Kabanata 9

223 9 0
                                    




"There is no way I'm going to do that, Sir." I protested. He just chuckled, which made me pissed. May nakakatawa ba?

"It's Levi." he just said. Napairap na lang ako. For a serious man like him, he's too weird. I mean, oo artista siya. He's a celebrity for Pete's sake! But he's weird. Ugh.

"Fine, Levi." napabuntong hininga ako.

"Again, I'm not participating in that activity." I firmly said. Paano ba naman, extreme adventures ang activity namin for the whole week! Bungee jumping, ziplines, team building (more of an extreme-like team building), cliff diving (just what the hell is he thinking?!), scuba diving, and even hiking. Gusto niya bang atakihin ako sa puso? I am a very weak-hearted person, alright.

"Can't do anything about that, Zav. Why don't you just enjoy the activities, eh? I bet you'll love it once you experience it." then he winked at me. See?! He's weird! Maybe a bipolar? One moment, he's serious, then the next one, he's messing with me. Is that even normal?

"Hindi ko kayang sikmurain ang activities na yan. I'll pass." sabi ko at ibinaba ang folder na hawak ko kung saan naglalaman ito ng mga gagawin namin for this whole week.

Nagpahinga kami saglit ni Levi sa kanya-kanya naming kwarto at nandito kami ngayon sa balcony niya, nakaupo sa bench, facing his whole paradise. I gotta admit, just looking at this beautiful sight makes me feel relaxed already.

He looked at me and shook his head.

"No. You have to experience new things, Zav. Buti na lang pala at pinakita ko sayo ang plan nang mapaghandaan mo. Brace yourself. I swear, you'll have fun. Everybody will. Give it a shot." he looked at me in the eye. I sighed.

Well, here goes nothing. I realized that he's right. May mga bagong bagay talaga na dapat kong subukan. Yeah right. And that includes extreme activities, yay! Feel the sarcasm, please.


But still, I got the perks of having the CEO as my acquaintance. I get to know such activities ahead of time.

----------

"Wait, come again? Are you serious?" hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Tanya. I slightly nodded then I told her about my first encounter with Levi. Kinuwento ko lahat sa kanya mula sa simula.

Pati yung misunderstanding sa pagitan naming dalawa ni Levi kinuwento ko sa kanya. This feels good. Yung may mapagkukwentuhan ka tungkol sa mga nangyari sayo.

Tanya is my first ever friend. Well, siya yung kinoconsider ko. I had many acquaintances. May mga kakilala naman ako. Pero never ko pa sila nagawang maconsider as kaibigan.

"Well, that's shocking..." komento niya pagtapos kong sabihin sa kanya lahat. Napatango ako sa sinabi niya. Kahit ako, hindi ko ineexpect na sa ganto kami mapupunta ni Levi. At first, I thought that he was some sort of an asshole because he judged me the first time he saw me. But I'm quite happy that I gained friends because of this.

"... but not impossible." sabi niya at nginitian ako. Agad namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"What do you mean by that, Tanya?" nagtatakang tanong ko.

"I mean, it's not impossible for someone like you to meet Levi Anderson. I get that he has this image. But anyone can meet and be friends with Levi 'the great'." paliwanag niya. She patted my shoulder.

"You should stop that insecurities of yours, Zavrin. Hindi porket hindi ganoon kataas ang antas niyo sa buhay, mawawalan ka na ng karapatan sa ibang bagay. All people deserves to be treated fairly regardless of their social status." at ngumiti siya sa akin.

Oh, God. What did I do to deserve a friend like her? Hindi na ako kumontra pa sa kanya at tumayo na ako mula sa pagkakaupo namin mula sa bench malapit sa tabing dagat. Nagsimula akong maglakad at ganoon din si Tanya.

"Sa tingin mo, ano kaya ako ngayon kung iba ang sitwasyon namin sa buhay? Yung hindi naghihirap." tinignan ko si Tanya at napaisip naman siya. Maliit na ngiti ang binigay niya sa akin.

