Kabanata 2

469 11 0
                                    




Nagpatuloy lang ako sa pagtatrabaho at pinipilit na mag-focus sa ginagawa ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakatanggap ako ng ganoong letter. Paano ba naman kasi, ang isa sa pinaka-successful na beach and resort ang nagpadala sa akin noon. Sinong hindi magugulat diba? Saka sa pagkakatanda ko, wala naman akong sinalihang ganon. Paano ako mapipili kung wala naman akong ginawa na kahit na ano?

Before anything else, ako si Zavrin Huertas, 22 years old at may apat na part time job. Sabi ni mama, noong bata pa lang ako, iniwan na kami ng tatay ko. Kaya naman lumaki ako na walang ama. Si papa raw ay purong Japanese which makes me a half japanese, yikes. Wala akong alam na kahit na ano tungkol kay papa. Well, bukod sa alam ko na Japanese siya, wala na. Ni pangalan niya ay hindi ko alam. Apelyido naman ni mama ang gamit ko, kaya walang dapat ikapagtaka kung bakit hindi pang-Japanese ang surname ko. Hindi ko rin naman kasi pinipilit alamin kung ano ang mga tungkol sa kanya. Wala naman akong pake. Ang mahalaga, magkasama kami ni mama.

Patuloy lang akong naglilinis sa kusina nang may dumating bigla at tinawag ako.

"Zav, tawag ka ni Sir. Pumunta ka raw sa office niya." Medyo kinakabahang sabi sa akin ng katrabaho ko. Nagtaka naman ako at kinabahan na rin.

"Bakit kamo?" kinakabahang tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi nagpapatawag sa opisina niya si Sir unless may gusto siyang ipatanggal sa trabaho. Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nagawang hindi maganda. Maaga naman ako pumapasok sa trabaho at hindi ako pumapalpak.

"Hindi ko rin alam, girl. Wala ka naman sigurong nagawang masama, hindi ba?" nag-aalalang tanong niya. Umiling naman ako.

"Pupunta na lang ako. Baka may sasabihin lang sakin." sige, Zavrin. Be positive!

"Goodluck!" sabi niya na medyo ikinatawa ko. Pero kahit ganon, kinakabahan pa rin ako habang paakyat papunta sa office niya. Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kanyang opisina, huminga muna ako nang malalim bago kumatok.

"Come in." rinig ko ang kanyang baritonong boses. Grabe, boses pa lang ni Sir gwapo na. Wait till you see his face. Kaso off limits iyang si Sir para sa akin. Hindi ko naman siya gusto. Pero marami sa mga katrabaho ko ang may gusto sa kanya. Gwapo na, mayaman pa. Saan ka pa? Nag'gwapuhan din naman ako kay Sir. Kasi gwapo naman talaga. Kaso hindi ko naman type si Sir. He's way too out of my league. Mayaman si Sir, samantalang ako mahirap lang.

Unti-unti kong binuksan ang pinto para pumasok sa opisina niya. Nakita kong nakatalikod si sir habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?" tanong ko sa kanya sa magalang na paraan. Grabe yung kaba ko ngayon! Humarap siya sa akin at ooh la la. Poging-pogi!

Nagulat naman ako nang ngitian niya ako. Woah! Wag kang ganyan, Sir. Baka maging crush na kita. Kilala kasi si Sir bilang seryosong tao at hindi talaga siya nagsasalita sa amin unless related sa business niya.

"Don't be too formal, Zavrin. Just call me Race." sabi niya na ikinagulat ko. Bakit ganto si Sir ngayon?!

"Ahm.. s-sige po, Sir."

"Silly hahaha. Race na nga lang kasi." sabi niya bago may kinuha sa drawer at inilapag iyong sa table niya. "Take the jam. That's for you." nagulat naman ako sa sinabi niya. Nginingitian ako tapos biglang magbibgay ng jam?

"Para saan po iyan?" tanong ko na lang sa kanya.

"My gift. You've been working hard for a long time and that's a simple present for you. I've been making jams and you're the first employee to taste it ever since I started making those." napatingin ako sa isang boteng jar na inilapag niya at nanginguting kinuha iyon.

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now