Chapter 19 . Confused

12.1K 249 0
                                    

"Saan ka pupunta? There is a storm coming."

Napatingin ako sa may pintuan at nakita si Kuya Chand.

Inayos ko ang gamit ko. Kababalik palang namin sa Pilipinas pero pakiramdam ko nawindang na ang buong mundo kaya kailangan kong huminga.

"Sa mall.. I just need some time to enjoy. Lalo na at magsstart na tayo magtrabaho bukas and besides hindi naman tayo matatamaan." Sagot ko.

Sinabit ko ang bag ko sa balikat ko at lumapit sa mahabang salamin. Pinagmasdan ko ang sarili ko. I was wearing maxi dress that is just right for my body.

I smiled and I can say I'm contented on how I look.

"Bye kuya and don't worry, hindi ako makikipagkita kay Travis" sabi ko at nagpatuloy na sa labas.

Alam ko naman na yun lang ang hinihintay niyang sabihin ko. Nalaman nila ang nangyari kaya galit si Kuya Chand.. though hindi nagalit si Kuya Third and that is still a mystery to me.

Ang lakas ng ulan kaya tumakbo ako papasok sa kotse. I hate bringing umbrella, I'm not just into it.

Sumakay ako ng kotse ko at lumabas na ng gate nung matigilan ako sa nakita ko. I was beyond shocked!

Nakaluhod si Ate Rean sa harap ni Kuya Third. Kinuha ko ang payong sa tabi ko, mabilis akong lumabas ng kotse at tumakbo sakanila, hinila ko si Ate Rean at pinayungan. Bahala si Kuya Third!

"KUYA?! ANO BANG GINAGAWA MO?!" sigaw ko at yinakap si Ate Rean kasi iyak siya ng iyak.

Her tears shouted pain and I'm very mad because of it.

"Wag kang makisali dito!" sigaw ni kuya pero sinampal ko siya.

She loves him! He loves her! Anong problema?! Ako ngang halos hilingin sa Panginoon na gawing simple ang sa amin ni Travis ay napaka komplikado pa rin ngayon, hindi nagrereklamo. Siya? Gaganyan ganyan?

"KUYA! PLEASE STOP THIS. MAGUGUSTUHAN MO BA KUNG SAKIN GAWIN TO!" sigaw ko kay kuya at binalingan si Ate Rean.

"Ate.. I'll drive you home okay?" sabi ko pero binitawan ako ni Ate Rean at tumingin kay Kuya Third.

Her eyes expressed anger, sadness and pain. Nanginginig na siya dahil sa lamig.

"Ayaw mo na talaga? Sige.. gets ko na. Sorry ang tanga ko. Wag kang magalala.. dahil nagising na ulit ako. Sorry kung naniwala ako sa forever mo" sabi niya at tumalikod sa amin. Naglakad siya sa ilalim ng ulan at sumakay na sa kotse niya.

Liningon ko naman si Kuya Third at marahanh tinulak para magising sa katotohanan.

"WHAT? ANONG GINAGAWA MO KUYA! I KNOW YOU LOVE HER!" sigaw ko at nakita kong nakayukom na ang kamao ni kuya.

"Not now Alina..Can you please follow her and make sure she is safe?" tanong niya sakin at sinamaan ko naman siya ng tingin.

Napasapo ako sa noo ko. Damn! Bakit ko ba sila naging kapatid? Mga tanga!

"JERK! Magsama kayo ni Kuya Chand!" Sigaw ko at sumakay na sa kotse ko.

I did what I have to. I followed her not because she is Kuya third's girlfriend but because she is my friend.

Nakita ko naman na tumuloy siya sa hotel na pagmamay ari namin. Kinausap ko ang mga staff doon na bigyan siya ng special care.. kabayaran lang sa sakit na nadanasan niya sa kuya ko.

Tumuloy ako sa mall at napagdesisyunan kong manuod nalang ng sine. It was a very nerve wrecking day kaya dapat talaga akong mag unwind.

Tinext ko si Bea at tinanong ko siya kung pwede siya pero humindi siya at sinabing busy siya sa work niya. Minsan iniisip ko kung iniiwasan ba ako ng kaibigan ko o hindi. I feel like this is all because of Kuya Chand and I hate it!

Papasok na sana ako nung may nahagip ang mata ko. Si Travis ay naglalakad habang may nakahawak sa kamay niya na babae. Biglang sumikip ang dibdib ko.. napapikit nalang ako.

Stop Alina.. it must be her girlfriend.

Napahawak ako sa tapat ng puso ko para pakalmahin 'yon.

Pumasok na ako sa sinehan at nanuod na. Habang nasa gitna ng movie, may dumaan sa harap ko at tumabi sa akin. Naamoy ko ang pabango niya.. napapikit ako at naramdaman kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Dahan dahan akong tumingin sa katabi ko at nakita ko siyang nakangisi sakin. Naka suit pa rin siya at halatang kagagaling niya lang sa trabaho. Napalunok ako at mas lalong nagwala ang puso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko ng mahina.. mas ngumisi siya. Si Travis ba talaga toh? Wala na ba ang sweet and caring na minahal ko dati?

"I woke up and you're not beside me yesterday, I thought you didn't understand what I told you that I won't let you leave me again" sabi niya na para bang inis na inis. Yumuko ako sandali at hinugot ko ang buong lakas ko.

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang tingin niyang nakaka panatag sa puso ko.

"Travis.. tigilan na natin to. May girlfriend ka na." sabi ko sakanya pero lalong sumama ang timpla niya.

Bakit? Gusto niya ako i-two time? Hindi ako payag sa ganon!

"So that is the reason why you're avoiding me" sabi niya at ngumisi.

What is this? Lalong lumawak pa ang ngiti niya.

Is he thinking na nagseselos ako?

Biglang may humigit sa kamay ko. Napatingin ako sa paligid.. buti naman kami lang ang nasa baba.

Napatingin ako sa may hawak ng kamay ko at napasinghap ako.

"Ram?!" sabi ko at tumawa siya.

"I miss you" sabi niya at hinila ako palapit sakanya. Tumayo si travis kaya kinabahan ako.. knowing na mahilig mamikon si Ram at pikon si Travis talagang kakabahan ako.

Huminga ako ng malalim at hinila siya patayo. I need to choose and I chose my friend.

"Let's go Ram" sabi ko at hinila siya palabas.

Tumatawa naman si ram habang palabas kami. Sinamaan ko siya ng tingin at nagtaas lang siya ng kamay na para bang sumusuko na.

"What are you doing here?!" giit ko kaya lalo siyang napatawa.

"Saving you?" sabi niya at tumawa ulit. Napangiti naman ako.

Inakbayan niya ako at naramdaman kong panatag na naman ako. Napawi ang ngiti ko nang maalala ko si Travis. Why are we so complicated? Kung hindi lang sana kami komplikado ay masaya at malaya namin minamahal ang isa't isa.

What the heck did I got myself into?

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now