Song 21

94 8 0
                                    

Kevin's POV
Kanina ko pa kasama si Zychela at masasabi kong may nag-iba sa kanya.

'Yung parang mas naging ok na siyang kasama hindi tulad dati na parang occupied ang utak niya.

Siguro if ever na nagkaroon siya ng problema ay nasolusyunan niya na iyon.

Natutuwa ako dahil kung ganun nga ay mabuti sa kanya ngunit nalulungkot rin ako sapagka't kung sakali ngang may problema siya ay bakit hindi niya man lang sinabi sa akin.

Alam kong kahit na BF niya ako ay wala akong karapatan na malaman lahat ng nangyayari sa kanya pero hindi maiwasang makaramdam ako ng lungkot dahil sa pakiramdam ko ay wala siyang tiwala sa   akin.

Siya nga pala kasalukuyan kaming nasa italian restaurant ni Zychela.

Ewan ko ba kung bakit nagyaya 'to ngayon na kumain kami dito ako naman dahil mahal ko hindi ko na lang tinanggihan.

"Uy bakit ka ba nakasimangot diyan? Smile para makaattract ka ng good vibes," saad nito na finoform pa 'yung lips ko na nakangiti.

Nang pagtanggal niya ng daliri niya ay nakangiti na nga ako.

Napangiti na lamang ako dahil sa ginawa ni Zychela at dahil na rin kasama ko ang babaeng mahal ko at gusto kong mapangasawa pagdating ng panahon.

"Kevin ano kasi eh."

"Hmmm?"

"Darating sila daddy at mommy dito sa restaurant," nabilaukan ako dahil sa sinabi niya kaya agad naman nitong hinagod ang kamay niya sa likuran ko.

"Ok ka lang?"

"Seriously? Ngayon? Dito?" tanong ko sa kanya pero isang tango lamang ang sinagot nito.

"Ba't hindi ka man lang nagsabi? Hindi man lang ako nakapaghanda."

"Kaya nga hindi ko sa'yo sinabi kanina dahil magkakaganyan ka eh."

"Kahit na. Di sana nakapagsuot na man lang ako ng ng mas pormal na damit."

"Kevin kahit ano pa mang damit ang suot mo gwapo ka pa rin. Isa pa hindi mo naman kailangan magpaimpress sa kanila eh. You only need to do is be yourself. I know they'll like you," nakangiti nitong saad  kaya naman ngumiti na lang ako kahit alanganin.

Sa totoo lang oo nashock ako sa sinabi ni Zychela na darating nga ang magulang niya.

Kinakabahan rin ako sa maaaring mangyari mamaya. Kung magugustuhan ba ako nila o ano.

Pero higit sa lahat nakaramdam ako ng tinding tuwa dahil isa lang ang ibigsabihin nun at 'yun ay mahalaga ako kay Zychela at hindi niya ako ikinahihiya sa magulang niya.

"Feeling better now?" tanong niya kaya naman tumango na lamang ako habang nakangiti.

"Good.. Ganyan ang gusto kong iharap kanila daddy. Oh andiyan na pala sila," sipi ni Zychela at agad siyang tumayo at humalik siya sa pisngi ng magulang niya habang ako naman ay nagmano na lamang rito.

Pagkatapos ay umupo na sila sa harapan namin ni Zychela.

"So you are Kevin Loyzaga?" tanong agad sa akin ng daddy ni Zychela.

By the looks and sound of  it ay isa talaga siya sa makapangyarihang tao sa bansa at aaminin kong nakakatakot talaga siya.

Pero hindi ko ipapakita ang takot ko dahil wala man lang 'yun patutunguhan.

"Yes po. Kevin Loyzaga at your service."

"I'm Antonio Tan and obviously Zychela's father."

"Ako naman si Emilia Tan. Ina ni Zychela," nakangiting saad ng mommy ni Zychela.

Halata rito na mabait at masayahin 'tong mommy ni Zychela.

Ba't hindi na lang nagmana rito si Zychela noh?

Joke lang. Mahal ko si Zychela kahit spoiled brat  at maarte 'yun.

Nagsimula na nga kaming kumain.

Nakaready na ako sa lahat ng tanong nila.

Zychela's POV
Nakikita kong handa naman si Kevin na sagutin lahat ng tanong nila daddy.

"Anong trabaho ng magulang mo?" agad na tanong ni daddy.

"My mother is dead while my father is working abroad as an engineer. Nagpapadala na lang siya ng pera," sagot ni Kevin habang si daddy ay patango tango na lamang.

"Sorry to hear about that," pagpapaumanhin ni mommy.

"Ok lang po."

"Do you have any savings?"

"Yes po."

"Paano mo bubuhayin ang anak ko in case na hindi ka mapadalhan ng pera ng tatay mo at naubos na rin ang savings mo?"

"Maghahanap po ako ng trabaho para lang maibigay ko sa prinsesa niyo na reyna ko ang mga kailangan niya."

Nakikita kong nagugustuhan ni daddy ang mga sagot ni Kevin at dun ako natutuwa.

"Are you willing to die for my daughter?"

"No," agad na sagot ni Kevin kaya naman napatingin agad ako sa kanya na may pagtatakang mukha.

"Bakit? Akala ko ba mahal mo ang anak ko. It looks like your love isn't enough."

"Mahal ko po si Zychela kaya bakit ako papayag mamatay kung ang misyon ko sa buhay ay mahalin at alagaan ang anak niyo," sagot ni Kevin kaya agad naman napalitan ang nagtataka kong mukha ng pagngiti ko.

"I like you for my daughter. Huwag mo lang siya paiiyakin," saad ni daddy.

"Hindi ko po maipapangako 'yan. Isa lang  ang alam ko at 'yun ay gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa anak niyo."

"Maswerte ka Zychela sa lalakeng 'to," si mommy naman ang nagsalita.

"Oo nga po."

"Sige mauna na nga pala kami," paalam ni mommy at umalis na nga sila ni daddy.

"Nakakainis ka."

"Bakit?"

"Akala ko kasi hindi ako mahalaga sa'yo dahil hindi ka handang mamatay para sa akin pero kahit  na pwede naman na 'yung eksplenasyon mo."

"Sus. Pwede na daw. Eh kilig na kilig ka nga kanina."

"Hindi daw."

"Oo daw."

"Fine oo na. Pero masaya ako at boto sila daddy sa'yo."

"Ako rin. At least legal na tayo," saad ni Kevin kaya sinagot ko na lamang siya ng ngiti.

Nakakagaan sa pakiramdam ang alam na nila mommy kesa naman sa daig pa namin kriminal sa pagtatago.

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon