Chapter 31 . Back

12.4K 226 2
                                    

"Can I come in?"

Nagulat ako sa tanong niya. Nasa harapan na kami ng bahay namin nung nagtaka ako kung bakit niya pa hindi pinapaandar ang kotse niya. Ngumiti naman ako.

Hinatid na niya ako pero hindi ko alam na may balak siyang ganito..

"Yes" sagot ko at bumaba na siya sa kotse niya.

Wala namang masama, kilala naman siya dito. Kailangan ko lang mag ingat.

Pumasok kami sa loob at gusto kong matawa nung makita ang mga maid namin na gulat na gulat.

"Sir!" sabay sabay nilang sinabi. Tumawa naman siya kaya wala sa sarilig napangiti din ako.

"Looks like.. I was always here." sabi niya at tumango naman ako.

No need to hide anything. Wala na nga siyang maalala. Tinignan ko ang mga maid at alam kong nakuha nila ang gusto kong sabihin.

"Paghahanda na po namin kayo ng pagkain sir." Sabay nilang sabi at akmang aalis na pero nagsalita si Travis.

"Wait.. bawal ako sa--" hindi niya natuloy ng putulin ng mga maids ang sasabihin niya at gusto kong matawa dahil doon.

"Yes sir.. bawal kayo sa shrimp, gusto niyo po ng water lang at ayaw niyo po ng matatabang na pagkain." sabi ng mga maid at tumakbo na papunta sa kusina.

Tumingin naman siya sa akin na halatang natutuwa. Tinaasan ko siya ng kilay at nagkibit balikat ako.

"Don't be shocked.. you were always here that is why they know you that much." sabi ko at napatigil ako sa bumaba sa hagdan namin.

"Kuya.." yan lang ang nasabi ko.

Hindi ko alam na nandito siya.

"Kuya Chand.. what are you doing here?" tanong ko pero tumawa lang si kuya.

"This is our house, malamang nandito ako." sabi niya at lumapit sa amin.

Nakatulala pa rin ako. Hindi man lang siya galit kay Travis? Wala man lang bahid ng galit ang mukha niya.

"So looks like.. nagtagumpay ako." sabi niya at tinapik sa balikat si Travis.

"Alis lang ako Ina.. I'll see Bea" pamamaalam niya at hindi na hinintay ang sagot ko. Tuluyan na siyang umalis.

Natigilan naman ako nung nakita kong nakangiti si Travis.

He likes this huh?

"Why are you smiling?" tanong ko.

Umiling siya at lumapit siya sakin. Natigilan ako at unti unting tumingin sa mata niya.

"It's just.. I feel so home, I love this feeling." sabi niya at ngumiti kaya napangiti rin ako.

"Can I always come here?" tanong niya at natawa naman ako.

"Of course"sabi ko at lalo siyang napangiti. Sa pag ngiti niya ay napapangiti na rin niya ako.

Damn. I'm not even thinking. But I can't take it back. Sabagay.. pwede naman talaga. Kaibigan naman niya si Kuya Third..

"Like.. everyday?" Aniya ng parang bata.

Napakagat ako sa labi ko at tumango. Napaawang ang labi ko nang higitin niya ako. Nagulat ako dahil mabilis niya akong yinakap.

Bumilis ang pintig ng puso ko at sobrang sumasakit ito.

"Thank you" bulong niya.

"Alina?" Natigilan kami dahil sa tumawag sa akin.

Napatingin ako sa kusina at nakita ko si Manang Fel.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now