Song 11

161 8 0
                                    

Zychela’s POV
Mga dalawang linggo na akong di kinakausap ni ate.

Hindi ko naman siya masisi. Dapat kasi inalam ko muna ‘yung buong katotohanan bago nagconclude.

“Zychela ano magsimula na tayong magpractice?” tanong ni Kevin kaya tumango na lamang ako.

May magaganap na naman kasing mini concert kami sa isang orphanage.

Kung baga para makapagbigay man lang ng saya.

“Dito na lang kaya tayo sa garden,” sabi nito kaya naman tumango na naman ulit ako.

Wala eh. Sa nakaraang araw na nakalipas ay parang hindi ako ‘yung dating Chela.

Hindi kasi ako sanay na magkaaway kami ni ate.

Inaamin ko na may mga tampuhan kami pero hindi umabot sa ganitong away.

“Alam mo Zychela hindi tayo makakapagpractice niyan  ng maayos kung ganyan ka. Nasaan na ‘yung Zychelang kilala ko na enthusiastic at ayaw nalalamangan?” tanong nito pero di pa rin ako umimik.

“What if aliwin muna natin ang sarili natin? Tulad ng pagbike,” sabi nito kaya naman tiningnan ko siya with disbelief expression.

“What? Don’t tell me di ka marunong magbike?” tanong nito kaya naman napaiwas na lamang akong tingin.

“Ano naman ngayon kung hindi nga ako marunong? Pagtatawanan mo ba ako dahil hindi ako marunong.”

“Hindi ko gagawin ‘yun. Ba’t ko naman gagawin ‘yun?”

“Hindi ko alam.”

“Halika na nga at ng maturuan,” sabi nito at tumayo na nga ganun rin ako at tinuruan niya nga akong magbike.

First time kong maranasan ang ganito.

Masaya palang magbike. Masaya pala ang may ganitong experience.

At last after how many years natuto din ako.

Pawisan kaming nakaupo sa carpet ng garden nila.

“Masaya pala maranasan ang ganun.”

“Alam mo nabigla talaga ako ng malaman kong hindi ka marunong magbike. Akalain mo ‘yun isang Zychela Faye Tan may isang bagay na hindi alam.”

“Ang totoo niyan ng bata pa ako di ko naranasan ‘yung mga naranasan ng ibang bata na maglaro. Oo marami akong laruan sa bahay pero ano ang silbi nun kung wala ka naman kalaro tsaka isa pa kahit bata  pa lang ako wala na akong oras nun sa paglaro. Lahat ng oras ko may inaattendan akong lesson. Piano lesson, voice lesson, dance lesson, cooking lesson, guitar lesson, violin lesson, swimming lesson at kung ano ano pa. Ganun kaboring ang buhay ko Kevin. Kahit gustuhin ko man maglaro di ko magawa. Wala eh. Pinalaki ako na dapat lahat alam ko dahil dinadala ko ang isang makapangyarihang apelyido. Dapat walang masabi ang ibang tao sa akin. Ganun ‘yung naging buhay ko Kevin.”

“ Ikaw? Ba’t ata ni hindi ko pa nakita ang magulang mo dito?” tanong ko sa kanya dahilan upang mapaiwas siya ng tingin sa akin.

“Ok lang kung ayaw mong sagutin.”

“Wala na akong magulang. Si papa nagtratrabaho  siya sa abroad pero may ibang pamilya na rin siyang kinasasama roon. Nagpapadala na lang siya ng perang panggastos. Si mama naman kinuha na ng Diyos bata pa lang ako. Siya na ‘yung lagi kong kasama noon. Kalaro,kaibigan lahat lahat na. Ganun ko siya kamahal. Wala akong pwedeng gawin sa kanya kaya naman gusto ko lagi akong first spot sa honor list para naman mapasaya ko siya.”

“Parehas pala tayo. Gusto ko ako rin ang laging first spot sa honor list para maipagmalaki ako ng magulang ko.”

May mabigat rin palang dahilan si Kevin tulad ko.

My SongWhere stories live. Discover now