Song 24

110 5 0
                                    

Malapit na pala ang sweet sixteen ko at abala na halos lahat kasi gusto nila akong magcelebrate ng birthday ko lalo na si grandmamma.

Sa totoo lang kasi kapag may mga event event na ganito ay si grandmamma ang kadalasan na nagaasikaso.

"Oh Zychela nakita mo na ba 'yung gown mo? Did you like it?"

"Yes grandmamma I like it pero kasi pwede naman sigurong idelay na lang muna natin ang occassion."

"Bakit naman natin idedelay? Minsan ka lang magsixteen kaya naman kailangan nating icelebrate yan."

"Pero ayoko naman pong magcelebrate habang nakaratay si daddy."

"Naiintindihan kita Zychela pero alam kong ayaw naman ng daddy mong hindi matuloy ang party mo ng dahil sa kanya."

"Sa tingin mo po ayos lang talaga sa kanya?"

"Oo naman. Ayaw niyang malungkot ang munti niyang prinsesa eh."

"Sige na nga po. Kung talagang mapapasaya ko siya dahil sa isecelebrate ko ang birthday ko."

"Kaya ikaw Chela mag-aral ka na lang dahil ako na ang bahala sa party mo. Nakikita mo naman siguro na busy ako sa pag-aayos ng sweet sixteen mo."

"Sige po," saad ko at nagtungo na nga ako sa aking silid.

Agad kong kinuha ang phone  ko at tinawagan si Kevin.

"Kevin."

"Bakit?"

"Ayaw mo bang tumatatawag ako sa'yo?" tanong ko at nagpout.

"Huwag ka ng magpout."

"Pano mo nalaman?"

"Kilala kita kaya alam ko na sa mga panahong katulad kanina ay nakapout ka."

"Dapat naman talaga. Ah Kevin."

"Hmm?"

"Pwde bang kumain tayo sa labas?"

"Kailan? Ngayon na?"

"Oo sana kung ok lang sa'yo."

"Sure. Basta ikaw ba naman Zychela," saad nito kaya naman napangiti ako and we both hang up.

Kevin's POV

Nang tumawag si Zychela at sinabing gusto niyang kumain sa labas ay pumayag naman na ako kaagad.

Wala naman akong naramdaman na problema niya at wala ring bakas ng kalungkutan.

Agad ko siyang sinundo sa mansyon nila at dinala ko nga siya sa isang fast food chain dahil sabi niya ay dun niya gusto.

"Anong meron Zychela?"

"Huh?"

"Bigla bigla ka na lang nagdedecide na kumain tayo dito sa labas. Siguro miss mo na talaga ako noh."

"Well part na rin 'yun."

"Masaya ako dahil parte ako pero bakit nga kasi?"

"Busy halos sila dahil sa nalalapit kong sweet sixteen."

"Ayaw mo nun. Ibigsabihin lang nun ay gusto nilang maging espesyal ang kaarawan mo."

"Naiintindihan ko pero nakakalungkot lang kasing isipin na wala si daddy. I know ayaw ni daddy na siya ang maging dahilan kung bakit hindi matutuloy ang party kaya nga ito pinupush pa rin. Naisip ko lang kung siguro tulad ako ni ate Firah na walang engrandeng celebration sa sweet sixteen ko ay hindi ako maguiguilty ng ganito," aniya kaya hinawakan ko naman ang kamay niya.

"Isipin mo na lang na blessing ang party na darating. Tingnan mo ang ate mo, hindi niya naexperience ang sweet sixteen. Oo nga't hindi mahilig sa party ang ate mo di tulad mo," saad ko kaya naman tiningnan niya ako ng matalim at napangiti naman ako.

"Pero mahalagang parte pa rin naman ng buhay ang sweet sixteen para sa inyong mga babae," pagpapatuloy ko.

"Tama ka naman dun. May sasabihin pala ako sa'yong mahalaga."

"Ano 'yun?"

"Hindi ikaw ang escort ko," aniya kaya agad namang kumunot ang noo ko.

"Hahahaha."

"Anong nakakatawa?"

"Ang priceless ng mukha mo. Hahahaha. Ano ka ba naman? Syempre ikaw and escort ko noh."

"Sa susunod huwag kang magbibiro ng ganyan. Hindi ko kayang makitang may escort kang ibang lalake. Hindi na lang ako pupunta sa party mo kung nagkataon."

"Uy galit ka?" tanong nito habang pinopoke pa ang braso ko.

"Hindi."

"Galit ka eh."

"Kung sabihin kong galit ako. Hahalikan mo ba ko?" tanong ko dahilan upang manlaki ang mata niya hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa naging reaksiyon niya.

"Ito naman. Joke lang. Hindi ako galit."

"Promise?"

"Promise," nakangiti kong sipi kaya ngumiti na rin ito.

Ang ngiting nakabighani ng puso ko.

Zychela's POV

Dumating na rin ang araw na kung saan ay dumagdag na naman ang aking edad ng isang taon.

I am officially 16 right now.

Suot suot ko na ang gown na gagamitin ko sa entrance mamaya.

Isa itong pink gown. Nakasuot rin ako ng orange pumps.

A diamond eaarings and headband.

Bumagay rin ang natural kong make up sa get up ko.

Kinulot pala ng konti ang buhok ko.

Napangiti na lamang ako dahil sa nakikita ko sa salamin.

This is me, the princess of the night.

My SongWhere stories live. Discover now