Song 28

119 6 0
                                    


Zychela's POV
Ang araw na 'to ang isa sa hindi makakalimutang tagpo ng isang tao.

Ang araw kung saan may bagong kabanata na kaming haharapin sa aming buhay.

"You still look gorgeous Chels," ika ni Danica.

"Inaasahan ko na talaga 'yan," sipi ko at tumawa nga kami parehas.

Kahit saan ka tumingin ay makikita mo ang mga babaeng may kolorete sa kanilang mga mukha.

Ang mga lalakeng naka formal attire pa at mga magulang na nagchichikahan pa.

"Sinong hinahanap mo? Mukhang kilala ko na ata," sipi ni Danica dahil sa paglilibot ko ng aking mga tingin.

"Si Amber kaya ang hinahanap ko."

"Wala naman akong sinabi kung sino ah," sipi nito ng may mapaglarong ngiti sa labi.

"Kahit na. Alam ko na 'yang iniisip mo eh. Oh loverboy mo," sipi ko at napalingon nga ito at dun niya nakita si Lloyd na papalapit sa kanya.

"Sige maiwan ko muna kayo," nakangiti kong sipi at umalis na nga ako at inilibot pa rin ang aking mata sa buong auditorium.

"Ako pa ang hinahanap mo?" tanong nito ng makalapit sa akin.

"Sino naman ang may sabi?" mataray kong sipi rito at inirapan siya.

"Ay taray. Hindi mo ata ako mamimiss."

"Ba't naman kita mamimiss?"

"Kasi pagkatapos ng araw na 'to ay tapos na rin ang highschool."

"Pero hindi ibigsabihin nun ay iiwan na rin natin ang lahat ng ala ala at pinagsamahan natin."

"Tama ka. Sa bagong yugto ng ating buhay magkasama man tayo o hindi na ay sisiguraduhin ko na mananatili pa rin ang ating pagmamahalan."

****

"Ok graduates fall in line because in just a few minutes the ceremony will start," sipi ng emcee kaya naman sumunod na nga kami.

Nagsimula na nga ang graduation ceremony namin. Hanggang sa isa-isa na nga namin kinuha ang diploma namin.

Sanay naman na ako sa high heels kaya keri ko namang tumaas ng stage with three inch black stiletto.

Masaya ako at sa wakas ay nakuha ko na ang diploma patungo sa bagong kabanata ng aking buhay.

I know mas masaya pa siguro ang mararamdaman ko kapag nakapagtapos na ako sa kolehiyo pero sa ngayon masaya na ako na nakasuot ng itim na togang ito.

Hanggang sa luminya na nga kaming top 10.

Sad to say pero salutatorian lang ako.

Hindi ko man nasungkit ang goal kong maging valedictorian ay masaya na ako sa mga naging achievements ko.

Second honorable si Danica at fourth honorable naman si Lloyd.

Nagtataka kayo kung sino ang valedictorian?

Isa lang masasabi ko. Hindi si Kevin dahil first honorable lamang siya.

"Ladies and gentleman good evening," panimula ng aming valedictorian none other than Amber.

"High school is really an unforgettable part of our lives. With all those laughter and happiness that we shared, the tears that we shed, struggles to keep us stand tall and misunderstandings we had still we chose not to break our relationship with each other."

"They say we are the 'extreme batch' the batch wherein ladies are extremely beautiful, man that are truly every woman's dream, we even have the most number of students who are struggling in the spot of top 10 in honor list. Aside from those characteristics we will never be called 'extreme' if not because of extreme childish acts that even let our teachers complain yet we never let those judgments destroy us."

My SongWhere stories live. Discover now