Song 23

100 5 1
                                    

Kevin's POV
Kasama ko ngayon si Zychela. Awang awa na talaga ako sa kanya dahil ilang araw na siyang matamlay.

Dahil pa rin sa pagkahospital ng daddy niya.

Ginagawa ko lahat ng makakaya ko para lang malibang siya.

"Zychela nood tayo ng sine," yaya ko rito pero isang iling lang ang sinagot nito.

"Sige naman na Zychela oh," pagkumbinsi ko rito pero hindi pa rin ito sumagot.

"Akala ko ba kailangan mong bumalik sa dating Zychela para pagnagising man ang daddy mo ay hindi na siya malulungkot na nagkakaganyan ka ng dahil sa kanya," saad ko rito pero hindi ko inaasahang ngingiti siya at itataas nito ang ulo niya  tama lang para makapantay ang ulo ko at mas ngumiti siya na nakalabas na ang mga ngipin.

"Salamat Kevin kasi kahit ganito ako ay hindi mo ako sinusukuan."

"Ano ka ba naman? Hindi naman porke't nagkakaganyan ka ay iiwan na kita. Mahal nga kita di ba?" saad ko rito at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya dahilan para tumawa ako.

"Grabe k naman. Nahihiya na nga ako dito pinagtatawanan mo pa ako," saad nito tapos nagpout kaya naman kinurot ko ang pisngi nito.

"Aray naman Kevin."

"Wala akong magagawa eh ang  cute cute mo," saad ko at kinukurot pa rin ang pisngi niya.

"Alam ko pero masakit na Kevin," saad nito kaya naman tinigilan ko na nga.

"Sorry na Chela. Gusto mo ikiss ko," saad ko at akmang hahalikan na ito pero sinalubong ng palad niya ang mukha ko at inilayo ito sa kanya.

"Ewan ko sa'yo Loyzaga."

"Mahal naman kita," saad ko at namula na naman siya.

Maya maya pa ay tumayo na ito at naglakad paalis.

"Saan ka pupunta?" tanong ko rito dahilan upang mapatigil ito at lumingon sa akin.

"Manonood ng sine. Bakit? Sasama ka?" mataray na tanong nito kaya naman napangiti na lamang ako.

My old Zychela is back.

Danica's POV
Nasa school garden ako at may hawak na novel at ito'y aking binabasa ng biglang may mga kamay na nagtaklob sa aking mga mata.

Kinapa ko ang kamay nito.

"Sino ba naman kasi 'to?" tanong ko rito pero wala akong nakuhang sagot.

"Hay bahala ka nga diyan. Kung ayaw mong bumitaw eh  di huwag," sabi ko at maya maya pa ay inalis na nga nito at ang kamay niya kaya naman lumingon ako at dun ko nakita si Lloyd na nakangiti.

"Ikaw hindi ka man lang mabiro."

"Mukha ba kasi akong nagbibiro Lloyd?" poker face kong tanong rito.

"Sorry na po Danica. HIndi ko na po uulitin ang ginawa ko," saad nito tapos nag sad face siya kaya naman tinawanan ko na lamang ito.

"Ano na naman 'yan?"

"Ang panget mo."

"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?"

"Oo. Bakit? Ako ba ang unang nagsabi sa'yong panget ka?" proud kong tanong rito.

"Talaga lang ha," saad nito at pinosisyon niya ang mukha niya malapit sa mukha ko mga 5 inches na lang siguro.

"Panget ba ko?"

"O-o."

"Bakit ka nauutal?"

"Ang lapit kasi ng mukha mo. Lumayo ka nga," saad nito at inilayo ko nga ang mukha niya tapos ay humara ito sa akin with a grin in his face.

"Kung akala mong pogi ka na  dahil ngumiti ka then you're wrong."

"Alam ang cute mo rin noh pagnagsusungit ka."

"Puro ka bola. Magbasketball ka na nga lang."

"Ilang tawa ang gusto mo?"

"Hindi ako nagpapatawa ok?"

"Eh di ok. Siya nga pala kumusta na pala si Zychela?"

"Medyo umokey ok naman 'yun although medyo malungkot pa rin siya at least hindi na tulad dati."

"Good."

"Lloyd may tanong ako sa'yo."

"Hmmm?"

"Lloyd di ba nagkagusto ka kay Chela?"

"Hmm."

"Gusto mo pa rin ba siya hanggang ngayon," tanong ko kaya naman napangiti na lamang ito.

"Sagutin mo ang tanong huwag mo kong ngitian diyan."

"Sa totoo lang wala na."

"Dahil ba may Kevin na siya."

"well part na 'yun pero mas may malaking dahilan dun eh."

"Ano?"

"May gusto na kasi akong ibang babae eh."

"Ganun ba," malungkot kong saad.

"Hindi mo man lang ba tatanungin kung sino?"

Napakamanhid talaga ng lalakeng 'to. Kita ng nasasaktan na ko di ba gusto saktan pa ako.

"Sige. Sino?"

"Ang babaeng kausap ko ngayon," saad nito kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Ikaw na Danica ang gusto ko hindi si Zychela. Hindi ibang babae kundi ikaw."

"Seryoso ka?" tanong ko kaya naman tumango na lamang ito.

"Di ba gusto mo rin naman ako?" tanong nito.

"Sinong may sabi?"

"Wala. Nararamdaman ko lang."

"Maaring mali 'yan na nararamdaman mo."

"Ok. Pero ako sigurado akong ikaw ang gusto ko," saad nito kaya naman napangiti na lamang ako.

Zychela's POV

Pagkatapos naming manood ng movie ni Kevin ay naglaro kami sa WOF.

Para kaming mga bata dun.

Nagpataasan kami ng scores sa basketball dahil ang matalo daw ay manlilibre at dahil nga ako'yo dakilang hindi mahilig sa basketball ay ako ang natalo.

Nilibre ko lang siya ng burger at float.

After nun ay nandito na kami sa labas ng bahay.

"Salamat Kevin ah. Dahil sa'yo naging masaya ako ngayon na araw."

"Walang anuman. Walang prinsipe na gustong makitang malungkot ang prinsesa nila."

"Akala mo naman sa sarili mo prinsipe. Hahaha. Pero  thank you talaga."

"Sige na. Pasok na."

"Sige. Bye," saad ko at  pumasok na nga ako.

Bago ko pa saraduhan ang pintuan ay nagbabye ako ulit sa kanya.

"Dapat pala akong magpasalamat kaay Kevin dahil napapasaya ka niya sa panahong ganito."

"Oo nga po mommy. Pinarealize niya sa akin na wala namang magagawa kung malulungkot ako. Kailangan nating lumaban para magkaroon ng inspirasyon si daddy na lumaban din," saad ko kaya naman ngumiti na lang si mommy.

My SongWhere stories live. Discover now