"May rason kung bakit nangyayari ang mgaiyan sa buhay natin. Ibinigay niya yan sa atin dahil alam niyang kakayanin natin ang pagsubok na iyon. Kaya wag kang susuko, Zina. Magiging ayos din ang lahat." pinagaan niya ang loob ko at naglakad-lakad pa kami ni Tanya sa tabing dagat. Pinagmasdan namin ang paglubog ng araw. May mga nakita kaming nagbabakasyon tulad namin. May mga pamilya at minsan ay turista pa.

Nakalubog na ang araw at medyo madilim na nang makabalik kami ni Tanya sa hotel namin. Pagkabalik naming dalawa ay hinatid ko muna siya sa floor nila bago ako dumiretso sa pad ni Levi. Nang makalabas ako sa elevator ay tumambad sa akin ang nakasimangot na si Levi.


Oh, ano naman ang problema ng isang ito?


"At bakit nakabusangot ka riyan? May nangyari ba?" takang tanong ko sa kanya saka ko siya nilapitan. Pinanliitan niya ako ng mata bago siya sumagot sa akin.

"You tell me." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.


"Ano naman ang sasabihin ko sayo?"

Bakas sa kanyang mga mata ang frustration nang marinig ang sinabi ko. Ano ba ang problema niya? Wala naman akong ginagawa sa kanya ah?


"You were gone for almost an hour, Zavrin. You disappeared without even saying anything. Ni hindi ka man lang nagpaalam at talagang iniwan mo pa ang cellphone mo. Tapos magtatanong ka kung anong nangyari? Paano kung may nangyari sayong hindi maganda?" medyo galit niyang sabi sa akin. Napailing naman ako sa pinaglalaban niya. May sumpong siguro siya ngayon?

Sa mga naririnig ko tungkol sa kanya galing sa mga fans niya, hindi naman ganito ang inaasahan ko. Ang sabi kasi nila, masiyahin at palabiro si Levi Anderson.

Oh sige nga, saan banda diyan ang masiyahin at palabiro? Eh laging nakabusangot naman ang isang ito? Parang noong nagpasabog ang Diyos ng sama ng loob, sinalo niya ata lahat.

"Ano ba ang pinag-aalala mo? Eh pag-aari mo naman itong lupa na tinatapakan natin kaya walang magtatangkang gumawa ng masama. Hindi ka ba confident sa pag-aari mo?" panunuyo ko sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay at umirap.

"Tss... I am beyond confident, Zavrin. Ang sa akin lang, kung lalabas ka at nagbabalak kang gumala, sana ay nagsabi ka man lang. Hindi yung may iniiwan kang taong nag-aalala sa iyo. We're in this together. We're partners. Dapat ay abisuhan mo ako kung nagbabalak kang umalis." seryosong sabi niya saka ako tinalikuran at pumasok sa kwarto niya.

Napakurap naman ako sa sinabi niya. Hindi ko lang talaga inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Akala ko naman kasi ay wala siyang pake dahil nang makarating kami rito sa pad niya kanina, inalisan niya na agad ako. Ano ka ba talaga Levi Anderson?

Papasok na rin sana ako sa kwarto ko pero nagulat ako nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at lumabas siyang may dalang balabal at inihagis iyon sa akin.

Sa gulat ko, hindi ko agad iyon nasalo at tumambad na lang ito basta sa mukha ko. Agad ko naman iyong inalis sa mukha ko at tinignan siya. Seryoso siya ngayon pero parang nahihiya pa.

"Ano ito?" tanong ko sa kanya.


"Baka pabango. Sige subukan mong i-spray nang bumango ka naman." pilosopo niyang sagot sa akin.


"Anong sabi mo?!"


"Tss. Balabal yan! G-gamitin mo pag lumabas ka. Malaming at baka mahamugan ka. Mahirap na, baka pag-alalahanin mo pa ako sayo."

Heartless Series 2: Levi Anderson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon