Song 2

407 14 3
                                    

Kevin's POV

Dumadaan ako ngayon dito sa corridor at kada babaeng makakasalubungan ko ay nginingitian ko.

"Hi Kevin," bati sa akin ng isa kong ka-batch na babae kaya naman sinuklian ko ng tingin.

"Ang gwapo mo talaga Kevin."

"Kevin pakiss nga," rinig kong wika ng isang babae kaya naman napangisi na lang ako.

"Akin ka na lang Kevin."

Rinig kong mga sabi ng mga babaeng baliw na baliw sa akin. Tss alam ko na 'yan 'wag niyo namang ipamukha.

Pinuntahan ko na 'yung mga kaibigan ko na mga nakatambay dun sa bench.

"Oh pare balita ko napalabas daw kayo ni Zychela sa klase," tanong sa akin ni Glen at halong may pang-iinis.

"Yup," saad ko sabay upo sa tabi niya.

"Bakit? Anong dahilan? Ito kasing dalawang ugok na ito ay walang kwentang magkwento. Hindi tapos," sabi ulit ni Glen sabay turo kanila Jeremy.

"Tss," saad ko sabay iling.

"Um hulaan ko. Pinagtripan mo na naman si Zychela noh?" tanong ni Jeremy ngunit hindi ako umimik.

"So, I am right. Tanong ko lang, bakit si Zychela ang trip mong asarin?"

"Oo nga naman Kevin," dagdag pa ni Patrick.

"Siguro dahil may gusto ka kay Zychela noh? Aminin mo," tukso ni Glen.

"Ako? Magkakagusto sa brat na 'yun. Hinding hindi mangyayari 'yun. Masarap lang talagan siyang asarin dahil masyadong pikon."

"Sus deny pa. 'Wag ka ng magdeny d'yan Kevin eh. Ako ngang may kras kay Zychela eh. Hindi naman masama kung aamin ka. Atin atin lang naman bro," sabi ni Patrick.

"Hindi ako nagdedeny. Wala talaga kong gusto sa Zychela Faye Tan na 'yan. Isa pa crush hindi kras."

"Parehas lang 'yun."

"Hindi 'yun parehas. Magkaiba ang spelling at ang diction nun"

"Sige, ikaw na ang first honor. Porke't matalino ka ginaganyan mo na lang akong kaibigan mo. Wala kang puso," sabi pa niya sabay acting na nasaktan kaya binatukan ko siya.

"Ayan kasi drama pa ng drama. Nabatukan ka tuloy," sabi ni Jeremy kaya naman napailing na lamang ako.

"Hey Kevin di ba sasama ka ulit sa glee club ngayon?" tanong sa akin ni Glen.

"Oo, bakit?" bored kong saad.

"Ang alam ko kasi next week na 'yung audition."

"Then?"

"Wala lang. Nagsasabi lang, malay mo di mo alam tsaka ibig sabihin nun magkakasama na naman kayo ni Zychela. Di ba taon taon naman 'yun nagau-audition sa glee club."

"Ano naman ngayon?"

"Wala lang. Mukha kasing bagay kayo eh."

"Oo nga. Tingin ko rin bagay talaga kayo Kevin," pagsang-ayon pa ni Patrick.

"Tse. 'Wag ka ngang makikisali sa usapan ng may usapan Patrick."

"Ayan kasi nakikisali ka sa usapan," sabi ni Jeremy.

"Ano ba naman kayo? Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Ba't niyo ko laging pinagkakaisahan?"

"Ewan ko sa'yo Patrick. Mabuti pa tumahimik ka muna," sabi ulit ni Jeremy.

"Pero Kevin ako na ang nagsasabing bagay talaga kayo ni Zychela. Baka naman pinagtritripan mo lang 'yan dahil hindi mo kayang ipakita ang feelings mo sa kanya. Ika nga nila defense mechanism para hindi mahalata in short torpe."

My SongWhere stories live. Discover now