Song 10

186 9 2
                                    

“Nakakatawa talaga ‘yung binabasa ko. Imagine napakatanga nung babae. Grabe nakakatawa talaga.  As in hinihingian siya ng pass code tapos sinagot niya ay ‘yung password niya sa FB,” kwento ni Danica pero wala akong oras para tumawa.

“Ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Napapansin ko na parang masyao kayong tahimik. You’re not even your usual self. Tsaka bakit parehas mugto ang mga mata niyo? Ano ba talagang nangyari sa inyo?” tanong ulit ni Danica.

Naalala ko na naman tuloy ‘yung nangyari kagabi.

Nasa garden ako ngayon at kausap ko si Danica.

“Ano bang gagawin ko Danica? Sasabihin ko ba kay daddy na may boyfriend na si ate?”

“Sinong may boyfriend?” tanong ni daddy kaya naibaba ko na ang cellphone ko.

“Dad.”

“Sagutin mo ko Zychela. May boyfriend na ba si Zafirah?” tanong ulit ni daddy pero hindi ako sumagot kaya pumasok na lang ito sa loob at pinuntahan si ate na kasalukuyang nasa living room habang ako naman ay sumunod na lang.

“Kailan ka pa naglihim sa amin? Kailan ka pa nagkaroon ng boyfriend? Di ba ang usapan natin pagnakatapos ka na ng college? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Wala ka na talagang ibang ginawa kundi bigyan ako n konsumisyon,” sabi ni daddy habang si ate Zafirah naman ay tahimik na umiiyak lang.

“Tapos ngayon iiyak iyak ka. Grabe! Di ako makapaniwala na nagpalaki ako ng isang suwail na anak,” sabi ulit ni daddy at umalis na.

“Ate Zafirah,” tawag ko sa kanya.

“Anong nagawa kong mali sa’yo? Sa pagkakaalam ko naging mabuti naman akong ate sa’yo pero bakit ito ang ginanti mo sa akin?” nakayukong tanong ni ate tapos biglang tumingin sa akin si ate kaya napayuko na lang ako habang tumutulo ang aking mga luha.

“I’m so sorry ate.”

“Sorry? ‘Yan na lang ang sasabihin mo sa akin? Bakit? Maibabalik ba ng sorry mo ang mga nangyari? Hindi. Napakamakasarili mo kasi. Gusto mo lahat ng atensyon sa’yo. Gusto mo laging proud sa’yo sila papa kaya kahit ako nagawa mong isuplong. Lagi mong iniisip ang sarili mo. Darating ang araw na kapag nagmahal ka maiintindihan mo rin kung bakit ko ginawa ‘yun.”

“Para sabihin ko sa’yo Zychela. ‘Yung sinabi mong boyfriend ko si Xander mali ka dun. Hindi ko siya BF. Tinutulungan ko lang siya para bawiin ang ex girlfriend niya.”

“I’m so sorry ate. Hindi ko alam.”

“Hindi mo alam. Dapat kasi tinanong mo muna ako bago ka magsumbong kay papa,” sabi ni ate habang umiiling at umalis na nga ito habang ako naman ay naiwan na lang na umiiyak.

“Hayaan mo na lang  ang ate mo. Intindihin mo na lang siya Zychela,” sabi sa akin ni mommy.

“Opo mommy. Naiintindihan ko naman siya eh tsaka isa pa ako naman talaga ang may kasalanan.”

“Sige. Basta gawin lahat para magkabati kayo ng ate mo,” sabi ni mommy kaya tumango na lang ako.

 
“Ano ba talagang nangyari sa inyo ah?” tanong ulit ni Danica.

“Ikaw Zychela.”

“Natandaan mo ba ‘yung nalaman natin kahapon Danica?”

“Yung may BF na ang ate mo?” tanong nito kaya tumango na lang ako.

“Nalaman kasi ni daddy ‘yung tungkol dun at ako ‘yung sinisisi ni ate.”

“Sabagay may point naman kasi ang ate mo eh.”

“Yun na nga eh. I didn’t mean to Dan. Hindi ko naman sinasadya ‘yun eh,” sabi ko habang mangiyak ngiyak na.

“Don’t worry. Nandito kami ni Amber,” sabi ni Danica at niyakap ako.

“Ikaw Amber. Anong problema mo?” tanong ni Danica ng makakalas na sa yakap.

“Wala lang ‘to. Don’t worry.”

“Sure ka?” tanong ulit ni Danica.

“Yup. Sure ako.”

Kevin’s POV
Naglalakad ako ng makita ko sila Zychela kaya pumunta ako dun.

Nang makalapit ako sa kanila Zychela ay nakita kong nakatingin sa akin si Amber kaya naman naglook away na lang ako sa kanya at tumingin kay Zychela.

“Hi Zychela,” bati ko sa kanya pero nilampasan lang ako nito.

“Anong nangyari kay Zychela?” tanong ko kay Danica.

“Nag-away kasi sila ng ate niya kaya ganun. Pagpasensyahan mo na lang,” sabi ni Danica kaya tumango na lang ako.

“Sige. Mauna na ko,” paalam ko sa kanya at sinundan na nga si Zychela.

Nakita kong pumasok siya sa clinic.

“Good morning po,” bati ko sa nurse.

“Good morning din Kevin. Um Kevin may pabor sana ko sa’yo.”

“Ano po iyon?”

“Magssnack lang ako.  Pwede bang ikaw na lang muna ang magbantay dito.”

“Sige po.”

“Salamat,” sabi nito at umalis na nga ito.

Tiningnan ko na kung nasaang room si Zychela at ng makita ko na siya na ay nilapitan ko na ito.

“Tama na sa iyak. Sige ka papanget ka niyan,” sabi ko kaya niyakap ko ito.

“Pero si ate kasi. Galit na galit siya sa akin Kevin.”

“Shhh. Wala namang magagawa  ang iyak mo eh. Dapat makipag-ayos ka na lang sa ate mo,” sabi ko habang nakayakap sa kanya tapos ngumiti ito at bumitiw na nga kami sa yakap at kinuha nito ang panyo niya at pinahid sa luha niya.

Amber’s POV
Tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa kanila.

Bakit ganun mo na lang pagmalasakitan si Zychela?

Habang ako ‘yung totoong nagmamahal sa iyo.

Hindi ko na kinaya ‘yung nakikita ko kaya umalis na  ako doon.

My SongWhere stories live. Discover now