Kabanata 25

59 7 0
                                    


"Bakit.. ngayon niyo lang s-sinabi?" hirap na hirap kong tanong sa kanila. Panay hikbi ko ang naririnig. Panigurado ay namumugto na ang mga mata ko pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin.

Nandito pa rin kami sa labas ngunit nagsilapitan sina Race, Lou, at Lau sa akin upang patahanin ako. Bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala pero wala silang magawa.

Huminga nang malalim si Mama bago nagsalita. "Pasok muna tayo sa loob, mga anak. Doon tayo mag-usap." bahagya niya kaming nginitian.

Nang makapasok kami, sinalubong kami ng isang lalaki.

Pamilyar siya sa akin. Paanong hindi ko siya makikilala? Eh nagkita na kami noong isang araw lang. Siya 'yung Tito ni Race na kasama namin noon sa rancho.

"Tito Roz.." tawag ko sa kanya.

Napatingin ang lahat sa akin, maliban kay Race, dahil sa pag-tawag ko sa kanyang gano'n.

"Kilala mo siya, anak?" mahinang tanong sa akin ni Mama.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

"Take a seat, everyone." utos ni Tito Roz sa amin.

Lahat kami ay nagsi-upo sa malaking sofa. Sa kanan ko si Mama, sa kaliwa naman si Race. Katabi ni Race si Lau, sa tabi ni Lau si Lou, at sa tapat namin si Tito Roz.

"What did the twins do to you, dear?" tanong niya sa akin.

"T-They did nothing po.." agad kong sagot.

He sounds so serious. Nakakatakot kung hindi ako sasagot agad.

"I heard they went to you a few days ago."

"Okay lang po..." napayuko ako.

"Lauren?" tawag ni Tito Roz kay Lau.

"Pa.." sagot naman nito.

Wait. Pa? Papa? Kumunot ang noo ko at nagpabalik-balik ang tingin sa kanila. Ah, I get it now. Tumingin ako kay Mama ngayon na bakas ang lungkot at pag-aalala sa mukha.

"I'm sorry for not telling you anything about your father, anak. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan.. Up until now, thinking about everything that has happened still pains me." mahinahong paliwanag ni Mama.

I'm not mad that they hid this from me. Like I said before, naiintindihan ko si Mama kung bakit hindi niya nakwento sa akin si Papa noon. Wala man akong alam sa nanyari noon, kilala ko si Mama. Kung kaya niyang gawin, hindi siya magdadalawang-isip na gawin ang isang bagay. Kaya hindi ko siya sinisisi.

I looked at Race who's beside me. Hindi niya ako tinitignan ngayon. He must've felt so guilty, hiding this from me.

Hinawakan ko ang kaniyang kamay. I assured him that it's alright. So this is why he asked my those questions. Kaya pala hindi siya mapakali kanina.

Natawa na lang ako nang alalahanin ko ang itsura niya kanina.

I'm just really overwhelmed with the amount of information I'm discovering right now. First, these twins are my brothers. I don't even know if they're older or younger than me. Ang unang akala ko pa nga ay anak din sila ni Mama na nahiwalay lang sa amin. Pero nang tawagin nilang "Tita" si Mama, doon ko napag-tanto na malamang ay magkapatid kami sa ama. That "ama" being Tito Roz.

Ah, should I stop calling him Tito now? Ang awkward naman siguro kung Tito ang itatawag ko sa kanya pero tatay ko siya?

"I'm sorry for keeping this from you, Zav." mahinang tugon niya.

"You don't have to say sorry, Race. I understand you. Lahat kayo. Wala kayong kasalanan dahil alam kong may rason kayo kung bakit hindi niyo nasabi agad sa akin." I answered him sincerely.

Heartless Series 2: Levi Anderson Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang