorder ni kambal.

"Tonight kakalimutan ko muna ang gagong yon , drink with me bal" inabutan ako ni ky ng baso na may alak.

Ang bilis mainom ni ky yung kanya at nagsalin ulit sya , halatang sanay talaga.

I drink a little bit, I want to puke because ang pait ng lasa.

Gusto ko na itapon pero nakakahiya naman sa kambal ko na nakakalima na ata na baso. Binilisan ko na lang ang pag inom.

"Yes very good bal, lagyan ko ulit" nilagyan ulit ni ky ang baso ko.

Ayoko malasing kasi hindi ko pa na-experience malasing, hindi ko alam kung ano yung kakalabasan kapag lasing ako.

Si kambal kilala ko na kapag nalasing kasi minsan ako ang nag aalaga sa kanya.

Maingay si kambal kapag nalalasing at malikot sya , ilang beses na nya ako natadayan at nasampal dati kapag nililinisan ko sya.

Sa pangalawang pagkakataon ininom ko yung nasa baso ko and yes umaalon na ang paningin ko.

Ang kambal ko nakarami na. Muka na syang baliw na tumatawa.

" K-kambal..sayaw..t-tayo" hinihila ako ni ky pero ayoko kasi nahihilo na ako.

"Ky upo ka na lang para hindi ka mahilo mamaya pag-alis natin."

Pero hindi nakinig ang kambal ko at pumunta sa dance floor. Hinayaan ko na lang sya dahil mukang kilala naman yung ibang nandon kasi kinawayan sya.

Niyuko ko na lang ang ulo ko dahil nahihilo nga ako.

"Why did you punch me pare" naririnig ko na parang may nag-aaway.

"Don't touch my property asshole" umayos ako ng upo dahil sa boses na narinig ko.

Reyzi?

Ano ginagawa nya dito sa bar?

Nakita ko sya na hawak ang kambal ko habang kaharap yung isang lalaki.

"L-let m-e go" hinihila ni kambal yung kamay nya pero mukang mahigpit ang pagkakahawak nya.

"Wala sa itsura mo na mahilig ka mag-bar and ano yang suot mo?" Galit ang boses ni reyzi.

Akala nya ba ako si ky?

Tatayo na dapat ako para lumapit pero nagulat ako sa nakita.

May humila kay ky sa hawak ni reyzi.

"Bro, let go my girlfriend"
Isang lalaki na matangkad at maputi , pareho sila pogi ni reyzi pero mas pogi si reyzi para sa akin hihi.

Boyfriend ni Ky??

Eto ba yung dahilan bakit umiiyak si Ky??

"G-gago ka , anong girlfriend? may babae ka nga na kasama kanina" mukang nakilala ni ky yung humila sa kanya at pinagpapalo na nya ito.

"Stop it Kylie" umiilag yung lalaki sa mga palo ni ky.

"What girlfriend Ace? She's my fiance" Sumabat naman si reyzi na hanggang ngayon tulala sa nangyayari.

"Fiance? Sya ba yung tinutukoy mo?" Tumango naman si reyzi.

"Pumayag ka magpakasal sa kanya Kylie?" galit na ang lalaki na tinatawag ni reyzi na ace.

Bigla nya binitawan si Kylie at hinarap.

"Shit ka ba Ace? Eh hindi ko nga kilala yan" mukang nawala ang tama ni bal.

Masama na ang tinginan ni reyzi at ace.

Tumayo na ako at lumapit kay Kylie para ayain umuwi. Nakita ko sa cellphone ko na 9:00 PM na baka nasa bahay na sila mommy.

"Ky, uwi na tayo" napatingin naman sila sa aking tatlo. Gulat ang muka nung dalawang lalaki at salitan nila kaming tinignan ni kambal.

"What the f*ck"

"What the hell"

Sabay pa sila nagmura. Lumapit si kambal sa akin.

"Kambal kayo?"
"Kambal kayo?"

Sabay ulit sila , muka silang baliw.

"Eh ano naman sayo Ace? May kasalanan ka pa saken gago ka" pinagpapalo nanaman ni kambal si Ace.

"Shit, stop it Kylie" bumalik na ang lahat sa sayawan pero sila kylie ayon nag aaway pa din. Hinila sya ni Ace at hindi ko na alam kung nasaan sya.

Napatingin naman ako kay reyzi, ganon din pala sya saken.

"Akala mo ba ako si Kylie kanina?"

Tanong ko sa kanya para naman hindi kami awkward.

"You look alike so much" mahina nyang sabi.

"Oo sabi nga din ng iba pero ang way para makilala mo kami ay yung nunal namin. May nunal ako sa dibdib at si Ky naman sa balikat." Inexplain ko sa kanya para next time hindi na sya malito sa amin ni Kylie.

"Yeah you both have the same face but I don't need to see your moles just to know who's who because the way you talk is different from your sister. Your sister has a bad mouth"

Napatawa naman ako sa sinabi ni Reyzi because it's true. Mukang maldita ang kapatid ko at sabi nila muka daw akong mahinhin tignan.

"I-uuwi na kita because I can't stop myself if those boys continue to stare at you."

______________
___________________________

A Taste Like Coffee (SOFT GIRLS SERIES #1)Where stories live. Discover now