Chapter 22 . Back

11.9K 244 2
                                    

Pagkapasok namin sa lobby ng hotel kung saan magaganap ang Christmas Party ng kompanya, lahat ng mata ay napatingin sa amin.

Halatang nagulat silang lahat sa kanilang nakikita. Hinawakan naman ni Travis ang kamay ko na lalo nilang ikinagulat. Napatingin ako kay mommy at naka ngiti siya sa akin. Hindi ko naman mabasa ang reaksyon ni dad. 

Napalunok ako at ngumiti nalang.

"Mom" bati ko kay mommy nung nakalapit kami sakanila. Yinakap naman niya ako.

"I know this will happen" sabi niya sa akin na nakakapagtaka. Diba dapat galit siya?

May parte sa akin na galit sa sarili ko para sakanya pero siya ay nakangiti pa?

"You're not angry?" tanong ko at umiling siya bilang tugon.

Inalok naman ni dad ang kamay niya kay Travis. Namilog ang mata ko at nagpalipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa. Dad was just normal while Travis was a little bit shocked.

"Nice to see you again Travis" sabi ni dad at tinanggap naman yun ni Travis.

"Hindi naman ikaw ang kaaway namin dito. Iba ka sa daddy mo, alam namin yun" sabi ni dad kaya napa ngiti ako.

I am happy!

"What is happening here?"

Nanigas bigla ang tuhod ko. Si Kuya Third yun, napalingon ako at nakitang kasama niya si Kuya Chand na hawak hawak ang kamay ni bea na halatang naiinis naman.

"Bitawan mo ko" naiinis na wika ni Bea pero parang walang naririnig si Kuya Chand.

"Kuya.. kasi ano..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya. Nagulat kami nung yakapin ni Kuya Third si Travis.

My jaw literally dropped but a big part of me was very happy.

"Bro.. take care of my sister or else I'm gonna kill you." Ani Kuya Third.

Kami ay naghihinta lamang sa kung anong mangyayari. Para akong nabunutan ng tinik nang napatawa si Travis at binitawan na siya ni Kuya Third habang tumatawa din.

"Kahit naman papaano. May pinagsamahan tayo, after all you were my bestfriend" sabi ni Kuya Third.

Damn their bromance. It makes me so happy to see them like this. This is beyond what I expected but very worth it.

"You didn't invite Ate Rean?" tanong ko pero umiwas lang ng tingin si Kuya Third.

Heck. Yun nalang ang kulang. Kuya Chand is good now. Nagising na sa katotohanan while Kuya Third is still insane.

"Kids.. maiwan na namin kayo. May mga kakausapin lang kami. Enjoy the night" pagpapaalam ni dad at umalis na sila ni mommy.

Biglang tumunog ang phone ni Bea. Binitawan siya ni Kuya Chand at sinagot niya yun. Laking gulat namin nung matigilan si Bea. We were all looking at her expression. Nangilid ang luha sa kanyang mata at mabilis din nag sitakasan ang mga 'to.

"Bea what happened?" tanong ko sakanya at yinakap siya ni Kuya Chand.

"Sinugod sa hospital si Caly" sabi niya.

Napaawang ang labi ko. Sandali kaming lahat natigilan but at the end ay nagkatinginan din kami. Ako ang naunang naglakad paalis at doon lamang sila sumunod. I was biting my lips. Abot langit na ang kaba sa puso ko.

Kahit mahirap tumakbo dahil sa dress ko at pinilit ko parin. They need us there.. Caly hang on.


Nung makarating kami sa hospital ay nakita naming nakaupo si Zicko sa labas ng kwarto niya at halatang nag-aalala siya.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now