Kabanata 5

273 10 0
                                    




"Wait, seriously?" hindi ako makapaniwala sa sinasabi ngayon ni Race. Nandito pa rin kami sa employee's lounge at nagkukwentuhan.

Madaldal siya, as usual.

"Oo nga. Baka lang naman kasi magtaka ka kung bakit ka pinadalhan ng ganong sulat."

Pagpapaliwanag niya sa akin. So that's why I received that letter, huh?

"Eh bakit sa akin mo pinangalan ang entry mo doon? Pwede naming ibang kakilala mo na lang or sa ibang kasamahan ko. Kung pupunta ako dyan sa event na yun, mawawalan ng kasama si mama. Isang buwan iyan oh. Hindi ba pwedeng isama ko na lang si mama?" tanong ko sa kanya.

Nabanggit na rin naman kasi sa sulat na ang pinunta doon ay ang pagrerelax. Kung ganon din naman ang pag-uusapan, mas gusto kong isama si mama para sabay naming maranasan ang pagrerelax.

"Sadly, that event is only meant for one person. Kasi target non ang mga single na participants. The CEO really chose those winners who are single kasi may binabalak silang pakulo sa event na iyon. Matagal-tagal din ang isang buwan."

Paliwanag niya pa. Nako, baka hindi ako makasama niyan. Ayoko pa naming iwang mag-isa si mama sa bahay. Lalo pa't mahina na ang katawan niiya dahil sa katandaan saka pati na rin sa sakit niya.

"Zav, if you're worrying about your mom, wag kang mag-alala. I'll let her stay in our house for the mean time. While you, you get to enjoy your month-long vacation at L.A. Paradise." Masayang sabi niya sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Nako! Wag na, Race! Sobrang nakakahiya na. Sa iba mo na lang ibigay ang napanalunan ko." Malungkot kong sabi sa kanya. Oo nga't gusto kong mag-relax, pero kung hindi naman kasama si mama, ay wag na lang.

"No, I insist, Zav. Saka para ay makasama na rin si mom sa bahay. You know, may business trip kasi si Papa palagi overseas. Since ayaw ni mom na sumasama sa mga ganon, naiiwan siya sa mansion. Kaya lang nababagot siya lagi, but if your mom's there, may makakakwentuhan na si mom. Saka, makakapag-relax din doon ang mama mo. Think about it."

Saglit naman akong napaisip sa sinabi niya. Sa bagay, walang masyadong iisipin si mama kung may makakakwentuhan siya na kasing edad niya. Saka mabait ang mama ni Race, maingay din katulad niya. I once talked to her before at sobrang saya niya kausap. Paniguradong matutuwa si mama.

"Sige, pero baka nakakaabala ako sa inyo ah." Sabi ko.

"No, you're not. Pack your things one of these days. Next week ang punta mo sa L.A. Paradise. Ako na mismo ang maghahatid sa iyo." Sabi niya at kinindatan pa ako. Aba, may kindat kindat pa siyang nalalaman ah.

Ilang saglit pa, napagdesisyunan naming ni Race na lumabas ng lounge. Nako, ang dami ko tuloy na hindi natapos na gawain. Baka magalit si manager nito. Ayaw pa man din non ang tatamad-tamad.

"Don't worry, no one will scold you. I'm the boss here, Zav. I'll fire them if I have to." sabi ni Race as if he read my mind.

"OA mo naman." I laughed at him. Saktong paglabas naming ng lounge, nakasalubong naming ang mga kaibigan niya na kakalabas pa lang ng opisina ni Race. Nandito pa rin sila?
Agad na napawi ang ngiti ko nang maaninag ko ang lalaking nanliit sa akin kanina. Yumuko ako para hindi siya Makita.

"Mademoiselle Zavrin." Tawag sa akin ng isa sa mga kaibigan ni Race. Unti-unti kong iniangat ang tingin ko sa kanila. Hindi ko pa rin tinutuon ang atensyon ko sa lalaki.

"A-ano po iyon?" kinakabahang tanong ko sa kanila.

"I swear, never say anything against her again. Or else." Pagbabanta ni Race sa mga kaibigan niya. Agad ko naman siyang siniko sa nasabi niya.

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now