Kabanata 19

93 6 0
                                    

Race's POV

"Race! Anong ginagawa mo dito?" sinalubong ako ni Zavrin.

Pinagmasdan ko ang itsura niya. Nakangiti, masigla, blooming, at mas lalong gumanda mula noong huli naming pagkikita.

I was expecting to see her a bit sad since I knew that she has something going on with Levi and now they're not okay. Pero mukhang okay lang siya ngayon.

Gusto kong iwasan na mag-alala but I know that she might be just hiding her emotions para hindi kami maapektuhan.

"Well.. I'm here to spend time with you." nginitian ko rin siya pabalik. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero ngumiti siyang muli.

"Ikaw ba yung sinabihan ni Levi na samahan ako?" inosenteng tanong niya.

How did even Levi thought of breaking her heart like this?! Shit.

Tumango ako sa kanya. May sasabihin pa sana siya ngunit dumating na yung nga kaibigan niya.

"Zav! Sino 'yan?" yung maingay na babae.

"Oh, Tanya. Si Race nga pala. Siya yung boss ko dun sa pinagtatrabahuhan ko. Race, si Tanya." pakilala ni Zav sa akin.

"Friend, Zav. I'm also a friend." I corrected her.

"Oh, nice!" Tanya exclaimed. "Mas mabait 'to, Zav. Dito ka na lang." dinig kong bulong ni Tanya kay Zav.

Napangiwi naman ako. I wouldn't say that if I were you.

"Ewan ko sa'yo. Anyways, this is Paul." sunod na pakilala ni Zav sa kasama ni Tanya.

"Nice meeting you." sabi ko saka nakipag-kamay sa kanya.

"By the way, ano palang gagawin niyo para sa araw na 'to?"

"Wala pa naman kaming plano for now." sagot nila sa akin.

"Then... if it's okay to you guys, can I take Zavrin with me? It's been a while since I last saw her."

Napatingin naman si Zavrin sa akin na may halong pagtataka. Nginitian ko na lamang siya. Sina Tanya at Paul naman ay nagtinginan sa isa't isa bago bumaling sa akin.

"Sure. Go, take her." sabi ni Tanya saka pa tinulak si Zav papunta sa akin.

"Oo na, may sarili akong paa." natatawang sabi pa ni Zav sa kanya. May binulong si Tanya kay Zav pero pabiro niya lang itong hinampas saka pumunta na sa aking tabi.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin nang makarating kami sa pinag-park-an ko ng sasakyan na ginamit ko.

"Later, you'll see." nginisian ko siya.

Bubuksan ko na sana yung car door nang bigla itong kusang bumukas.

Right. How could I forget that I took these two with me?

Nasa back seat sina Josh at Dale na malaki ang ngiti sa kanilang mga mukha.

"Hi, Madam! Kumusta?" kaway ni Josh.

Natawa si Zav. "Ayos naman ako. Hello, Dale." Bumaling naman siya kay Dale matapos sagutin si Josh.

"Nice to see you again, Madam!" excited na sabi ni Dale kaya natawa lalo si Zav sa kanila. Napailing na lang ako sa kalokohan nila kaya sinaraduhan ko sila ng pinto at binuksan ang pinto ng shotgun seat.

"Dito ka na lang para hindi ka marindi sa dalawang gunggong." nahihiya kong sabi.

"It's okay. Natutuwa ako lagi sa kanila." sabi no Zav bago sumakay.

"Saan punta natin, Boss?" tanong sa akin ni Josh nang makapasok ako sa sasakyan.

"Manahimik ka na lang pwede?" singhal ko sa kanya saka nagsimula na lang na magmaneho

Heartless Series 2: Levi Anderson Where stories live. Discover now