Kabanata 21

83 4 0
                                    



Gaya ng napagdesisyonan, dito na kami nagpalipas ng gabi sa rancho. Kinaumagahan, naabutan ko si Leo sa may lamesa na hinahanda ang almusal para sa lahat.

"Magandang umaga, Sir Race. Medyo maraming kailangang gawin ngayon kaya ako na lang nagluto ng almusal niyo. Pasensya na, hindi kasing-sarap ng luto ni Manang Presi."

Si Manang Presi kasi ang laging naghahanda ng pagkain para sa'min. Sobrang sarap niyang magluto ng kahit na anong putahe.

"Ayos lang, Leo. Masarap din ang mga luto mo." sabi ko sa kanya.

Gising na ang iba at hinihintay na lang namin silang matapos mag-ayos.

"Ay, nga pala, Sir. Tumawag po kanina kay Mang Pedro si Sir Rozwell." bumaling sa akin si Leo. Napakunog ang noo ko sa sinabi niya.

"May pinapasabi ba?"

Umiling si Leo. "Kinamusta lang po kayo pati ang mga kaibigan niyo. Mukhang masaya si Sir Rozwell na nagustuhan ng mga kaibigan mo rito sa rancho. Kagabi lang din po ay nakabalik na siya rito sa Pinas."

Bahagya akong napatawa. Of course he'll be happy.

"Is he gonna come here?" tanong ko.

"Wala naman po siyang nabanggit kay Mang Pedro."

Tumango ako sa kanya. I'll just ask Tito Roz to visit us while we're still here.

Kinuha ko ang phone ko para tawagan siya. Wala pang tatlong ring ay nasagot niya rin ito kaagad.

"Race?"

"Hi, Tito Roz." napangisi ako.

"H-hey..."

God, why does he sound so nervous?

"Relax, Tito. It's just me."

"You don't usually call me first. Anong meron?"

"I just want to ask you if you want to come here habang nandito pa kami. Mamayang hapon ay aalis na rin kami para mamasyal." paliwanag ko.

"Are you serious?"

"Yes, Tito. Pero ikaw lang. If the twins find out about this, it'll be a mess."

"Okay. Give me ten minutes, Race." sagot niya saka binaba na ang tawag. He's been waiting for this moment. I know how much he wants this to work out so I'll help with what I can.

Maya maya pa, narinig ko na ang ingay mula sa itaas. Sina Josh at Dale na nagbabangayan at si Zav na sinasaway sila sa ingay nila.

Pagkababa nila ay binati agad sila ni Leo.

"Magandang umaga po sa inyo!" masiglang sabi ni Leo sa kanila at bumati naman sila pabalik.

"Ah, pakidagdagan ng isa pang plate, spoon, and fork, Leo. Pupunta si Tito ngayon dito."

Tumango naman si Leo sa sinabi ko at umalis na para kunin ang pinapakuha ko.

"Tito? You mean your Tito na may-ari ng rancho na ito?" paninigurado ni Josh na tinanguan ko.

"Akala ko ba nasa ibang bansa?"

"Kagabi lang ay nakabalik na siya. Dadaan lang siya saglit dito para bisitahin kayo." paliwanag ko.

"Ha? Bakit naman kami bibisitahin ng Tito mo?" takang tanong ni Josh.

"He's happy that you guys enjoyed your stay here. He just wants to see the friends I've brought here."

Nanliit ang mata ni Dale sa sinabi ko pero hindi ko siya pinansin.

"M-Maupo na tayo. Hintayin na lang muna natin siya bago tayo kumain." sabi ni Zav sa amin. Sinundan naman namin siya habang si Leo ay hinahanda ang pagkain naming lahat.

Heartless Series 2: Levi Anderson Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang