Song 22

107 6 0
                                    

Maraming lingoo na ang nakalipas ng ipakilala ko si Kevin kay  mommy at daddy.

Nagkaroon rin naman kami ng mga hindi pagkakaunawaan ni Kevin pero hindi natatapos ang araw na hindi man lang kami nagkakaayos.

Masaya ang mga nakaraan kong linggo ngunit mukhang  itong araw na ito  ay isa sa pinakamasakit na araw. Inatake si daddy ng sakit niya sa puso.

Nagkasagutan kasi sila ni ate Firah at ng dahil dun ay inatake na nga si daddy.

Agad naman namin siyang dinala ni mommy  sa hospital.

Nang makabalik na kami ni mommy ay agad kaming  sinalubong ni ate Firah.

"Ano ho bang nangyari?" tanong agad ni ate kay mommy.

"Anong nangyari? Ang nangyari ng dahil sa'yo inatake ang ama mo sa sakit niya sa puso."

"M-may sakit siya sa puso?"

"Oo. Sana nagtimpi ka na lang at sana hindi mo na lang siya pinatulan eh di sana wala siya ngayon sa hospital at kritikal ang kundisyon."

"H-hindi ko naman po sinasadya," sabi nito habang pinipigil ang pag-iyak.

"Hindi ako makapaniwala na ang sarili ko pang anak ang magiging dahilan ng pag-aagaw buhay ng sarili kong asawa," saad ni mommy at nilampasan na nga si ate

Nagkatinginan kami ni ate pero agad namang binawi ang tingin ko at nilampasan na rin siya.

Naawawa ako kay ate Firah pero hindi ko rin mapigilan na hindi magalit sa kanya.

Kung hindi niya sana sinagot sagot si daddy di sana wala sa hospital ngayon si daddy.

****
Nandito ako ngayon sa school. Sa totoo lang ayoko talagang pumasok pero kailangan kong pumasok nga.

Running for valedictorian nga ako di ba at ayaw kong madisappoint sa akin si daddy?

Gusto ko paggising niya makikita niya ang marami kong awards and medals.

Nasa school garden ako ngayon kasama si Amber at Danica.

"Chela alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo isa pa maswerte ka pa rin kasi ikaw may posibilidad na magising pa ang daddy mo samantalang ako iniwan niya na," teary eyed na rin na saad ni Amber.

Namatay rin kasi last year ang daddy ni Amber kaya ganun na lamang siya.

"Oo nga naman Chela. Tiwala lang tayo na magigising rin si tito."

"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Kevin ng bigla itong dumating.

 "Icomfort mo nga 'tong girlfriend mo at nasa hospital si tito Antonio," saad ni Danica kay Kevin.

"Paano?"

"Inatake kasi si tito sa  sakit niya sa puso kaya dinala siya sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagigising," sagot naman ni Danica.

"Ganun ba."

"Sige ah. Una muna kami ni Amber. Ikaw muna bahala kay Chels," sipi muli ni Danica at  umalis na nga silang dalawa.

"Sorry."

"Ba't ka humihingi ng tawad?"

"HIndi ko kasi alam na nasa hospital pala si tito. Kung alam ko lang sana eh di nadamayan kita," saad nito dahilan upang mas tuminde ang pagiging teary eyed ko.

"Kasalanan ko rin naman  kasi hindi ko sinabi sa'yo."

"Huwag kang mag-alala Zychela. Narito lang ako. Magiging sandalan mo," saad nito sabay umupo sa tabi ko at hinawakan nga ang kamay  ko dahilan upang mapangiti ako.

Ngayon ko kailangan si Kevin at pinararamdam niya naman sa akin na nasa tabi ko lang siya.

Kahit papaano ay nababawasan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Kevin's POV

Ang pinakaayoko ko sa lahat ay 'yung nasasaktan si Zychela.

Hindi ko naman kayang ipangako na hindi na muling masasaktan si Zychela.

Hangga't nabubuhay pa ang isang tao; masasaktan at masasaktan ito.

Ang kaya ko lang gawin ay maging sandalan niya sa oras na kailangan niya ako para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

Zychela's POV

Apat na ang araw ang nakalipas ng mahospital si daddy.

