Song 19

103 5 1
                                    

Kasama ko ngayon si Kevin.

Sa totoo lang preoccupied pa rin ako dahil sa sinabi ni Danica kahit apat na araw na ang nakakalipas.

“Ito bang boyfriend mo na si Kevin ay alam ng magulang mo?” tanong ni Danica kaya naman napaseryoso ang mukha ang ko.

"So it means hindi nga."

"Danica gusto kong sabihin syempre kaya lang natatakot ako. Natatakot akong madisappoint ko sila lalo na si daddy. He said na huwag muna akong magboboyfriend hanggang hindi pa ako nakakagraduate ng college."

"Posible nga 'yun Chels pero wala eh. Nagboyfriend ka na. Huwag mo naman saktan ang isang tao dahil natatakot kang masaktan."

"Hindi ko naman sinasaktan si Kevin eh."

"Hindi nga pero gaano ka kasiguradong hindi mo nga siya masasaktan kung hindi mo ipapaalam sa magulang mo. Think about it Chels. Hindi naman sa tutol ako sa relasyon niyo ni Kevin. Ang akin lang ay ipaalam mo sa magulang mo. May karapatan sila tito at tita na malaman at may karapatan si Kevin na ipakilala siya," sabi ni Danica tapos ay tumayo na nga at pumunta sa kinaroroonan nila Lloyd.

Hanggang ngayon gulong gulo pa rin ako dahil sa sinabi ni Danica.

"Ok ka lang Zychela?" agad akong napatingin kay Kevin.

"Ah oo."

"Halika na. Uwian na oh," sabi nito kaya agad naman akong tumingin sa paligid ko at nakita ko nga ang iba na nagsisialisan na ang iba naman ay nag-aayos na ng gamit.

"Ay oo nga pala," sabi ko naman at tumayo na nga ako at kinuha na 'yung bag ko tapos nagsimula na nga kaming maglakad paalis.

"Ok ka lang ba talaga?" tanong muli nito ng naglalakad na kami.

"Oo naman.."

"Ok. So saan tayo?"

"Kahit saan mo  gusto."

"Korean restaurant na lang tutal gusto ko rin namang matuto ng ibang korean culture dahil ang mapapangasawa ko balang araw ay may lahing koreana,"  napangiti na lamang ako dahil sa sinabi niya.

In case hindi ko pa nasasabi ay may lahi talaga akong koreana.

My father is 1/4 american and 1/4 korean and 1/4 filipino and 1/4 chinese. Ang daming lahi ni daddy 'no? While si mommy ay pure filipino.

Napadpad nga kami sa isang korean restaurant.

Ang sabi ni Kevin nakakain na rin siya ng ilang beses sa isang korean restaurant pero hindi nga lang ganun kadalas.

Umorder na nga kami ng pagkain. Korean food.

I ordered breaded pork cutlet or donkatsu in Korea while Kevin orders rice cake soup or tteokguk in Korea.

"Masarap pala talaga ang mga korean cuisine."

"Aba syempre naman," pagmamalaki kong sabi tapos ay nagsubo naman ulit ako.

"Ito tikman mo oh," sabi nito na inilapit pa sa akin 'yung hawak niyang chopsticks na may pagkain kaya naman wala na akong nagawa kundi isubo na lamang iyon.

****

Pasakay na kami ng kotse Kevin ng mahagip ng mata ko si daddy at may kasamang isang lalakeng siguro ay kaedad niya. Sigurado ako na for business purposes ang pag-uusapan nila at bakit naman sa lahat ng restaurant ay dito pa?

Nagmadali akong pumasok sa kotse ni Kevin.

"Bakit?" tanong ni Kevin ng makapasok na rin.

"Ah wala."

"Sigurado ka?"

"Oo naman," sagot ko tapos ay pilit na ngumiti.

"Saan nga pala tayo pupunta na?" tanong ko rito ng nagsisimula na itong magdrive.

"Somewhere. Ipapakilala ko lang sa'yo ang isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko," sagot nito kaya naman tumango tango na lamang ako.

Maya maya pa ay nakarating kami sa isang . . . . . sementeryo?

Hindi na ako nagtanong at sumama na lamang ako sa kanya sa paglalakad hanggang sa tumigil na rin si Kevin.

Dun ko nabasa kung ano ang nakasulat.

Annicka Loyzaga

Dun ko lang naalala 'yung sinabi noon ni  Kevin sa akin.

"Si mama naman kinuha na ng Diyos bata pa lang ako. Siya na ‘yung lagi kong kasama noon. Kalaro,kaibigan lahat lahat na. Ganun ko siya kamahal. Wala akong pwedeng gawin sa kanya kaya naman gusto ko lagi akong first spot sa honor list para naman mapasaya ko siya.”

"Ma gusto ko lang sanang ipakiala ko sa inyo ang babaeng nagbibigay kulay ng buhay ko. Magkaribal man kami sa maraming bagay hindi magbabago ang katotohanang siya lang ang babaeng mahal ko. Ang babaeng mamahalin ko habang buhay," pagkausap nito sa mama niya.

"Zychela siya nga pala si mama Annicka ko. Mabait 'yan at maalaga. Hindi ako nagsisisi na siya ang ibinigay sa aking ina."

"Hi po tita Annicka. Hindi ko maipapangako na hindi kami magkaroon ng problema ng anak niyo pero ang maipapangako ko po ay kahit anong mangyari ay pipilitin naming initindihin ang isa't isa."

Bigla akong inakbayan ni Kevin.

"Di ba ma ang ganda ng girlfriend ko? Matalino at talented pa kahit lagi ay suplada."

"Sinong suplada?" inis kong tanong rito sabay palo pa sa kanya.

"Oo na. Minsan na lang," sabi nito kaya pinalo ko ulit.

"Aray ah!"

Sa totoo lang naguiguilty  ako. Nandito ako ngayon ipinagmamalaki at ipinakilala ni Kevin sa mama niya pero ako ni hindi ko masabi na may boyfriend na ako.

Natatakot sa maaring mangyayari.

Ganito pala 'yung naramdaman ni ate Zafirah nung nagpapanggap pa siyang fake GF ni kuya Xander.

'Yung nagtatago na parang kriminal.

Sana dumating ang araw na magawa kong sabihin na kanila daddy ang tungkol sa amin ni Kevin.

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon