Kabanata 22

43 5 0
                                    

"Akala ko naman kung saan mo kami dadalhin. Sa amusement park lang pala? Ano kami, bata?" rinig kong reklamo ni Josh na naging dahilan upang sikuhin siya ni Dale.

Sa totoo lang, nang dalhin kami ni Race dito, na-excite ako bigla. Hindi naman kasi ako madalas na pumupunta sa mga ganitong lugar. Palagi akong busy sa part time jobs ko at mas lalo nang wala akong pera para mamasyal.

"Pwede ka namang umuwi kung ayaw mo. Ang tanong, kaya mo ba?" paghahamon sa kanya ni Race.

"Ay wala namang ganyanan, pare. Dinala mo ako rito eh. Iuwi mo rin dapat ako." sabi ni Josh at napakapit siya sa brasonl ni Race bigla. Si Dale na katabi ko ngayon ay napatawa sa inasta nila.

Ako naman ay napailing na lang.

Marami kaming rides na nasakyan. Tingin ko ay halos lahat ay nasakyan namin. Ultimo ang mga rides na pang-bata ay hindi pinalampas ng tatlong itlog. Sobrang saya ko ngayon kasama sila. Ni hindi ko na nga namalayan ang takbo ng oras. Di namin napansin na ginabi na pala kami sa dami ng nasakyan namin.

"Ikaw kasi panay ang turo mo kung saan saan. Baka napagod na si madam sa kakaikot natin." paninisi ni Dale kay Josh.

"Nag-enjoy naman tayo. Okay lang, Dale." paniniguro ko sa kanya.

Totoo naman. Kahit sobrang taas ng sikat ng araw kanina at ang  hahaba ng mga pila para sa rides, talagang nag-enjoy ako. How I wish this day wouldn't end.

Saglit na umalis si Race para bumili ng hotdog para sa amin. Hindi rin naman siya nag-tagal. Lahat kami ay naupo sa isang tabi para panoorin ang fireworks display.

"Wait, I forgot to buy us some drinks. Bibili lang ako saglit." sabi ni Race at umalis muli.

"Cr muna ako, madam." paalam ni Dale.

"Ako rin. Parang majejebs ata ako." sinundan naman siya ni Josh.

Ako na muna ang naiwan dito at kakainin ko na sana yung hotdog ko nang biglang may dalawang lalaking tumayo sa harapan ko. Sobrang magkamukha sila. Para tuloy silang iisang tao. Buti na lang ay magkaiba ang suot nilang damit. Paniguradong kambal ang dalawang 'to.

Nakatingin sila sa'kin tapos biglang napunta ang tingin nila sa hotdog na hawak ko.

"G-gusto niyo?" alok ko sa kanila pero kumunot lang ang noo nila sa akin.

What do they want? Hindi naman sila mukhang may masamang balak kaya hindi na rin ako nataranta. Pero kasi nakatitig lang sila sa hotdog ko.

"You." nagsalita yung isa sa kanila at tinuro pa ako.

"H-Ha?" naguguluhang tugon ko.

"Do you recognize us?" 

Ano raw?

Sasagot sana ano sa kanya nang sikuhin siya ng kakambal niya.

"Of course she doesn't." sabi niya at saka binalik ang tingin sa akin. "Hotdog." nilahad niya ang kamay niya na para bang hinihintay niyang iabot ko sa kanya ang pagkain ko.

Naguguluhan man, binigay ko pa rin iyon sa kanya. Hindi rin naman ako masyadong gutom kaya ayos lang. Saka, baka gutom ang dalawang 'to. Nakakaawa naman.

"Thank you." sabi niya saka kumagat sa hotdog. Inagaw iyon sa kanya ng katabi niya at kumagat din.

"I'm Lou and he's Lau. How about you?" tanong sa akin nung Lou.

"Zav.." sagot ko na lang.

Kailan ba aalis ang dalawang 'to?

"Okay, Zav. See you again next time." at tumalikod na silang dalawa.

Heartless Series 2: Levi Anderson حيث تعيش القصص. اكتشف الآن