Song 13

148 11 0
                                    

Kevin's POV

Alam kong maraming nagtataka kung paano naging kami ni Amber.

It's start nung araw na may sumundo kay Zychela na lalake.

'Yung sinabing hinahanap daw ito nung Janina.

Papunta ako sa parking lot dahil nandun 'yung kotse ko at uuwi na ako.

Walang tao noon sa parking lot maliban sa isa.

May isang babaeng nakatayo sa may kotse ko.

Pamilyar sa akin ang pigura ng babaee hanggang sa makalapit nga ako at tumingin sa akin ang babae, dun ko napagtanto na tama ang hula ko.

"Amber. Anong ginagawa mo dito?"

"Kevin. Hinintay talaga kita kasi may sasabihin akong mahalaga."

"Ano 'yun?"

"Nilakasan ko lang talaga 'yung loob ko pero sana pagbigyan mo ako. Gusto sana kitang maging boyfriend ko."

"Bakit?"

"Anong bakit? Gusto kita. Hindi pa ba sapat 'yun na dahilan."

"Pero Amber maraming lalake diyan. Maganda ka. Maraming magkakagusto sa'yo. Huwag kang magpakadesperada para lang sa akin. I don't deserve you."

"No. Gusto kita naiintindihan mo ba 'yun? Gusto kita," naiiyak na nitong sabi.

"Bakit ba hindi mo ko magustuhan? Dahil ba kay Chela?"

"What? Ano bang pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng bigla itong lumuhod.

"Nakikiusap ako sa'yo Kevin. Itry lang natin. Paghindi talaga nagwork out ako mismo ang makikipaghiwawlay sa'yo," pakiusap nito sa akin habang nakaluhod.

"Ano ka ba? Tumayo ka na nga diyan," utos ko dito pero iling lang ang iginanti nito sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige na. Payag na kong maging tayo pero sana tuparin mo ang pangako mo."

"Maraming salamat. Maraming salamat," saad nito ng nakatayo na at niyakap ako.

Zychela's POV
Mabilis lumipas ang araw hanggang namalayan ko na lang na birthday npala ni  daddy.

Sa totoo lang nandito sa party sila Danica at Amber.

Alam kasi ni daddy na bestfriends ko sila kaya naman ininvite niya ito isa pa nasa business world rin naman ang pamilya nilang dalawa.

Isinama pala ni Amber ang kanyang 'boyfriend' dito tutal ayos lang naman daw kay daddy basta wala lang daw akong isasamang BF.

As if naman may nobyo ako eh hindi nga ako nagpapaligaw.

Medyo naging distant nga ako kay Amber at Kevin pero hindi rin ako masyadong lumayo dahil baka mahalata nga sila though nahalata naman na ni Kevin.

Nasa iisang table pala kaming apat.

Ang nakakainis lang kasi na tumingin sa lovers na 'to dahil nakappaong ang ulo ni Amber sa balikat ni Kevin habang si Kevin naman ay nakaakbay kay Amber.

Tulad nga ng sinabi ko dat. Di ko alam kung anong pakiramdam 'to.

Maaring inggit lang 'to dahil never pa akong nagkaroon ng BF.

Maya maya ay pinuntahan ako ni daddy kaya naman tumayo ako sa mesa para makapag-usap kami ng maayos nito.

"Nasaan na ang kuya mo?"

My SongWhere stories live. Discover now