Kabanata 6

272 9 0
                                    




Isang linggo ang nakalipas matapos ang nangyari, nandito ako ngayon sa bahay at nag-aayos na ng gamit ko para sa isang buwang pananatili ko sa L.A. Paradise. Si Mama rin ay hindi mapakali sa pag-aayos ng gamit niya. Kagabi pa nga siya natapos mag-impake dahil sabi niya, sobrang excited siyang makasama ang mommy ni Race. Nagkita na kasi sila noon at magkalapit naman ang loob nila kaya ayos lang sa kanya na manatili sa bahay nila Race. Masyado lang daw nakakahiya kaya kinabahan noon si mama. Pero sabi naman ni Race ay wala raw dapat na ipag-alala.

"Nak, ingatan mo sarili mo dun, ha?" biglang sabi ni Mama habang nagliligpit ako ng gamit ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Kung ako ang tatanungin, ayoko nang sumama sa bakasyon na iyon, Ma. Okay lang kung kasama ka sana. Pero hindi kasi ako sanay na hindi ka makasama ng isang buwan. Mag-aalala talaga ako nang sobra." Sabi ko kay Mama na may bahid ng lungkot sa tono.

"Nako naman ang anak ko talaga, ang drama na. Anak, ilang taon ka nang nagsasakripisyo para sa akin. Ilang taon mo nang ginagampanan ang trabahong ako dapat ang gumagawa. Ngayon, dapat sa isang magarbong kompanya ka na nag-tatrabaho. Hindi yung mga part time job lang ang meron ka. Masyado mong kinulong ang sarili mo sa pag-aalaga sa akin, nak. Tama naman siguro kung pasayahin mo ang sarili mo. Yung oras mo, igugol mo lang para sa sarili mo. Kahit isang buwan lang, nak. Unahin mo muna ang sarili mo, hmm?" pangangaral niya sa akin.

Ni minsan, hindi ako nagreklamo sa buhay namin. Ayos na sa akin ang ganitong set up. Ayos na sa aking pagsilbihan si mama sa abot ng makakaya ko. Kahit isang beses, hindi ko naisip na sumuko sa buhay na ito. Oo mahirap. Pero kinakaya ko para sa amin.

"Basta tandaan mo ma, aalagaan kita hangga't makakaya ko. Bubuhayin kita at tutuparin ko ang pangarap nating dalawa." Sabi ko sa kanya habang nakangiti.

----------------

"Excited ka na ba, Zav?" tanong sa akin ni Race.
Nandito kasi ako ngayon sa sasakyan niya. Ihahatid niya na ako sa Laguna papuntang L.A. Paradise. Si mama naman ay nauna naming ihatid sa bahay nila Race.

"Medyo. Mas nakakexcite sana kung kasama si mama hehe."

"Give time to yourself, Zav. Sa isang buwan na bakasyon mo sa L.A. Paradise, isipin mong pahinga mo yon. Mag-enjoy ka. Meet new people. Have friends. Have fun." Napatawa naman ako sa sinasabi niya.

"Hahahaha ano ka ba, endorser?" natatawa kong tanong sa kanya kaya napatawa na rin siya.

"Pero seryoso, wag ka muna mag-isip ng ibang bagay. Focus more on yourself." Sabi niya na nagpatigil sa akin. Am I too selfless? Masama bang unahin kong isipin muna ang ibang tao bago ako?

All my life, I never experienced prioritizing myself. Mas importante kasi si mama para sa akin. SIya lang ang meron ako, kaya ginagawa ko lahat para alagaan siya. Sobrang dami kong iniisp. Hindi ko na namalayan na sa sobrang dami, napapikit na lang ako at nakatulog na rin.

"Zav..." naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Nagising ako dahil kay Race. Agad akong napaayos ng upo.

"Nako! Pasensya ka na, Race. Natulugan pa kita. Sorry talaga." Paghingi ko ng tawad sa kannya. Nakakahiya naman yung nagawa ko. Ako na nga lang nakisakay pero tinulugan ko pa.

"Nah, don't mind that." he smiled and got himself out of the car. Palabas na sana ako pero nagulat ako nang binuksan niya ang pinto mg kotse. He's that fast, huh?

"Thank you." nagpasalamat ako sa kanya at tumungo na sa compartment ng kotse para kunin ang gamit ko. Hindi naman ganoon karami ang dala ko. Isang maliit maleta lang saka backpack. Hindi naman ako lilipat dito sa L.A. Paradise kaya hindi ko na kailangang magdala ng napakaraming gamit.

Heartless Series 2: Levi Anderson حيث تعيش القصص. اكتشف الآن