Song 7

223 10 2
                                    

Zychela's POV

Ewan ko ba pero good mood ako ngayon at hindi na ata maalis 'yung ngiti sa aking mga labi.

Siguro dahil naalala ko si Alexa. What a sweet little girl. Actually I can see myself sa kanya kaya siguro I like that little girl.

"Hey mukhang good mood ka ah Chels," sabi sa akin ni Amber.

"Paano kasi magkabati na sila ni Kevin."

"Talaga? Paano mo naman nalaman Dan?"

"Duh. Nakita ko 'yung pag-uusap nila eh."

"Danica you're there?"

"Yup. Don't worry Chels 'yung part lang na 'fine, apology accepted' 'yung narinig ko."

"You know it's rude to listen to others conversation."

"Yeah, I know. Kasalanan ko bang mapadaan ako dun tapos marinig ko 'yun. By the way di mo na ko kailangan pang pagsabihan ng proper conduct kasi I know naman na eh."

"Um girls," rinig kong may nagsalita at alam kong si Lloyd iyon. Kahit pumikit ako ay kabisado ko ang boses niya.

"Oh Lloyd ikaw pala 'yan," sabi ko naman.

"Good morning beautiful ladies. Pwede ko bang i-excuse muna si Danica?" tanong niya.

Oh si Danica naman pala 'yung kailangan eh.

Napangiwi na lamang ako tapos balik naman sa ngiti.

I almost forgot magkapartner pala sila.

"Of course," nakangiti kong sabi.

"Sige Amber, Chels. Alis na kami ni Lloyd," sabi ni Dani kaya ngumiti na lamang ako at ganun rin si Amber.

"Do you think na may gusto si Lloyd kay Danica?" tanong ko kay Amber.

"Di ko alam pero parang mayron eh," sagot niya kaya agad namang lumungkot 'yung mukha ko.

"You think so?"

"Oo eh bakit mo nga pala natanong? Oh my gosh!" sabi niya with patakip takip pa ng bibig.

"Bakit?"

"Crush mo nga pala si Lloyd. Sorry ngayon ko lang narealize."

"Ok lang noh tsaka you're just saying kung anong opinyon mo."

"But I think he has crush on you too."

"Talaga?" nakangiti kong tanong.

"Of course Chels."

"Kaya naman best friend kita eh," sabi ko kay Amber tapos nagwink pa sa kanya.

"Hay naku Zychela Faye Tan tigil tigilan mo ko diyan sa wink mo na 'yan. Buti na lang hindi ako lalake kundi baka nainlove na rin ako sa'yo tulad ng mga fanboys mo dito sa campus dahil diyan sa pakindat kindat mo na 'yan."

"Amber 'wag na 'wag kang maiinlove sa akin ah at baka mamaya niyan lesbian ka pala," biro ko.

"Ew as in ew. Sa ganda kong 'to magiging lesbian ako. No way Chels, no way," pailing iling niyang saad.

"Oo nga naman Chels masyadong maganda si Amber para maging lesbian lang noh," rinig kong sabi ni Kevin kaya naman naparoll eyes na lang ako.

"Don't you know that it was rude to budge in others' conversation? By the way wala kang karapatang tawagin akong Chels we're not even close."

"Hindi pa ba tayo close eh kahapon lang ay masyado ka pa ngang nage-enjoy makipaglaro sa akin at kay Alexa tapos hindi pa rin tayo close."

"For your info Mr. Loyzaga napatawad na nga kita that's why balik tayo sa dati at 'yung dating tayo ay hindi man lang magkaibigan."

"Ouch ang sakit naman nun Zychela. Tagos sa puso ko," sabi niya with acting pa na nasasaktan kaya naman napairap ako.

"Tigil tigilan mo nga ako sa drama mo Kevin. Halika na nga Amber," sabi ko at umalis na kami ni Amber dun.

Amber's POV
Ewan ko ba pero feeling ko may something talaga sa kanilang dalawa.

Kanina lang nung sinabi ni Kevin na maganda ako ay sobrang tuwa ko pero nung nagbabangayan na sila ni Zychela ay parang nasasaktan ako.

Ano ba 'tong nararamdaman ko?

Crush ko lang naman si Kevin. Hindi pa naman ako inlove di ba?

Pero bakit ganito 'yung nararamdaman ko?

"Grabe talaga 'yung Kevin na 'yun. Masyadong nakakainis. Pinanganak ata 'yun para inisin ako eh. Napakaarogante talaga nung lalakeng 'yun kahit kailan di ba Amber?"

"Ha? Ano bang sinasabi mo?"

"Naku hayaan mo na nga at mukhang malalim ata ang iniisip mo," sabi niya.

Mabuti naman at hindi na siya nagtanong pa.

Danica's POV

Magkasama kami ngayon ni Lloyd dito sa isang maliit na classroom para magpractice.

"You're really good at singing,"' puri sa akin ni Lloyd.

"Naku salamat. Ikaw rin naman eh."

"Um Danica pwede ba akong magtanong?"

"Sure. Tungkol saan?"

"Kay Zychela sana."

"Sure, what about her?"

"Nagkaroon na ba siya ng boyfriend?"

"Actually no. NBSB 'yun eh. Pare-parehas kami nila Amber eh. Ba't mo nga pala natanong? Oh gosh don't tell me you like Chels?"

"Actually I really do like her," aniya dahilan upang mapatili ako. Ewan ko ba kinikilig ako.

"Just don't tell her, ok?"

"Sure, sure pero alam mo crush ka rin nun."

"Talaga?"

"Yup kaya kung ako sa'yo ligawan mo na siya. I think may pag-asa ka naman eh. Ba't nga pala hindi mo siya nililigawan?"

"Balita ko kasi lahat ng may balak manligaw sa kanya ay binabasted niya agad."

"Ay oo nga pala. Strict kasi ang father niya kaya bawal siyang ligawan at magkaroon ng boyfriend kaya sa tingin ko wala ka rin namang pag-asa. Knowing Zychela masyado siyang masunurin sa magulang niya especially sa daddy niya dahil ayaw niyang madisappoint sila," wika dahilan upang mawala ang ngiti sa kanyang labi.

Excited pa naman sana ako sa love life ng babaeng 'yun.

My SongWhere stories live. Discover now