Song 12

156 10 2
                                    

Ang saya saya ko ngayong araw dahil bati na kami ni ate.

Excited akong ibalita kanila Danica ‘yun.

Nang makita ko si Danica ay agad agad ko itong nilapitan.

“Dan may magandang balita ako sa’yo.”

“What is it?”

“Kasi. . .” hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang dumating si Amber kasama si Kevin.

Nakakapagtaka.

Bakit sila magkasama?

Baka coincidence lang.

“Danica at Zychela may balita kami ni Kevin sa inyo na talagang mashoshock kayo.”

“Ano ‘yun?” excited na tanong ni Danica.

“Boyfriend ko na si Kevin,” masayang sabi ni Amber sabay pilig ng ulo sa balikat ni Kevin.

Wala na akong nagawa kundi magbigay ng pilit ng ngiti.

“For real?” tanong ni Danica.

“Yes.”

“Kailan pa?”

“Yesternight.”

“Um di ba Chels may magandang balita ka rin na sasabihin sa akin,” sabi ni Danica at naramdaman ko namang napatingin sa akin si Kevin at Amber.

May kakaiba sa tingin ni Kevin pero di ko mawari kung ano.

“Ah. Nagkabati na kasi kami ni ate Firah.”

“Oh good,” sabi ni Danica.

“Buti naman kung ganun. Hindi mo naman kasi talaga deserve ‘yung galit ng ate mo eh,” sabi ni Amber kaya naman nginitian ko na lamang sila.

***

Kanina pa hindi mapaghiwalay ang bagong magsyota na sina Amber at Kevin.

Di ko alam kung anong nararamdaman ko.

Naguguluhan na talaga ako.

Hindi naman ako galit kay Amber at Kevin pero feeling ko naiinis ko lalo na ngayon.

Lunch break na kasi namin at as usual magkakasama kaming tatlo na kumain ‘yun nga lang nakadagdag itong si Kevin dahil nga BF siya ni Amber.

“Ito pa Kevin oh. Masarap ‘to,” rinig kong sabi ni Amber kay Kevin.

Ni hindi ko nga magawang tumingin sa kanila. Nasa unahan kasi sila namin ni Danica.

Katabi ko si Danica at nasa tapat niya si Amber habang ako naman ay nasa tapat ko ay si Kevin.

Hindi ko mainitindihan pero parang ang awkward.

“Paabot nga ng ketsup Zychela,” sabi sa akin ni Kevin kaya naman kinuha ko nga ito inabot ko sa kanya.

Sa pagkuha niya ng ketsup ay nagkahawak ang kamay namin kaya naman agad ko ng binawi ang kamay ko at nagpatuloy sa pagkain.

***

Pauwi na ako ngayon at masasabi kong wala akong ibang ginawa kundi iwasan ng iwasan si Kevin.

Kapag nagtanong siya sasagutin ko pero hanggang dun lang ‘yun.

Naglalakad lamang ako ng biglang may nakabangga ako kaya naman sumalampak ako sa sahig.

“Ouch.”

My SongWhere stories live. Discover now