Kabanata 20

80 5 0
                                    


"Maiwan ko muna kayo dito, Sir Race. May mga kailangan lang akong gawin. Kapag kailangan niyo ako, ipatawag niyo lang ako kina Mang Ags." nagpaalam si Leo sa amin saka siya umalis.

Nang matapos kaming kumain, napagpasyahan naming puntahan muna ang mga hayop. Gusto daw kasi sumakay ni Dale sa kabayo.

Kaya ngayon, sinasamahan kami ni Mang Pedro papunta sa kuwadra.

"Napakasipag talaga ni Phileo ano?" bigla niyang tanong sa amin.

"Oo nga ho." ang epal na si Josh ang sumagot.

"Hahahaha! Siya ang pinakabata sa mga tagapangalaga ng ranchong ito. Alam niyo, kung wala si Phileo ay malamang mahihirapan kami sa pag-alaga nito. Marami kasing alam sa bagong teknolohiya si Phileo. Alam mo naman kaming mga matatanda." pag-kwento niya pa.

"Taga-rito lang din po ba si Leo?" curious na tanong ulit ni Josh.

"Taga-Cavite si Phileo. Malayo-layo ano? Hindi rin pala-kwento ang batang iyon kaya iyon lang ang alam namin sa kanya." sagot ni Mang Pedro at nilabas ang isa sa pinakamalaking kabayo sa kwadra na si Mysta.

"Mabait 'yan kaya wag kayong matakot." sabi ni Mang Pedro nang mapansin niyang nag-aalangan lumapit ang tatlo.

"M-Madam, ikaw muna." pag-tulak ni Dale kay Zav.

"Gunggong. Ikaw ang may gustong mangabayo tapos ngayon matatakot ka?" binatukan ni Josh si Dale pero inawat sila ni Zav at nauna na nga itong sumakay sa kabayo.

"Sir Dale, dito ka na lang kay Palin." nilabas ni Mang Pedro ang mas maliit na kabayo kung ikukumpara sa nauna naming nakita. Mas maamo ang itsura ni Palin kaysa kay Mysta kaya siguro hindi gaanong natakot si Dale.

Nilabas naman ni Mang Pedro ang isa pang kabayo na si Esther at doon pinasakay si Josh. Tuwang-tuwa ang loko. Esther has a really beautiful mane, so maybe that's why.

"Kayo, Sir?" inalok ako ni Mang Pedro pero tumanggi ako. Kuntento na akong nakikitang nag-eenjoy ang mga kaibigan ko. Saka isa pa, madalas naman ako dito kaya madalas ko rin bisitahin ang mga hayop.

Mula sa kinatatayuan ko, kitang kita ko ang saya sa mga mukha nila habang mabagal na pinapalakad ang mga kabayo. Si Dale tumitili pa kaya tawang-tawa yung dalawa.

Looks like Zav is having lots of fun here.

Napangiti ako sa aking naisip.

"Nako nalibang siguro kayo dito. Gusto niyo ba dito na muna kayo magpalipas ng gabi? Ihahanda ko ang mga kwarto." nilapitan kami ni Leo nang makarating kami sa mansyon.

Tuwang-tuwa sila sa mga hayop dito at panay ang kuha nila ng picture. Of course, magaganda ang mga picture because Zav was the one who took most of it.

Narinig ko na may inalok na trabaho sina Astel kay Zav. As much as I want her to stay here with us, I want her to explore the world too. She deserves tp have fun while working hard for herself. She's been selfless her own life, so I want her to prioritize herself now.

Natigilan ako sa panonood sa kanila nang biglang nag-ring ang aking phone. Sinagot ko agad ang tawag nang makita ko ang Caller ID.

"I can see you from here."

Kumunot ang noo ko. "Don't be impatient. Stay there." sagot ko sa kanya.

Please don't ruin this. "I worked so hard for this chance. You're not going to ruin it for all of us." pagtutuloy ko.

Rinig ko ang buntong hininga niya.

"Until when do I have to wait, Race?"

"Give us just a little bit more time. Until she's ready."

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now