Kabanata 11

221 6 0
                                    





"You have to do this, Zav. Be brave." Levi told me while slowly letting go of my hand. I immediately panicked when I felt him do that. Ayoko na nito! I did not sign up for these extreme activities. I swear, hindi ko talaga ito kaya.


"I swear! Baka mahampas kita kapag binitawan mo ang kamay ko, Leonarde Vicente!" naiinis na binanggit ko ang buo niyang pangalan.


"Tsk. I told you not to call me by my full name."


"That's why you shouldn't let go of my hand!"



"Paano ka matututo kung hindi kita bibitawan? Come on, just jump."

Nanginginig na tinignan ko ang dagat na dapat kong talunan at agad akong nalula sa nakita. Masyadong mataas ang tatalunan ko! Hindi ko kaya. Kahit gaano pa ka-ganda ang view ng waterfalls kung titignan kapag nakatalon na, hindi ko pa rin kaya. Nakakatakot!


"Tayong dalawa na lang ang natitira rito, Zav. Hinihintay na nila tayo sa baba." pinagmamadali na ako ni Levi.


"Kung gusto mo ay mauna ka na lang." suhestyon ko.


"At ano? Maiiwan kang mag-isa? Dito? Kaya mo?" pabalang niyang tanong.


I tsk-ed. Kasasabi ko lang kasi sa kanya na takot ako sa mga ganito eh. Siya itong pumilit sa akin na gawin ang activity na 'to.


"Natatakot talaga ako." binitawan ko ang kamay niya at lumayo sa dulo ng tatalunan dapat namin.


"I'll jump with you, Zav." malumanay na sabi niya.


"This is not about jumping together, Levi. My point is, I'm scared..." nanghihina kong sabi.



"My point is, I won't let you get hurt, Zav. Trust me."

I don't know but his words screamed assurance. Nakita ko na lamang ang sarili kong tumalon kasabay si Levi at nang sinalubong kami ng malamig na tubig na galing sa talon, napaahon ako bigla.


"See? It's not that scary, eh?" natutuwang tanong niya.


"Tsk. Ewan ko sa'yo. Hindi na ako uulit." Lumangoy ako papunta sa batuhan at umahon na.


"Took you long enough." tinawanan ako ni Tanya at inabutan niya ako ng towel para punasan ang basa kong katawan.


"Ayoko talaga sa mga matataas na lugar." sabi ko na lamang.

"Kakain pala kami ni Paul mamaya sa restaurant doon malapit sa hotel na tinutuluyan natin. Gusto mo bang sumama?" pag-aaya niya sa akin. Papayag na sana ako pero naalala ko na may usapan pala kami ni Levi na sabay kaming kakain mamaya.


"Pasensya na. Pero si Levi kasi ang kasama ko mamaya eh. Enjoy na lang kayong dalawa ni Paul." nginitian ko siya.


Binigyan niya ako ng mapang-asar na tingin. "Mag something na ba sa inyo ni Levi?" tanong niya at sinundot pa ang tagiliran ko. Napaiwas naman ako dahil nakiliti ako roon.


"Wala ah! Sabay lang naman kaming kakain. Kung ano-ano iniisip mo dyan." walang malisya kong sabi.

"Weh? Sa dalawang linggo na magkasama kayo, wala ka bang nararamdaman sa kanya? Kayong dalawa ang pinaka-malapit sa isa't-isa kung ikukumpara mo sa lahat ng magkakapartner dito." pinanliitan niya pa ako ng mata.


Nagulat na lang ako nang bigla akong itulak ni Tanya kay Paul na papunta sa direksyon namin. Halos natapilok pa ako sa pag-tulak ni Tanya kaya bumagsak ako sa dibdib ni Paul.


"Nako! Sorry!" nagmamadali akong tumayo at inalalayan niya naman ako para makatayo.

"It's okay. Are you hurt?" maingat niyang sinuri ang braso ko at napangiwi ako nang may maramdaman akong hapdi sa may bandang siko. Doon ko nakita ang medyo malaking gasgas dahil sa bato kanina nang sumayad ang braso ko roon.

"Baka magkaroon ng infection iyang sugat mo. We should treat it immediately." sabi niya at inalalayan niya ako papunta sa lalaking medic at nanghingi si Paul ng first aid kit para gamutin ang sugat ko.

"Mag-ingat ka sa susunod. Lalo na't delikado ang ibang activities na ginagawa natin." he said to me.

"N-natapilok kasi ako." at dahil iyon kay Tanya! Tinanguan niya na lang ako at niligpit na ang first aid kit nang matapos niyang linisin ang sugat ko at lagyan ito ng band aid.

"I should probably get going. Baka ako ang mapahamak nang 'di oras." he laughed a bit and left me alone. Bagamat naguguluhan, sinamaan ko ng tingin si Tanya nang makita kong papalapit siya sa akin.

"Nakakainis ka! Bakit mo ako tinulak papunta kay Paul? Tignan mo ang nangyari." pinakita ko sa kanya ang sugat na natamo ko.

"Saka mo sabihin sa akin na walang something sa inyo kapag hindi na ganon ang tingin ni Levi sa inyo ni Paul nang gamutin niya ang braso mo." mapang-asar na sabi sa akin ni Tanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at palihim kong sinulyapan si Levi. Alam kong kahibangan ang sinasabi ni Tanya pero bakit naniniwala ako sa kahibangan na ito?

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang magkasalubong ang tingin namin ni Levi. Madilim ang aura ng kanyang mukha at napaka-sama ng tingin niya sa akin na para bang may ginawa akong mali.

"See? 'Yan ba ang magkaibigan lang?" bumulong si Tanya.

"I can't just assume that he likes me just because of his reaction." sabi ko at nauna nang umiwas ng tingin kay Levi.

Ayokong mag-assume. Pero bakit umaasa ako?

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now