Chapter 8 . Trust and Lie

15.8K 307 9
                                    


"Maam Alina, nandyan po yung kaibigan niyo. Si Maam Caly po" sabi ng katulong namin.

Napabuga ako ng hangin. Great timing Caly! I want to hug her and thank her dahil sa tamang timing niya ngayon.

"Ah! Sige! Papasukin mo" sabi ko sa kanya.

"Ina!" napapikit nalang ako sa sigaw niya. Lahat naman sila napatingin sa kanya.

Bahagya akong natawa nang makita kong gulat na gulat siya. Sino ba naman ang hindi magugulat na may tatlong lalaki sa kusina namin.

"Sorry! I didn't know na may bisita ka" saad niya at umiling naman ako.

"Okay lang.. halika dito" wika ko sabay tapik sa katabi kong upuan.

Gusto kong sabihin sakanya na ang ganda ng timing niya at mahal na mahal ko siya ng dahil dun pero mapapaghalataan naman ako. Lumapit naman siya sa amin.

"Kuya Third, Kuya- Travis and Kuya Zicko. Ito nga pala ang pinsan ko, si Caly." Pakilala ko may Caly.

I don't know if I should call Travis.. Kuya or what. Pinanuod kong kamayan niya sina Zicko.

"Caly ito ang kuya ko, at ang dalawa niyang kaibigan" sabi ko kay Caly at tumango naman siya.

"Oh! So second cousin ko din siya. Hi Kuya Third!" Masayang bati niya kay Kuya Third.

"Hi babe" sabi ni Zicko sakanya. Tinignan naman siya ng masama ni Caly.

Napataas ang kilay ko. Playboy moves.

"Excuse me? Babe? May pangalan ako and I don't care kung isa kang good looking cassanova kasi hindi ako pumapatol sa mga katulad mo." sabi ni Caly kaya natawa naman kami.

I want to yell burn! Pero pinigilan ko ang sarili ko. Bahagya akong napalingon kay Travis pero mabilis din akong nag iwas ng tingin dahil mataman niya akong pinagmamasdan.

"Kakainin mo rin yang mga sinabi mo" sabi ni Kuya Zicko sakanya.

"Sorry pero busog ako" sagot naman ni Caly at tinabihan ako. Si Kuya Zicko naman hindi maalis ang smile sa mukha pero imposibleng natamaan to.

It's weird to call them Kuya..

"Nasan si Kuya Chand?" tanong ni Caly sa akin. Umupo na rin sa harapan namin ang tatlong lalaki.

"Ewan.. nagmamadaling umalis" sabi ko sakanya at ininom ang milk ko.

"Ayy.. si Bea hindi ko ma-contact kanina. Dapat sabay kami ngayon."

Napangisi ako sa sinabi niya.

"Hindi kaya magkasama sila?" tanong ko sakanya.

"Pwede.. pero diba ayaw ni Kuya Chand sakanya?"

Nagkibit balikat nalang ako. Kahit mag kapatid kami ni Kuya Chand ay may mga bagay na hindi ko maiintindihan sakanya. He's too hard to read sometimes.

"Alina.. aalis lang kami." Pamamaalam ni Kuya Third.

Kakasabi niya lang kanina na hindi siya aalis..

"Ah? Okay" sabi ko sakanya.

"Sama kami!" Namilog ang mata ko sa sinabi ni Caly.

What the heck is she doing?!

"Bakit? Mamimiss mo ba ko?" tanong ni Kuya Zicko sakanya. Inirapan naman siya ni Caly.

"ASA!" Ani Caly. Hindi tuloy namin maiwasan tumawa. Pero ako ay na ba-bother pa rin sa ginagawa ni Caly.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now