Kabanata 7

240 8 0
                                    


Nanatili lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang paligid ko. Wala naman akong makausap dito hayst. Mukhang mayayaman pa ang mga naka-check in. Ang gagarbo kasi ng suot nila, pati na rin yung mga gamit na dala nila. Ano ba naman ito.

May lumapit sa akin na babae at binati ako. "Are you Miss Huertas?" tanong niya. Agad naman akong napatayo.

"Y-yes po..." sagot ko sa kanya. Para naman siyang nakahinga nang maluwag sa sinabi ko at tinuro ang isang daan papasok sa hall.

"Congratulations for winning. Let me lead you to the hall where the orientation will take place." sabi niya sa akin. Sumunod naman ako sa kanya at naglakad na papasok sa hall. Pagpasok ko ay konti lamang ang mga tao. May anim na tao ang nakaupo at dalawa naman ang nakatayo sa may gilid ng stage. Tapos kaming dalawa ni ateng maganda.

Dinala niya ako sa upuan kung saan kasama ko ang iba pang nanalo. Tama nga si Race. Walo nga lang kami. Ano kayang meron at walo?

May lalaking pumunta sa may gitna dala ang isang mic at nagsalita na.

"Let us begin the orientation for your month long stay here at L.A. Paradise." nakangiting sabi niya sa aming lahat. Umayos naman ako ng upo. Medyo nakakakaba kasi hindi ko kilala ang mga taong nandito.

"Hi." binati ako ng katabi kong babae. Napatingin naman ako sa kanya at ngumiti nang bahagya.

"Hi rin." myghad, Zavrin. Ano bang pinagsasasabi mo?

"I'm Tanya Gonzales. Isa ako sa makakasama mo here for one month." napatitig ako sa kanya. Maganda si Tanya. May maputi siyang balat tapos maliit pa mukha. Mapula ang mga labi niya at matangis din ang ilong. Tapos yung katawan niya, pang model. Grabe ang liit ng bewang!

"Ako nga pala si Z-zavrin hehe." pakilala ko rin naman sa kanya. Hindi talaga ako magaling sa pakikipag-usap sa ibang tao.

"Nice meeting you, Zavrin. From now on, we're friends na!" masiglang sabi niya saka ako niyakap nang mahigpit. Woah! Napaka-friendly naman nitong si Tanya. Ngumiti naman ako sa kanya at siya na rin ang kumalas sa yakap naming dalawa.

"As I was saying, since the numbers of the winners here are even, the CEO decided to conduct an activity where each one of you will spend your month-long vacation here at L.A. Paradise with a partner. It doesn't matter if your partner is an opposite gender. Everything that you'll be using will be shared with your partner. For example, your hotel room. This program aims to let you experience your vacation with your partner and spend time with them."

Eh?? Partner? Wait. Anong partner? Paano kung lalaki yung napunta sa akin? No! Hindi pwede 'no! Ayoko! Ano ba naman itong napuntahan ko???

"Excuse me. Are we the ones who'll choose our partners?" nagtaas ng kamay si Tanya at nagtanong. Agad naman iyong sinagot ng lalaki.

"No. To be fair, we will be picking the pairs from this fish bowl right here. So, shall we start?"

Agad namang nagsimula ang bunutan para sa magiging pair.

"Sana tayo na lang ang mag-partner." sabi sa akin ni Tanya. Nako! Sana nga! Agree ako diyan, Tanya.

In-announce na ang mga pair. Sad to say, hindi si Tanya ang kapartner ko. Lalaki ang kapartner niya. Ngayong pinagmasdan ko na lahat kaming nanalo, equal ang number ng boys at girls. Apat na babae at ganoon din sa mga lalaki. Please, Lord. Babae na lang po ang ibigay niyo sa akin.

Anim na ang natatawag at dalawa na lang sa amin ang natitira. Napatingin ako sa lalaking nasa dulo. Siya??? No! Sabi nang ayoko ng lalaki eh. Nanatiling nakakunot ang noo ko.Nag-iisip na ako ng solusyon para makaalis dito nang biglang may mag-ring na cellphone. Napatingin kaming lahat sa lalaking nasa dulo. Mukhang sa kanya yung tumutunog na phone. Agad naman niya iyong sinagot at lumabas ng hall.

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now