Kabanata 24

51 5 0
                                    


"Good morning, gorgeous." bati sa akin ni Race nang makita niya ako. Agad niyang kinuha ang maleta ko mula sa akin.

"Ingat kayo ah." sabi ni Tanya sa amin.

"Take care, Zavrin." nginitian ako ni Paul.

"Hay nako, we'll definitely contact you after our vacation here. Kung pwede rin ay bibisitahin kita agad!" naiiyak na sabi ni Tanya.

I gave them my number and social media accounts so that they can reach me easily. Ganon din ang ginawa nila. Later, I will add them. Kakagawa ko lang ng account sa ibang social media kaya hindi pa ako gaanong familiarized sa mga iyon. Pero I'll handle it.

"Saka niyo na ako bisitahin kapag kayo na." panghahamon ko sa kanila. Natigilan naman ang dalawa at parehas pa silang namula.

Umagang kay landi.

Natawa si Race sa gilid. "I see. Looks like the event is a success."

"Success? What success?" nakuha ni Race ang atensyon ni Tanya.

Maging ako ay nagtaka sa sinabi niya.

"Secret." ngumisi si Race. "The two of you should go. You have tasks to do right?" paala nito sa kanila.

Team building kasi ang activity na nakaassign sa kanila ngayon. Tanya and Paul have been looking forward to it ever since.

"Sige na, umalis na muna kayo. Saka na kami babalik kapag nakaalis na kayo. Hmp." kunwaring nagtatampong sabi ni Tanya.

Lumapit ako sa kanilang dalawa para yakapin sila.

"Thank you sa inyong dalawa. I am really glad that I met you here." naluluha kong sabi sa kanila.

They're the ones who stayed with me the most here. I didn't expect to have friends since I only came here with the purpose of having time for myself. But they made my stay here even better.

"This won't be our last time seeing each other, Zav. But we'll definitely miss you. At siyempre, masaya rin akong nakilala kita. You're the best wingman." binulong ni Paul sa akin ang huling parte.

Napangisi tuloy ako sa sinabi niya. Nothing makes me happier than seeing that I was able to help my friends.

"Oh siya, mauna na kami. Baka malate kayo doon sa activity niyo. Itetext ko kayo agad pagkauwi ko. Kahit hindi niyo ako agad na rereplyan." yumakap akong muli sa kanila bago pumasok sa kotse ni Race.

Tahimik lamang ang biyahe namin papunta sa bahay nila Race. I don't know if it's just me, but I think there's some invisible tension here right now.

Hindi ko mapinta ang itsura ni Race ngayon. Parang kinakabahan na ewan. Did someting happen?

"Okay ka lang ba?" nagtatakang tanong ko.  Pano ba naman kasi, parang sinisilaban ang pwet niya ngayon. Hindi siya mapakali sa kinauupuan niya. Kanina pa rin palinga-linga sa paligid tapos halatang may gusto siyang sabihin pero hindi naman siya nagsasalita.

Sasagot na sana siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Mas pangalan iyon ng caller pero hindi naman familiar sa akin ang pangalan na iyon.

"Should I answer it for you?" I offered.

"N-No!" malakas na sagot niya na ikinagulat ko kaya hindi na rin ako nagsalita. Saglit na tumigil ang pag-tawag sa kanya pero hindi na namin iyon pinansin. Hanggang sa ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin tumitigil sa katatawag yung caller.

"Race, mukhang importante ata." I said, pertaining to the call.

He sighed and answered the call himself. "Calm your ass down."

Heartless Series 2: Levi Anderson Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon