Song 14

137 8 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ng party ni daddy.

Kasalukuyang nasa hapag kainan kami ng may mapansin ako.

"Wait. Napansin ko lang. Where's kuya?" tanong kokaya naman napatigil sila mommy at ate sa pagkain pero si daddy hindi man lang.

"Zychela ano kasi eh," sabi ni mommy.

"Umalis na ang kuya mo sa bahay na 'to."

"What? Nasaan siya ngayon?"

"Hindi ko alam at wala akong pakielam."

"Dad. Paano kung mapahamak si kuya?"

"May lakas siya ng loob na maglasing at umalis dito sa pamamahay ko kaya ibigsabihin nun kaya na niya ang sarili niya."

"But dad."

"No buts Zychela. Just continue eating," sabi ni daddy kaya naman napangiwi na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos ang pagkain ng breakfast ay nagtungo na nga ako sa paaralan.

Nasa classroom na kami dahil tapos na ang flag ceremony.

Wala pa ang adviser namin kaya medyo maingay ang room namin. Take note: Medyo maingay lang.

Nakatingin lamang ako sa gilid ko. Bakit?

Well nasa harapan ko lang naman ang lovebirds.

Hindi naman sobrang touchy ang ginagawa nilang dalawa. Panay kwentuhan lang sila, tawanan at kulitan pero di ko kayang tumingin talaga.

***
Recess namin at as usual ay kasama ko sila Danica at Amber.

Kasama rin namin ang BF ni Amber na si Kevin at ang partner ni Danica sa glee club na si Lloyd.

“Kevin ayan oh. Pinagbake pa kita ng cupcake,” saad ni Amber at iniabot ang box na may lagay ng cupcake kay Kevin si Kevin naman ay kinuha naman ito.

“Sana hindi ka na nagabala.”

“Masaya naman ako at ginawa ko ‘yan para sa’yo.”

“Salamat.”

“You’re welcome my sweet Kevin,” sabi ni Amber at sumandal na naman sa balikat ni Kevin.

Hindi ko na nagawang tumingin kaya naman ay pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko ng carbonara.

“Hindi ko akalaing ganyan pala kayo kabagay,” saad ni Lloyd na siyang nasa gitna namin ni Danica.

“Salamat Lloyd,” pagpapasalamat ni Amber.

“Naipakilala niyo na ba ang isa’t isa sa parents niyo?” tanong ni Lloyd.

“Sa totoo lang hindi pa pero balak ko sana this weekend,”sagot naman ni Amber kaya napatango tango na lamang si Lloyd.

“Ikaw Danica? Kailan mo balak magkaroon ng boyfriend?” tanong naman ni Lloyd kay danica.

“Hindi ko pa nakikilala ang dream guy ko eh.”

“How about you Zychela?”

“Ah. Bawal kasi. Ayaw ni daddy. Magtapos na muna daw ng pag-aaral bago ‘yan.”

“Paano kung magtanong ako sa’yo ngayon na ‘Can I court you?’?” tanong nito kaya  naman lumaki ang mata ko at napatingin sa kanya.

Really?

Di ba nga crush ko siya pero ba’t wala man lang akong maramdaman na tuwa sa tanong niya?

I don’t know if it is just me pero ramdam kong nakatingin sa akin si Kevin.

“Ano ka ba naman Zychela? I was just joking pero kung gusto mo why not. Hahaha,” saad nito kaya naman napangiti na rin naman ako.

Akala ko talaga talaga totoo.

***
Uwian na at kasalukuyang naglalakad ako ng mahagip ng mata ko sila Amber at Kevin.

Nakalean si Amber sa may dibdib ni Kevin habang si Kevin naman ay nakapikit ang mata.

Sa totoo lang kung titingnan sila ay isang perfect couple kumbaga.

Bigla akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at pakiramdam ko ay tutulo na ang luha ko kaya minabuti kong umalis na  roon dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko.

Bumalik ako sa classroom at dahil medyo late na rin ng hapon ay wala ng tao sa room. Dun ay napaupo na lamang ako sa upuan at bumuhos na ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

Hindi ko na napigilan ang  sarili ko sa sakit na nararamdaman ko.

Ngayon naiintindihan ko na kung ano ang talaga ang nararamdaman ko. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng masaktan ng lubusan.

Biglang bumukas ang pinto.

“Ow sorry. Kukunin ko lang sana ‘yung naiwan kong libro. Wait, Chels umiiyak ka?” nag-aalalang tanong ni Danica ng makita akong umiiyak.

“What happened?” tanong nito pero umiling na lamang ako.

“Hindi ako tanga Zychela para hindi malaman na may problema ka. Now tell me. What is it?”

“Bakit ganun? Buong buhay ko sanay ako na nasa akin ang atensyon. Sanay ako na nakukuha ko lahat ng gusto ko. Pero bakit di ko magawang makuha siya Danica? Bakit?”

“Umpisa pa lang ayoko na sa kanya dahil alam kong magiging karibal ko siya sa rank sa honor list. Ayoko sa kanya dahil baka siya ang maging dahilan kung bakit madisappoint sa akin sila daddy. Inis ako sa kanya dahil sa ugali niya. Pero bakit iba na ang tingin ko sa kanya ngayon? Kahit papano nagkasundo kami dahil sa partner ko siya sa glee club. Mas lalong napalapit ang loob ko sa kanya dahil siya ‘yung nandiyan nung oras na kailangan ko ng masasndalan. Hindi ko naman inakala na mahuhulog ako sa kanya at ang masaklap pa dun hindi niya naman pala ako sasaluhin dahil si Amber pa na sarili nating kaibigan ang naging nobya niya.”

“ Nung una binalewala ko ang simpleng kirot nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sila na magkasama pero di ko na kaya ngayon Danica. Naintindihan ko na kung bakit  ako nasasaktan ng ganito. Dahil ‘yun sa mahal ko na ang kinikilala kong karibal. Mahal ko na si Kevin Loyzaga,” umiiyak kong sipi kaya naman niyakap na lamang ako ni Danica.

“Shhh. I’m here Chels. Everthing’s gonna be alright,” saad nito ng nakayakap pa rin sa akin.

My SongWhere stories live. Discover now