Song 4

283 13 5
                                    

Kasama ko si Danica at Amber at kasalukuyang nandito kami sa room.

"Sabi ko na nga ba at magaling kumanta si Kevin my labs," nakangiting saad ni Amber dahilan upang mapailing ako. Recently lang kasi namin nalaman ni Danica na crush niya pala 'yung Kevin na 'yun.

"Amber wala ka talagang taste sa lalake. Duh that Kevin guy, magaling? Na uh. Wala pa siya sa kalingkingan ni Lloyd 'no," I said then slightly flip my hair.

"Alam mo Chels, Amber is right. He was really good."

"Yeah right. Aminin mo na lang kasi," wika ni Amber.

"Ano naman aaminin ko dahil wala naman talaga. His voice is really irritating," sipi ko pagkatapos ay umirap.

"Ok. Sabi mo 'yan ah," wikang muli ni Amber.

"Yeah."

"Sino ang irritating ang boses?" Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang boses.

"You," nakataas ang kilay kong saad.

"Ako?" tanong ni Kevin na tinuturo pa ang sarili niya dahilan upang mapairap ako.

"Yes, ikaw. Wala ng iba."

"Talaga? Baka naman ayaw mo lang aminin na talagang maganda ang boses ko."

"Duh. Of course, not. Hello you're voice is good? You gotta be kidding me. As in nakakairita at isa pa 'yung mga walang taste lang ang magkakagusto sa boses mong ip. . ." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong ninakawan ng halik sa aking pisngi.

I made to compose myself at tinulak siya.

"How dare you kiss me?"

"Sa ang ingay mo eh."

"Ipinaglalaban ko lang na talgang nakakairita ang boses mo."

"Ok," mabiling niyang sabi at lumabas ng room.

"Gosh! How dare he?"

"Ang swerte mo Zychela hinalikan ka ni Kevin," mahinang wika ni Amber.

Seriously? Sabagay crush niya eh.

"Anong swerte dun? More like a nightmare."

"Alam mo kasi Chels kung inamin mo na lang talaga na maganda 'yung boses ni Kevin eh di hindi ka na niya na hinalikan sa pisngi," wika ni Danica.

"Fine. It's my fault. Ayoko lang naman kasing aminin na pati sa pagkanta ay nakikipagkumpetisyon pa siya."

Kevin's POV

Napapailing na lang ako pagnaalala ko 'yung ginawa kong katarantaduhan kanina.

"Ano 'yung nabalitaan kong hinalikan mo raw si Zychela?" tanong ni Jeremy. Nandito kami ngayon sa labas ng school at kasalukuyang tumatambay tapos na kasi ang klase namin.

"Ang daldal eh," iritado kong wika.

"Halata nga eh."

"Paano mo nasabi?"

"Gulat na gulat si Zychela dun sa nangyari," sabi niya at ipinakita sa akin dun sa phone niya 'yung picture nung hinalikan ko si Zychela sa pisngi niya. Ang cute niyang magulat.

"Bakit may ganyan ka?"

"Hindi ko naman alam na magiging ganyan ka-controversial ang ginawa ko."

"Ano pang ineexpect mo? Sikat ka at ganun rin si Zychela lalo pa't isa siyang Tan kaya talagang laman kayo ng chismis," aniya dahilan upang mapasapo ako sa aking noo.

My SongWhere stories live. Discover now