Kabanata 4

258 9 0
                                    

Zavrin's POV

Tumakbo ako palabas ng opisina at bumalik sa employee's lounge kung saan ang kinaroroonan ko palagi. Pagkabalik ko, walang tao roon.

Malamang maraminng customer ngayon at busy pa rin ang mga kasamahan ko. Pinagmasdan ko ang lugar. May locker para sa aming lahat na halatang pinaghandaan ni Race. Pati ang iilang upuan. Halatang mayaman ang gumastos para sa lahat ng ito. Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ko naman ang aking sarili.

Medyo marumi ang laylayan ng puting pantalon na suot ko. Maging ang pangtaas na uniporme namin. Nadumihan ito marahil kanina habang naglilinis ako ng kusina at naghugas ng mga plato. Base sa itsura ko, kalait-lait naman talaga ako. This is what you get for being too ambitious, Zavrin. Hindi ka nadapat nakipagkaibigan sa boss mo.

Si Race ay boss ko.

At ako lang naman ang empleyado niya. Hindi maaaring maging magkaibigan ang mahirap at mayaman. Masyado kasi akong ilusyonada. I should've known my place.

Bumukas ang pinto sa lounge at iniluwa noon si Race. Agad kong pinunasan ang luha ko. Ngumiti ako sa kanya na para bang walang nangyari.

"Zav..." tawag niya sa akin.

"B-bakit po, Sir?" pormal kong sabi sa kanya. Nagulat siya sa inasta ko. Mabuti na ang ganito.

"Diba sabi ko Race na lang? Please don't mind what my friend has said to you, Zav. Hindi ka ganoong babae. I know you. I trust you." He told me. Lumapit siya sa akin pero umatras ako para mapanatili ang distansya naming kanina.

"Kapag pinagpatuloy natin ang pagkakaibigan natin, hindi lang ang kaibigan mo ang makakapuna sa ating dalawa, Race. Oo magaan ang loob ko sayo. Kaibigan talaga ang turing natin sa isa't isa. Pero hindi natin maiiwasan kung ano ang masasabi ng iba. I have nothing to lose, Race." nanlulumo kong sabi.

"Pero ikaw, may reputasyon kang inaalagaan sa industriyang ito. Hindi pwedeng masira ang pangalan mo dahil lang sa pagiging kaibigan natin. Kung yung kaibigan mo nga naisip na isa akong gold digger, hindi na malabong isipin iyon ng lahat. Boss kita, at ako ang trabador mo. Hanggang doon na lang." seryoso kong sabi habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

Nakakalungkot dahil gusto ko talaga si Race bilang kaibigan. Siya pa lang ang unang tao na nakagaanan ko ng loob. Wala akong naging kaibigan mula pa noong bata ako. For some reason, hindi ako magaling sa pakikipag-usap at mahirap sa akin ang makipag-kaibigan.

"I don't mind what others will say about us. You're a true friend for me, Zav. I want to help you."

"Tulong saan, Race?"

"Kung ano ang maaari kong itulong sa inyo. Hangga't makakaya ko, gagawin ko."

"Hindi mo iyan kailangang gawin, Race. Kaya ko ang sarili ko at hindi ko kailangan ng tulong sa ibang tao." Sabi ko. Napapikit naman siya sa nasabi ko.

"Alam kong kaya mo, Zavrin. But it pains me to see you suffer! At your age, you should be having fun like other women out there. Nagtatrabaho pero nagsasaya sa buhay nila. You don't deserve this. Hindi ka dapat naghihirap. I want to help you." I saw sadness in his eyes. He's frustrated, I can see it.

I held his hand and pressed it lightly.

"This is the life that He gave me, Race. I have no choice but to accept my fate. I trust Him. I will keep my faith and I will work hard for me and my mother. I might be suffering today, but I know that I will get over this, Race." I said sincerely. Napabuntong hininga siya sa nasabi ko.

"I know that you can do it, Zav. But I've been looking at you for over four years. You are the most hard-working person I've ever met. You never stopped working. Kahit may sakit ka at hirap na hirap ka na, you still work. Tell me, how can I not notice you? Naranasan ko na rin iyan, Zav. I know that feeling too well." I saw tears forming in his eyes.

Naguluhan naman ako. Ano ang pinapahiwatig niya? Paanong naranasan niya na rin ang kung ano mang nararanasan ko ngayon?

"W-what do you mean, Race?"

"I was not born rich, Zav. Lumaki akong walang kinikilalang magulang. Lahat ng hirap, dinanas ko noong bata ako. When I was ten, I was abused by my so-called parents. Inampon nila ako and they abused me." sinimulan niya ang pagsasalita.

"Three years after that, naglayas ako and I lived in the streets. Nanlimos ako at lahat ng kalokohan, ginawa ko. I even sold drugs to known people. Of course, I earned money by that. My life was fucked up. Until I met a couple, nakasakay sila sa sasakyan nila and I was assisting them while they're parking their car. They were about to give me a penny but they stopped. And they looked at me. Strangely, I felt that I already saw them before. I was shocked when the guy pulled me for a hug and the woman just cried. Wala akong maintindihan sa nangyayari. But they are my real parents. And that's when Race Kenji Alvarez was born. I started a whole new life, at ito ang narating ko." I was fascinated by his story.

Hindi ko inaasahang ganito ang naranasan ni Race noon pa man.

"I t-thought..."

"Naghirap din ako, Zav. No one helped me that time. But for you, I want you to know that someone is willing to help you overcome those. I want to help you. Please let me, Zav." It was like he's pleading for him to help me.

"Pero nakaya mo, Race. Nang walang tulong galing sa iba, nakaya mong iahon ang sarili mo. Nabuhay ka." Sabi ko at ngumiti. I'm rejecting his offer as much as possible.

"Nakaya ko. Sa pamamagitan ng paggawa ng masasamang bagay. Ayokong matulad ka sa akin.  Ayokong humantong ka sa ganoong kalagayan kung saan gagawa ka ng masama para lang mabuhay. Life is a never-ending war, Zav. But I'm willing to fight with you. At least until the last time you'll need me."

He's really persistent, huh?

I sighed. "Fine. But I won't accept any money from you, okay? Help me in a way that I'll help myself too. And I'll do the same to you. I'll help you as much as I can." I said to end everything. Sa kulit ng boss kong ito, walang panama ang pagtatanggi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya. But his hug felt comfortable. It's like he's telling me that everything will be fine.

"That's what friends are for, Zav. I'll always be by your side, I promise. Kahit ano pa ang mangyari."

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now