Song 3

310 15 5
                                    

Zychela's POV

Naglalakad lakad ako sa corridor ng makita ko ang sa information board, 'For all those who are interested to join the glee club we will have the audition tomorrow. Thank you'

"Sasali ka?" tanong ni Danica na sumusulpot sulpot lang from nowhere.

"Of course. Eh ikaw sasali ka rin?"

"Oo naman pati nga si Amber eh. Tatlo na tayong sasali," nakangiti niyang sipi.

"And I'm sure tanggap na agad tayo," full of confidence kong wika.

"How sure are you?"

"Duh. We're great singers naman eh."

"Correct ka diyan sis," aniya at nag-appear kami ng kamay.

"I know right. Halika na," yaya ko at nagsimula na kaming naglakad.

Kevin's POV

Dahil hindi pa naman time ay naisipan ng mga kaklase kong maglaro. Guess what kung anong nilalaro nila.

Truth or dare lang naman.

"Hoy Kevin sali ka rito," yaya sa akin ng isa kong kaklase na babae.

"Pass ako diyan," saad ko sabay taas ng kanang kamay ko.

"Sige na," pagpipilit nito sa akin pero umiling lang ako.

"Dali na kasi sumama ka na."

"Oo nga naman bro bawal KJ," pagsang-ayon pa ng isa kong lalake na kaklase kaya wala na akong nagawa.

"Oh sige na nga," sabi ko at pumunta na doon sa place kung saan sila naglalaro at umupo na sa sahig. Nakapabilog kami medyo marami rami rin kaming naglalaro.

Nag-spin lang 'yung bote at na-stop dun sa isa ko pang kaklase. Nagtruth siya at tinanong siya tungkol sa lovelife niya.

Next spin ay dare; nagdarna 'yung bakla run sa room namin kaya laugh trip.

Next spin, dare na naman. 'Yung dare is i-kiss sa pisngi niya 'yung napupusuan niya sa mga narito at ito namang kaklase ko wagas kung makatili.

Next spin hindi ko ine-expect sa akin matitigil 'yung bote.

"Ok. Truth or dare?" Tanong ng babae kong kaklase.

"Truth," mabilis kong sagot. Um ito na lang pinili ko kasi mga wild at outrageous ang mga dares nila eh.

"Dahil magaling ka naman kumanta if ever na magkakaroon ka ng ka-duet. Who will it be and why? PS dito lang sa room."

Ok. Sino ba ang pwede?

Isip isip Kevin.

"Zychela?" hindi ko siguradong sagot at nagtilian na itong mga taong rito.

What the?

"Ok guys tama na. Hindi pa tapos ni Kevin sagutin 'yung tanong," sabi nung isa naming classmate at tumahimik naman sila at tumingin sa akin na parang interesadong interesado sa sasabihin ko.

"So why?"

"Um ewan ko kung bakit siya 'yung nasabi ko. Baka dahil nagagandahan lang talaga ako sa boses niya," simple kong sagot at nagtilian na naman sila.

Pwede ba tama na! Ang sakit na sa tenga eh.

Zychela's POV

Papunta na kami ni Danica sa room at medyo malayo pa lang kami ay rinig na rinig na namin ang ingay sa room.

Pagdating na pagdating namin sa room ay biglang natahimik at tumingin silang lahat sa amin or should I say sa AKIN.

"Yieeee," tili nila.

My SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon