Song 17

146 8 2
                                    

It has been three weeks na nanliligaw sa akin si Kevin.

Isa lang ang masasabi ko at ‘yun ay mas lalo kong minamahal si Kevin.

Sa totoo lang ayokong patagalin ang panliligaw sa akin ni Kevin kaya naman sa oras na tanungin niya kung payag na ba akong maging girlfriend niya ay sasagutin ko na siya.

Mahal namin ang isa’t isa kaya bakit ko pa patatagalin.

“Nandiyan na ang prinsipe mo,” saad ni Danica kaya naman agad akong napatingin sa tinitingnan ni Danica.

“Bakit?”

“Gusto ko lang sanang maisayaw ang aking prinsesa,” sabi ni Kevin habang nakalahad pa ang kamay.

Seriously?

Sa classroom?

“Ano na namang pakulo ‘to Mr. Loyzaga?”

“Don’t worry brat dahil hindi naman kita kakainin.”

“Nakakainis ka!” singhal ko rito.

Hindi ko namalayan na nahawakan niya pala ang kamay ko at talagang sinasayaw ako ng loko.

May mga nagtitilian pa sa mga kaklase ko dahil raw ang sweet ni Kevin.

Sweet ba ‘yung tawagin akong brat at bigla bigla na lang akong hilahin para makasayaw niya.

Sige na nga. Sweet na ‘yun.

Pati tuloy ako kinikilig na.

“Tama na muna ‘yan na ligawan diyan dahil magsisimula na ang klase,” agad kaming napabitiw ni Kevin ng marinig namin si ma’am.

“Ok. Go back to your seats now,” saad ulit nito kaya naman nagsibalikan na nga kami sa aming mga upuan.

FROM KEVIN:

Wrong timing naman si ma’am :’(

Text nito sa akin kaya naman tumingin ako rito at nginitian siya habang siya naman ay mas lalong sumimangot.

TO: KEVIN

Oo nga eh.  Kaya ikaw bilis bilisan mo ang pagdidiskarte mo sa akin.

FROM: KEVIN

Dapat kasi hindi ka na nagreklamo.

TO: KEVIN

Che. Sige na nga.

FROM: KEVIN

14324 <3

TO: KEVIN

Huh?

FROM: KEVIN

Basta. 14324 Zychela.

Pagkatapos nun ay hindi na ako nagtext kay Kevin at ganun rin siya sa akin.

Ano bang ibigsabihin nung  14324?

‘Yung 143 alam ko I love you ‘yun pero ‘yung  14324 hindi ko talaga alam kung ano ‘yun.

Hayy. Ayoko ng mag-isip.

Amber’s POV
Tanggap ko naman na hindi talaga kami ni Kevin para sa isa’t isa although nandito pa rin ‘yung  nararamdaman ko para sa kanya.

Hindi naman ‘yun madaling mawala eh pero  sinusubukan ko.

Aaminin kong nasasaktan ako sa paglalapit nila Chels at Kevin pero wala akong magagawa.

Unang una wala akong karapatan.

At pangalawa hindi ako ang mahal ni Kevin kundi ang kaibigan ko.

Mas pinili ko na ako na lang ang masaktan kesa naman ipagpilitan ko ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal at para lang masaktan ko ang isa sa matalik kong kaibigan.

Ayokong magpakaselfish sa ngayon.

Hindi ko kayang itake risk ang pagkakaibigan namin ni Zychela para lang ipaglaban ang lalakeng hindi ako ang mahal.

Kaya ok na ‘to kahit masakit.

Balang araw makakahanap rin ako ng lalakeng para sa akin.

Zychela’s POV
Naglalakad ako ngayon dito sa campus kasama si Kevin.

Si Amber kasi nagpaiwan dahil may gagawin pa raw siya habang si Danica naman ay kasama si Lloyd.

Sa totoo lang I can sense na may something na sa dalawa.

Feeling ko ay malapit na rin sa courting stage ‘yung dalawang ‘yun.

“Zychela huwag mo na nga kasi akong masyadong isipin dahil nandito lang naman ako sa tabi mo.”

“Ang yabang mo talaga kahit kailan Kevin Loyzaga.”

“At ang ganda mo naman kahit kailan Zychela Faye Tan.”

Bigla akong natahimik sa sinabi niya.

Inaamin ko na nagblush ako.

Sanay naman na akong masabihan ng maganda pero iba pala talaga ang epekto kapag si Kevin ang nagsabi.

“Oh natahimik ka diyan. Naniwala ka  na naman sa akin noh?”

“Bwisit ka talagang lalake ka!” saad ko habang hinahampas hampas ko pa siya sa braso niya.

Bigla niyang nahawakan ‘yung dalawang kamay ko na hinahampas ko sa kanya tapos ay hinila na ako nito.

“Saan tayo pupunta?”

“Date tayo.”

“Siraulo ka ba? Iuwi mo na kaya ako at baka magabihan pa tayo.”

“No can do.”

****
Dinala niya ako sa isang park na may skating rink.

“Marunong kang magskate?” tanong nito kaya naman napailing na lamang ako.

“Akalain mo ‘yun. Ang isang Zychela Faye Tan ay hindi marunong magskating. Una magbike ngayon naman skate. Meron ka rin palang mga hindi alam noh.”

“Maglelesson sana ako nung bata pa ako ng skating pero hindi ko na nagawa kasi maraming nakalinyang aaralin ko nung mga panahon na ‘yun tulad ng cooking, ballet, swimming at iba pa.”

“Ang boring talaga ng childhood mo noh?” natahimik ako dahil sa tanong niya.

Tama siya. Ni hindi ko nga naexperience na makipaglaro sa ibang bata ng tagutaguan, patintero at kung ano ano pa.

Bata pa lang ako puro mga iba’t ibang lessons na ang inaatupag ko kaya naman lumaki ako na tinitingala ng iba dahil sa napakarami ko raw talent.

“Halika na nga,” sipi nito at hinila na nga ako papunta sa skating rink.

“Huwag mo kong bibitawan ah.”

“Promise hindi kita bibitawan.”

Tinuruan nga ako nito kung paano magskate.

Sa una natutumba tumba ako pero ng lumaon na ay nakaya ko na.

“Sabi ko kasi sa’yo you can do it. Nawawalan  rin pala ng confidence ang isang Zychela.”

“Che.”

“Halika nga dito,” saad nito at hinila na naman ako palapit sa kanya tapos ay umakbay siya sa akin.

Maya maya pa ay may mga fireworks sa langit.

Hindi ko man lang namalayan na gabi na pero hindi ko na ito inisip sapagka’t napakaganda talaga ng mga ito.

Akala ko ay tapos  na ang fireworks display pero may last pa pala.

At talagang nagulat ako sa aking nakita.

May nakasulat na ‘Will you be my girl Zychela Faye Tan?’

Agad napatingin ako kay Kevin.

“Zychela 14324 which means ‘I love you so much’ ngayon Zychela gusto kong sagutin mo ang isa sa mahalagang katanungan ko sa’yo. Will you be my girl Zychela Faye Tan?”

Oh no!

What to say?

My SongWhere stories live. Discover now