Chapter 5 . Amazing

17.9K 292 5
                                    

"Nakakainis"

Sigaw ko pagkarating sa kwarto namin at nakita kong napalingon sa akin si Bea at Caly.

"What happened to you? Saan ka galing?" tanong ni Caly.

"Wala! I mean dyan dyan lang sa tabi. Nag jog lang" sabi ko at ngumiti ng matamis.

Lumapit ako sakanila at nagsukalay ng buhok.

"Jog? Sa beach?" Hindi makapaniwalang tanong ni bea.

"Ah? Oo.. by the way kain na tayo ng breakfast." sabi ko sakanila para maiba ang usapan. Buti nalang at sumangayon sila.

Paglabas namin nakita namin sila kuya na palabas na din.

"Sasabay ba sila mommy?" tanong ko kay kuya.

"No" minsan gusto kong sapukin si kuya sobrang init ng ulo.

"Why?" tanong ko sakanya. Nakatingin siya kay Bea pero si Bea sa iba nakatingin. Bitter kasi si kuya masyado yan tuloy.

"Umalis na sila.. hindi na nakapagpaalam. May emergency sa business. Bukas uuwi na rin tayo." sabi niya sakin.. o kay bea?

Saan saan kasi tumitingin.

"Okay, so let's go have breakfast!" sabi ni Caly pampa-light ng mood.

Pumunta na kami sa mini restaurant ng hotel na ito. Pero parang ayoko ng magbreakfast sa bumungad sakin. Bakit ngayon pa? Nakita ko lang naman si Travis with his friends and their girlfriends? Flings?- Na kumakain.

Napatingin ako kay kuya na nakayukom ang palad. Hinawakan ko siya sa kamay para kumalma siya pero hindi gumana.

"Bro? Lipat tayo?" Tanong ni Kuya Brian pero umiling si kuya at dumeretso na kami sa favorite table namin. Medyo malayo naman sakanila kaya ayos lang. Tinawag na ni Kuya Brian yung waiter at in-order ang "usual" naming kinakain.

"So.. anong gagawin natin today?" tanong ni Bea sa amin.

"Of course let's go swimming. It's our last day. We will be back to school nanaman niyan so enjoy! Enjoy!" sabi ni Caly at tumango naman ako.

"No" sabi ni kuya pero tinaasan siya ng kilay ni Bea.

Here they go again.

"Excuse me? Hindi kayo invited. Gumawa kayo ng sarili niyong schedule" sabi ni Bea na ikinagulat namin. Mukhang galit na si kuya. Well lagi naman galit si kuya pag si Bea na ang kausap.

"Chill guys.. The food is here." Saad ni Kuya Brian at sinerve na nga ang food. Kumain lang naman kami ng tahimik pero I felt that I'm being watched again. Kinakabahan ako lumingon dahil natatakot akong tama ang hula ko but I can't stand this feeling.

So slowly I turned around and look around and suddenly nakita ko siya.. and I'm right our eyes locked. Kasabay non ay ang pagkalabog ng puso ko.

Nakakita ako ng concern sa mata niya, dahil ba yun sa nangyari kanina? But no.. that is impossible. Imposibleng may concern siya sakin. Iniwas ko ang mata ko at nag patuloy nalang kumain.


"Lets go!" sabi ni caly at hinila kami ni Bea. Hindi na ako lumingon dahil baka kung ano pang makita ko. Iniwan na rin namin sila kuya.

"Okay so let's go swim!" Masayang sabi ni Bea at nag ayos na kami.

We spent the whole day swimming. Wala namang masamang nangyari. Hindi namin nakita sila kuya and hindi ko rin naman nakita sila travis. Masaya naman ako at hindi ko siya nakita. Sabay din kaming kumain ng lunch at namasyal kami sa buong resort, bumili rin kami ng mga pasalubong. Mag 5:00 pm na rin nung bumalik kami sa kwarto namin.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now