Song 20

114 7 1
                                    

Zychela's POV
Recess namin ngayon at kami lang ni Kevin ang magkasama si Amber kasi tapos Danica may pinapaphotocopy pa.

"Ayan na. Sus ko po Zychela mauubusan ako sa iyo ng pera dahil sa mga pagkain na pinapabili mo. Matakaw rin talaga."

"Syempre. Kasalanan mo 'yan dahil naging girlfriend mo ko. Hahaha."

"Mas kasalanan mo."

"Bakit?"

"Dahil ikaw ang minahal ko."

Naramdaman ko na ang pag-iinit ng pisngi ko kaya hindi na lang ako nakaimik at nakatingin sa kanya.

"Uy nagblublush siya."

"Huwag na nga," sabi ko habang namumula pa rin.

"Hahaha. Sige Zychela Faye Tan Loyzaga," imbis na tumigil ang paginit ng mukha ko ay mas lalo pa itong grumabe dahil sa sinabi ni Kevin."

"Sige na kumain ka na nga diyan," sabi nito kaya nagsimula na nga akong kumain.

Nang matapos na nga kaming kumain ay bumalik na kami sa room dahil maya maya naman ay magsisimula na ang klase.

Kevin's POV
Magiisang buwan na kami ni Zychela pero hanggang ngayon hindi niya pa rin ako  napapkilala sa magulang niya.

Nasabi niya naman sa akin kung bakit pero hindi ko talaga mapigilang masaktan.

Alam ko naman na ayaw niya lang madsappoint niya ang magulang niya at naiintindihan ko 'yun pero umaasa pa rin ako na magawa niya akong maipagmalaki lalo na sa magulang niya.

Uwian na pala namin pero hinihintay ko muna si Zychela dito sa labas dahil may mga kinakausap pa siya eh.

"Ano bro? Legal ka na sa magulang ni Zychela?" tanong sa akin ni Eric.

"Hindi pa nga eh."

"Bakit? Ikinakahiya ka?"

"Hindi ah. Hindi pa kasi siya handa na sabihin sa parents niya."

"Kahit na. Dapat ipinagmamalaki ka niya kahit ano pa mang mangyari."

 "Alam ko kung anong sinasabi mo. Kahit ako nasasaktan ako sa hindi pagsabi ni Zychela sa magulang niya na may boyfriend na siya at ako 'yun pero wala akong magagawa eh. Mahal ko. Kailangan kong intindihan."

"Alam ko 'yun pero dapat hindi lang ikaw 'yung laging umuunawa."

 Kahit papano ay tama rin naman talaga si Eric pero mahal ko talaga si Zychela kaya kahit anong gusto niya hindi na lang ako magrereklamo.

Zychela's POV
Nakatayo lang ako habang narinig ko ang pinag-usapan nila.

Tama naman kasi talaga lahat ng narinig ko.

Masyado akong makasarili. Lagi ko na lang sarili ko ang iniisip ko.

Bakit hindi ko subukang isipin man lang si Kevin? Kung ano nga ba ang nararamdaman niya?

"Oh Zychela," rinig kong tawag sa akin ni Eric.

Ngumiti na lamang ako rito.

"Kanina ka pa?" kinakabahan na tanong nito.

"Kararating ko lang. So ano alis na tayo," yaya ko rito kaya naman tumango na lamang ito.

"Sige Eric una na kami ni Zychela," paalam  nito kay Eric.

Nagsimula na nga kami nitong maglakad paalis.

"Ok lang naman."

"Ok ka lang?"

"Bakit?"

"Wala lang. Para kasing may iba sa'yo ngayon eh."

"Ano naman?"

"Hindi ko maexplain."

"Sige. Um Kevin."

"Hmm?"

"Ok lang ba ang ugali ko sa'yo?"

"Oo naman. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Baka kasi may ayaw ka pala sa ugali ko eh."

"I love you for who you are. Kahit spoiled brat ka, maarte at may pagkamaldita ok lang dahil ikaw 'yun eh."

"Basta kapag may ayaw ka sa ugali ko sabihin mo agad ah."

"Oo naman."

****

Kinabukasan ay pinuntahan ko agad si daddy sa opisina niya dito sa bahay wala kasi akong pasok ngayon na umaga kaya napagdesisyunan ko ng kausapin si daddy tungkol sa amin ni Kevin.

Pinagisipan ko ng mabuti kagabi at sana nga tama ang gagawin ko ngayon.

Kinakabahan akong kumatok sa opisina niya.

"Pasok," hudyat na nga iyon para pumasok ako.

Oh Zychela bakit?"

"May gusto sana akong sabihin sa'yo dad eh."

"Hmm?"

"Promise me na hindi ka magagalit."

"I promise."

"Eh dad naman. Dapat nakataas pa ang right hand mo like this."

"Sige na nga I promise," saad ni daddy at nakataas nga ng bahagya ang kanang kamay nito.

"Dad ano kasi eh. May. . . may boyfriend na po kasi ako," nakayukong saad ko.

"Oh."

"Hindi ka galit?"

"Why would I? Tsaka sabi mo huwag akong magalit."

"Ah yes I said that."

"Just  promise me one thing Zychela. Mas bigyan mo ng priority ang studies ah."

"Yes dad."

Binuksan ko na nga ang pinto at dun ko nakasalubong si ate Firah. Nginitian ko lang ito at ganun rin 'to sa akin tapos ay nilampasan ko na nga ito.

"Lalalala," hum ko habang naglalakad papunta ng kwarto ko.

"Mukhang ang saya  saya mo ah," puna sa akin ni manang Lorna isa sa katulong namin.

"Masaya lang po talaga ako ngayon."

"Sige," saad nito at nagpatuloy na nga ako sa paglalakad habang naghuhum pa rin.

Hindi ako makapaniwalang hindi nagalit si daddy.

Ang saya saya ko talaga ngayon.

My SongWhere stories live. Discover now