Song 15

133 7 4
                                    

Kevin's POV
Ramdam ko na nagiging aloof si Zychela sa amin ni Amber.

Oo nga't nakakasama namin siya minsan pero parang hindi na siya 'yung dating Zychela na nakakasama't nakakausap ko.

Ano bang nangyayari sa kanya?

Nasa may field ako ng makita ko si Zychela kasama si Lloyd at tawang tawa ito.

Ni minsan hindi ko pa nakita si Zychela ng tumawa ng ganun sa akin. Di hamak naman na mas gwapo ako ron.

Naikuyom  ko na lamang ang mga palad ko.

Ano  ba 'tong nangyayari sa'kin?

****

"Ok. I will give now the pairing para sa project niyo," saad ni ma'am.

"Barcenas  and Jimenez, Avenido and Rivera, Mercado and Bayrante, Reyes and Martinez . . . . . . . . . . . .  and lastly Loyzaga and Tan. Ngayon na alam niyo na ang pairings pwede na  kayong magsimula sa project niyo para maisubmit niyo na agad, Ok class dismiss," sabi ni ma'am at umalis na nga.

Nakita kong paalis na rin si Zychela kaya naman napagpasyahan kong lapitan siya.

"Sandali  lang," saad ko sabay hawak sa wrist niya kaya naman humarap ito sa akin.

"Kailan tayo magsisimulang gumawa ng project?"

"Ako na lang ang gagawa."

"Hindi naman ata pwede 'yan Zychela. Kaya nga partner ay para pagtulungan."

"Fine. Kailan mo ba gusto?"

"Kung ok lang sa'yo ngayon  na natin simulan para mabilis tayong matapos."

"Sige ba."

"Sa bahay na lang namin?" tanong ko kaya naman tumango na lamang ito.

"Sabay ka na sa akin," sabi ko at nagsimula na ngang naglakad palabas ng classroom.

*****
Nasa bahay na kami. Sa katunayan halos mabingi na nga ako sa sobrang tahimik naming dalawa.

Mas gusto ko pa 'yung dati. Kahit pinagmamalditahan niya ako kahit papaano ay pinanapansin niya ako pero ngayon daig ko pa hangin dito.

"Hi kuya. Hi ate Chels," bati ni Alexa sa amin habang tumatakbo pa papalapit.

"Hi din little girl. It's been a while."

"Oo nga po ate eh. Hihihi."

"Sige na Alexa go play na somewhere because your ate me are going to make project  na."

"Aye aye aye kuya," sabi ni Alexa at patakbong umalis na.

"Saan tayo gagawa?"

"Dito na lang sa sala."

"Ok. So ngayon pagplanuhan muna natin kung anong gagawin."

"Sige."

****
Pagkatapos namin mapag-usapan ni Zychela kung anong gagawin naming project sa English ay  minabuti naming simulan na nga ito.

Tahimik kaming gumagawa kaya naman naisipan kong basagin ang katahimikan.

"Zychela may nagawa ba kong kasalanan sa'yo?"

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?"

"Ah wala. Sige pagpatuloy na lang natin 'tong ginagawa natin."

Zychela's POV
Hindi pa kami tapos ni Kevin pero  kailangan ko ng umuwi dahil malapit na rin maggabi.

Nagoffer siya sa akin na maghatid pero ang sabi ko huwag na lang. Baka kasi makita pa siya ni daddy tapos kung ano pang isipin non.

Nasa may gate na ako nila at palabas na sana.

"Zychela," tawag niya sa akin dahilan upang humarap ako sa kanya.

"Gusto ko lang sanang itanong kung nanliligaw ba sa'yo si Lloyd?" nanlaki ang mata ko dahil sa  tanong niya pero bumalik naman kaagad ito.

"Hindi."

"Talaga?"

"Oo at kung sakali mang nanliligaw  siya sa akin ano naman sa'yo?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"Ah naisip ko lang kasi. Di ba bawal ka pa naman magkaboyfriend kaya ayun kung sakali mang nanliligaw siya sa'yo gusto ko sanang sabihin na patigilin mo na."

"Ba't mo ba ko inuutusan kung ano ang dapat kong gawin?"

"Umm ano kasi. . ."

"Alam mo. Hindi ko pinapakelaman ang relasyon niyo ni Amber kaya kung sana huwag mo naman pakelaman ang buhay ko. Kung sakali man na magpaligaw ako kay Lloyd o sa kahit kanino pa man wala ka na dun dahil in the first place ano ba kita? Hindi kita ama, kaibigan, kapatid, pinsan, lalong lalo nang nobyo."

"Alam mo Zychela concern lang naman ako sa'yo eh pero kung minamasama mo 'yun eh di sorry. At least ngayon nalaman ko na hindi mo man lang pala ako tinuturing na kaibigan. Samantalang ako ganun ang turing ko sa'yo."

"Akala ko rin Kevin. Akala ko rin."

"Kuya Kevin, ate Chels are you fighting?" napatingin kami ni Kevin sa pinanggagalingan ng boses at dun namin nakita si Alexa na teary eyed na.

"No baby. Of course hindi kami nagaaway ng kuya mo."

"Kung totoo 'yan. Why are you arguing?"

"No. We're not. May pinag-uusapan lang kami ni Kevin."

"Gusto ko ng proof na hindi talaga kayo nagaaway."

"Ano bang gusto mong proof?" tanong ko ulit.

"Kiss niyo ang isa't isa," napatigil ako sa sinabi niya.

Ano raw?

Kiss?

No way.

"Alexa  di ba sinabi ko naman sa'yo na ang kiss ay para lang sa dalawang taong nagmamahalan."

"Bakit kuya? Hindi niyo ba mahal ang isa't isa ni ate Chels?"

"Magkaibigan lang kami ng ate Chels."

"No. Ayoko. Gusto ko love niyo ang isa't isa." Aniya na nakacross arms.

"Ganito na lang. Pwede bang hug na lang 'yung proof?" tanong ni Kevin kaya naman nakangiting tumango na lang si Alexa.

Maya maya pa ay naramdaman kong niyakap na ako ni Kevin.

Gulat ako sa nangyari pero maya maya pa ay napangiti na lamang ako at gumanti ng yakap sa kanya.

Ganito pala ang pakiramdam ng kayakap mo ang taong mahal mo.

Masaya.

Nangangarap na sana hindi na matapos ang sandaling 'to. Pero alam naman nating imposible iyon.

"Happy now?" tanong ni Kevin sa maliit na batang si Alexa habang ito naman ay nakangiting tumango na lamang.

My SongWhere stories live. Discover now