Kabanata 16

152 7 0
                                    


Tanya's POV

"She's not answering her phone, Paul." nag-aalala kong sabi habang patuloy na tinatawagan si Zav. She should have woken up at this time of the day. If ever man na napasarap ang tulog niya, I'm sure sasagutin niya agad ang tawag ko. For some reason, kinakabahan ako. I don't like this.

"She went back to Levi's pad yesterday naman 'di ba? Malay mo natutulog pa siya. It's still 8 in the morning, Tanya. Maaga pa."

"She's a morning person. Late na para sa kanya ang 8 am. She doesn't look good yesterday, right? Paul, let's check up on her. Nag-aalala ako." halos natataranta kong sabi sa kanya.

The three of us planned on doing something today and it's very unlikely of her to not go.

Paul sighed. "Okay. Let's go to her."

Habang nasa elevator kami, may namukhaan akong pamilyar na tao. If I remember it correctly, siya 'yung secretary ni Levi. Malic ba 'yon?

"Hey. Secretary ka ni Levi Anderson 'di ba?" I approached him. He flinched when I started talking to him.

For a secretary, he's quite... timid.

"Y-Yes po. You can call me Malic." napayuko siya. Is he scared of me?

"Good timing. Papunta kasi kami sa pad niya. We need to check up on Zav. Hindi kasi namin siya ma-contact kanina pa." pagpapaliwanag ko.

"A-Ah... Sa katunayan po, Sir Anderson asked me to relay a message to Ms. Huertas."

Napatingin ako kay Paul. Nag-kibit balikat lang siya. I don't feel good about this.

"May emergency po kasi and Sir Anderson had to leave the country for a few days." nanlaki ang mata ko nang sabihin iyon ni Malic. Napansin niya ata ang hindi magandang reaksyon ko kaya may sinabi pa siya. "I-It's an urgent family matter, Miss. Hindi po ito katulad ng iniisip niyo..."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Ano ba ang sa tingin mong iniisip ko?"

"You're pressuring him, Tanya." paalala ni Paul sa akin kaya binawasan ko ang pagiging mataray kay Malic.

Sakto namang nakarating na kami sa floor ng pad ni Levi. At dahil secretary nga ni Levi si Malic may access siya sa pad nito. Malic made sure to knock before he opened it at bumungad sa amin ang sobrang tahimik na pad ni Levi.

"Where's the room where Zav is staying?" tanong ni Paul kay Malic at tinuro naman nito kung saan iyon.

In fairness ah, Levi isn't the CEO for nothing. This place is effin' big! Just how rich is he to have this pad? Halatang mamahalin 'yung mga gamit dito.

Papunta na sana kami sa kwarto ni Zav nang bumukas na ang pinto nito at nakita namin si Zav na halatang bagong ligo dahil nagpapatuyo siya ngayon ng buhok niya.

"Zav! Are you okay? Hindi ka sumasagot sa tawag namin..." agad agad akong lumapit sa kanya. Nagulat naman siya sa inasta ko at medyo natawa.

"Of course I'm okay. Sorry, late na kasi ako nagising. 'Yung phone naman, naiwan ko sa balcony kaya hindi ko naririnig." paliwanag niya sa amin.

"See, I told you she's alright. OA ka lang masyado." sabi ni Paul at natawa silang dalawa ni Zav. Hmp. Pinagtulungan pa ako ng dalawang 'to.

"Pumunta talaga kayo rito para icheck ako?" tanong ni Zav sa amin.

"Siyempre concerned ako sa'yo." nahihiya kong sabi.

"M-Miss Huertas, Sir Anderson wants me to relay a message to you." sabi ni Malic sa kanya kaya hinila ako ni Paul palayo para mabigyan sila ng privacy.

Heartless Series 2: Levi Anderson Место, где живут истории. Откройте их для себя