Kabanata 3

298 10 0
                                    





Levi's POV

"Sumama ka na kasi samin." Pagpipilit sa akin ni Shaun. Umiling ako sa kanya.

"May inaasikaso pa ako. Malapit na ang 7th anniversary ng L.A. Paradise. May event akong pinaplano kaya naman tinututukan ko iyon." Seryosong sabi ko habang nagtatype ako sa laptop ko. Paniguradong kalokohan lang din naman ang magagawa nila at wala akong mapapala kung sasama man ako.

"Bihira ka nang nakakasam sa amin, Anderson. Puro trabaho na lang ang nasa isip mo. Magpahinga ka naman." Pangungulit ni Josh. Ang daldal din naman kasi ng isang ito eh.

"Si Ace na lang ang kulitin niyo. Marami siyang oras." Sabi ko at bumalik sa ginagawa ko.

"Si Montero? Talaga lang Levi ah. Sa pamilya niya pa lang, kulang na lang ialay niya na ang mundo para sa kanila. Si Montero ang pinaka-busy sa ating lahat dahil siya itong pamilyadong tao. Saka, baka ssapakin kami non pag naistorbo namin ang sexy time nila ni Lian." Sabi naman ni Shaun. Tumawa na lang ako sa isip ko. Limang taon na rin pala ang nakalipas nang ikasal sila. Masaya silang dalawa at masaya ako para sa kanila. Parehas ko silang kaibigan at natutuwa akong nagmamahalan silang dalawa. Ako? Heto, single pa rin. I never considered having relationships lalo na noong mawala si mommy sa amin. Si Dad? Nagbago siya. Puro trabaho na rin ang inaatupag niya. Si Lovi naman, bumalik na sa Canada at namamasyal sa iba't ibang bansa. Bihira siyang bumalik dito sa Pilipinas. Hindi na rin ako umuuwi sa bahay dahil wala rin naman akong maaabutan doon.

Ngayon, nakatira ako sa condo ko. Umuuwi pa rin ako sa bahay paminsan-minsan pero puro katulong na lang ang naaabutan ko. Lumayo ang loob naming tatlo sa isa't-isa. That's the worst part. Nawala ang isa sa amin, kaya hindi ko alam kung paano pa bubuoin ang pamilya naming nasira na.

"Paniguradong wala naming ginagawa si Alvarez sa opisina niya eh. Busy naman siyang itago sa mga empleyado niya ang kakulitan niya. Kunwari pag kasama ang mga empleyado, terror at katakot-takot na boss. Pero pag kasama na tayo, daig pa ang bata sa sobrang kakulitan." Sabi ni Dale. Sinang-ayunan naming lahat iyon. That's a good thing. Hindi naman siya pwedeng umakto na parang bata dahil baka mawalan ng respeto sa kanya ang mga empleyado niya.

"Alam ko may bago siyang ginagawang jam ah." Sabi ko naman sa kanila.  Tumawa naman si Josh.

"Hindi ko talaga inaakalang bebenta yung mga gawa niyang jam. Akala ko biro niya lang yon. Balak pala talagang seryosohin ng loko. Hahahaha." Sabi niya. Tama siya. Isa rin naman kasi si Race sa mga walang magawa sa buhay na kaibigan ko. Akalain niyo 'yon, maiisipan din naman pala niyang gumawa ng negosyo na pagkakakitaan niya.

"Kaya nga guluhin na natin yung isang yon. Nababagot na yon, panigurado." Alok ni Dale. Napa-isip naman ako. Wala naman sigurong masama kung manggugulo ako paminsan-minsan diba?

Sinara ko ang laptop ko bago tumayo at magsalita. "Let's go and piss Alvarez." Pagyayaya ko sa kanila. Nagliwanag naman ang mga mukha nila.

-----

Kasalukuyan kaming papasok sa restaurant ng loko. Tulad noon, pinagtitinginan kami ng mga customer at iba niyang empleyado.

"Girl, that's Levi Anderson!"

"The hot bachelor? Yung artista? Shit!"

"Oo girl! I can't believe I'm seeing him right now."

Great. May nakakilala na naman sa akin. Pero bukod sa mga narinig ko sa kanila, pinag-uusapan din ang mga kasama ko. I can't believe we're getting this much attention. Napailing na lamang ako. Nang makarating kami sa tapat ng opisina ni Race, hindi na kumatok si Dale at binuksan na lang iyon. Nagtatawanan pa sila habang nag-uusap at tahimik lamang ako sa tabi.  Imbes na gelatin naming si Race dahil sa biglaang pagbisita naming, kami pa ang nagulat.

Heartless Series 2: Levi Anderson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon