Kabanata 10

207 7 0
                                    




Dalawang linggo ang nakalipas magmula nang makarating kami sa L.A. Paradise. Sa loob ng dalawang linggo na iyon, marami-rami rin ang nangyari. Marami kaming activities na ginawa. Siyempre dahil si Levi ang partner ko, siya ang nakasama kong gawin ang lahat ng iyon.

Sa loob din ng dalawang linggo na magkakasama kaming walo bilang grupo, nagkakilala na kaming lahat. Hindi sila mahirap pakisamahan lalo pa't may pagkakapareha kaming lahat. Si Tanya naman ay mas lalo ko pang naging kaibigan. Lagi kasi kaming magkasama at minsan pa ag tumatambay ako sa kwarto nila ni Paul. Paul is a good guy. Masaya rin siyang kasama.

Akala nga noon ni Tanya ay maiilang siyang kasama si Paul. It turns out na traveler pala ito at nagkataong nanalo siya para mag-bakasyon dito. Marami siyang baong kwento galing sa pamamasyal niya sa ibang bansa kaya naman naaliw talaga kami ni Tanya.

Si Levi? Ayon. Levi is Levi. Wala namang nagbago sa pakikitungo niya sa akin, mas naging palaasar nga lang. Minsan nga ay nalilimutan kong siya pala ang may-ari nito ang nasisigawan ko pa siya.

Hindi talaga magandang ideya ang paglapitin kami. Walang oras na hindi kami nag-aaway ng isang iyon. Kung makulit ako, mas makulit siya. At kung masungit naman ako, maldito siya. Dinaig pa ang babae. Madalas din pabago-bago ang mood niya.

But I have to admit, madaldal ang isang ito. Once na makagaanan ng loob si Levi, talagang kukulitin at dadaldalin ka na niya. Totoo pala ang sinasabi nila, after all.

"Sabihin mo na kasi sa akin yung gagawin natin for this week, Levi. Grabe, parang wala naman tayong pinagsamahan." nakanguso kong sabi sa kanya. Pero sinusungitan niya ako ngayon at hindi ko na naman siya maintindihan.

"Ayaw. Wait for the announcement." tinalikuran niya ako. Ah ganon pala ang gusto mo.

Hindi ko siya sinunod at pumunta ako sa desk niya. May iilang papel ang nakapatong doon at nagsimula akong hanapin ang plano para sa activity namin ngayong linggo. Sa nakalipas na dalawang linggo kasi, sinasabi sa akin ni Levi ang gagawin.

Nung first week, puto extreme activities at team building para raw makilala namin ang isa't isa. Noong unang beses ngang nakita ng mga kasamahan ko si Levi, halos malaglag ang panga nila sa gulat. Isang Levi Anderson ba naman ang samahan kayo sa bakasyon, sinong hindi magugulat?

Sa pangalawang linggo, group activities din. Pero nag-focus na sa crafts. Tinuruan kami tungkol sa pottery and believe me, sobrang hirap non. Pero sa tulong ng mga trabador doon, mas madali naming naintindihan.

Tumulong din kami sa paggawa ng mga souvenir dahil may shop dito kung saan sila ang nagbebenta ng mga nagagawa namin. Sobrang saya non at talagang nakapag-relax kami. Ngayong pangatlong linggo na namin, ayaw niya ng sabihin kung ano ang gagawin namin. Tsk, wala tuloy akong clue kung anong gagawin.

Hinahalungkat ko ang mga dokumento na nasa desk ni Levi nang biglang napadako ang paningin ko sa isang partikular na papel. Parang proposal ata iyon at pinirmahan naman agad ni Levi.

Leonarde Vicente C. Anderson




WHAT?!



A-anong Leonarde Vicente? Iyon ang pangalan niya? Buong akala ko, Levi Anderson lang siya. Nanlaki ang mga mata ko at hindi ko naman napigilan ang paglaglag ng aking panga. Tingin ko naman ag napansin ni Levi ang pagtahimik ko kaya bumaling siya sa akin at nakita niya akong hawak ang isang papel.

Tila ba nagtaka siya sa reaksyon ko kaya agad niya akong nilapitan para tignan kung ano ang nakalagay sa papel na iyon. Kinuha niya sa akin ang papel at sinuri itong mabuti. Kumunot ang kanyang noo sa nakita.

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now