Kabanata 12

266 10 1
                                    




"Are you having fun?" lumapit sa akin si Levi. Agad akong kinabahan dahil hindi ko inaasahan na itatanong niya ito sa akin. Pero wala naman akong ginagawang masama.

"Lagot ka, ginalit mo." panggagatong ni Tanya. Bago ko pa siya samaan ng tingin inalisan niya na ako. Kainis! Si Tanya talaga ang puno't dulo ng nangyayari ngayon eh. Kung hindi niya sana ako tinulak kanina, hindi ko mararamdaman ang ganitong kaba.

"I asked you, Zavrin." malamig niyang sabi.


Napaatras ako nang di ko namamalayan.

Parang nakita ko na naman ang dating Levi na nang-husga sa akin noon. Ganitong-ganito ang itsura niya noon. Mula sa pananalita hanggang sa mga galaw.

"I-I'm sorry..." napayuko ako. Ayoko nang makita ulit ang ganoong Levi. Mas gugustuhin kong araw-araw kaming mag-asaran kaysa masilayan ko yung Levi na huhusgahan ako.

Kahit nakayuko ako, nakita kong huminto siya sa harapan ko. Unti-unti kong inangat ang ulo ko at nakita kong nagtiim ang bagang niya habang nakatingin sa braso kong may bandage.  Masuyo niya itong inangat at sinuri.

"Tch. Why are you so careless?" inis niyang tanong.

"I'm sorry." sabi ko na lamang.

"Bakit ka ba kasi nawawala bigla sa paningin ko?" tanong niya ulit. Napaiwas ako ng tingin dahil nilakasan niya nang onti ang boses niya. Para tuloy akong sinesermonan ng tatay.

"Damn it! Ingat na ingat ako sayo kanina nang tumalon tayo tapos saglit ka lang na nawala sa paningin ko, nasugatan ka na?" hindi ko alam kung bakit halos lumundag ang puso ko sa sinabi niya ngayon.

Sira ka, Zav! Siguradong walang meaning ang sinasabi niya. 'Wag kang assumera!

"Edi sorry." sagot ko na lamang sa kanya.

"Palibhasa wala kang alam sa nararamdaman ko." tinalikuran ako ni Levi.

"B-bakit? Ano ba ang nararamdaman mo ha?" hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nasabi ko iyan. Sa tingin ko mas mahalaga sa akin na malinawagan sa mga pangyayari ngayon. Masyado na kasing magulo.

Matagal bago siya sumagot kaya magsasalita na sana ako para tanungin siyang muli nang putulin niya ang sasabihin ko.

"Nothing." seryoso niyang sambit at iniwan ang tulala at naguguluhan dito sa tabi.

——-

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin pinapansin?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tanya habang ako ay kinakabahan na rito sa tabi. Nandito ako ngayon sa kwarto nila. Hindi kasi ako gaanong sanay kapag mag-isa lang.

Ilang oras na kasi magmula noong alisan ako ni Levi at hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik. Sinubukan ko na siyang tawagan pero naka-off ang cellphone niya. Alam kong si Levi yung tipo na ayaw magpagulo kapag busy pero hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Zav, kumain ka kaya muna? Kaninang tanghali pa yung huling kain mo. Gabi na ngayon oh." sabi ni Tanya at hinatak na ako palabas.

Nang makarating kami sa restaurant ng hotel, agad kaming dinaluhan ng waiter para kunin ang order naming dalawa.

"Two orders of Pasta Bolognese and Garlic Bread." banggit ko ng order namin.

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now