"Daddy naman eh. Kailan mo ba balak gumising? Apat na araw ka ng natutulog diyan. Please naman dad oh. Gising ka na," pakiusap ko rito habang tumutulo ang aking mga luha.

"Sige dad aah. Alis muna ako," saad ko nang mapunusan ko na ang aking luha.

Tumayo na nga ako at hinalikan ito  sa noo at lumabas na nga ako.

Bago ko tuluyang saraduhan ang pintuan ay muli ko itong sinilip tapos sinarado na nga ang pintuan.

****

Nang makarating ako sa bahay ay naisipan kong puntahan muna si ate.

"Si ate Firah?" tanong ko sa isa naming katulong.

"Nasa kwarto niya po."

"Salamat," saad ko at nagtungo na nga ako sa kwarto nito.

Nang narito na ako sa may pintuan ng kwarto ni ate ay agad akong kumatok.

Nang pumasok na nga ako ay umupo na ako sa may paanan ng kama.

 "Ate," tawag ko sa kanya pero hindi ako nito inintindi.

"Unnie alam kong maraming pagkukulang si daddy sa'yo pero hindi ka man lang ba dadalaw sa kanya. Ngayon niya tayo kailangan," saad ko at  napatingin ito sa akin at umupo na nga siya.

"Bakit? Nung mga panahon bang kailangan ko siya nandito ba siya? Di ba wala? Bakit ko siya pupuntahan?" teary eyed nitong sabi.

"Ate naman. Iba naman ngayon. Nasa hospital si daddy at may pag-asang baka hindi na siya magising. Wala ka man lang bang pagmamalasakit sa kanya kahit konti?"

"Pagmamalasakit? Marami Chela marami pero sapat ba 'yun para pumunta ko dun. Anong mapapala ko? Pagtatabuyan lang ako dun. Ipapamukha lang nila sa akin na kasalanan ko. Bakit? Si  papa lang ba ang naghihirap? Kayo lang ba? Ako rin naman ah. Ni minsan hindi niyo inintindi ang nararamdaman ko samantalang ako bawat salita na lumalabas sa bibig ko, bawat gagawin ko iniisip ko ang mararamdaman niyo," mangiyak ngiyak nitong sipi.

"Zychela hindi naman kasi ikaw 'yung nakaranas na maliitin. Hindi ikaw 'yung kinukumpara sa ibang tao. Hindi ikaw 'yung pinagsasalitaan ng masasakit na salita. Tinuturing  mo siyang  hero mo dahil lagi siyang nandiyan para sa'yo. Sinusuportahan ka niya sa lahat ng gagawin mo. Ni hindi niya man lang magawang  magalit sa'yo dahil sinuway mo siya tulad nung nagboyfriend ka pero samantalang ako bawal magkamali,  bawal magkulang. Kung tinuturing mo siyang isang hero mo ang turing ko naman sa kanya isang villain na walang ibang gustong gawin kundi saktan ako. Saktan ako ng paulit ulit."

"Nagmamalasakit ako sa kanya. Inaamin kong mahal ko siya. ANo pang magagawa ko? Siya ang ama ko eh pero Zychela  tao  rin ako at nasasaktan. Hindi ba ako pwedeng magpahinga na muna?"

"I-i'm sorry. I'm sorry dahil pinipilit kitang puntahan si daddy. Sorry din dahil pinalalabas ko na wala kang malasakit sa kanya. Inaamin ko na  sinisi kita dahil nasa hospital si daddy pero hindi ko man lang inisip 'yung nararamdaman mo. I'm sorry," saad ko at tumayo na nga't lumabas na ng kwarto ni ate.

Naiintindihan  ko si ate pero siguro nga hindi ko siya lubusang naiintindihan dahil sa hindi ko naranasan ang mga naranasan niya.

Naawa ako sa kanya ngunit paano naman si daddy?

Anak rin siya at makakatulong siya na maaring gumising  si daddy.

 Sana lang magawa ng mapatawad ni ate si daddy at gumising na si daddy sa pagkacoma.

My SongWhere stories live. Discover now