Song 6

218 13 5
                                    

Kevin's POV

Naglalakad ako papunta sa room ng makasalubong ko si Zychela. Tumigil ako para sana kausapin man lang siya pero hindi niya ako inintindi at naglakad na para bang walang nakita. Hindi ko na ito ginawang big deal kaya naman pumunta na ako sa room.

Pagpasok ko ay nagkatinginan kami ni Zychela pero bigla naman niyang iniba 'yung tingin niya. Umupo ako agad sa tabi niya para kausapin siya.

"Oo nga grabe 'yung tawa ko dun sa episode kagabi eh," tumatawa tawa pa niyang kwento kanila Danica.

"Zychela," tawag ko sa kanya at agad naman siyang huminto ng pagtawa at tumingin sa akin with pissed expression.

"I'm sorry."

"Sorry for what?" nakataas ang kilay niyang tanong. Nagmamaangmaangan pa eh alam naman niya.

"Dun sa ginawa ko sa'yo kahapon."

"Ano bang ginawa mo sa akin kahapon?"

"Iniwan kita dun sa restaurant. I am just fooling around. Wala naman talaga akong intensyon na gawin 'yun sa'yo. Binalikan kita but it looks like si Lloyd na 'yung naghatid sa'yo."

"At least siya may puso. At hindi ako pinaglaruan na iwan," mataray niyang sabi tapos ay umirap. Ang hilig talagang umirap ng babaeng 'to.

"Hindi naman kita pinaglaruan Zychela."

"So anong tawag mo dun sa ginawa mo kahapon?" nakataas na naman ang kilay niyang tanong.

"Oh come on Zychela. It was just a prank," naiinis ko na ring saad.

"A prank? Kevin kahit kailan hindi ako nag-play ng prank sa'yo. Paano na lang pala kung hindi dumating si Lloyd? Paano ako makakauwi?" Medyo pasigaw na niyang saad.

"Babalikan naman kita."

"What if you did not? Pano kung umalis na ako dun before you come back? Paano na ako makakauwi? Hindi mo man lang naisip na hindi ako marunong magcommute."

"Yan ang problema sa inyong mga rich kid. Simpleng bagay na kailangan sa mundo hindi niyo alam."

"Woah nagsalita ang hindi anak mayaman." Umirap siya. Naku! Isa pang irap.

"At least I know how to commute. In case of emergency I know what to do."

"So what are you saying? Na hindi ko alam ang gagawin ko sa mga ganoong sitwasyon?"

"Ikaw ang nagsabi niyan hindi ako."

"Talagang. . ."

"Oh LQ ang dalawa," rinig kong sigaw ni Brix - isa sa kaklase namin.

"Ang cute nilang mag-away noh," sabi naman ni Trina.

"Oo nga eh. Nakakakilig pa."

Ano naman ang cute sa pakikipag-away kay Zychela?

Eh lagi naman kaming magkaaway nitong babaeng 'to.

Zychela's POV

Sa totoo lang naririndi na ko sa mga naririnig ko. Anong sweet sa ginagawa namin ni Kevin?

Sa katunayan nga nakakainis na talaga 'tong Kevin na to eh.

Ginawa pa niyang prank 'yung pang-iwan niya sa akin then pinalalabas niya na hindi ko kaya ang sarili ko in case of such situation.

****

Nandito kami ngayon sa canteen at nagiisnack dahil recess na namin.

"Alam mo masyado kang madamdamin. Kung patawarin mo na lang kasi siya tutal he said sorry na rin naman," sabi ni Danica.

My SongWhere stories live. Discover now