Chapter 27 . Questions

11.4K 244 3
                                    

"Please stop bugging me." Inis kong wika.

Papunta kami sa meeting ng mga stockholders at kanina niya pa ako sinusundan at kinukulit. One week na niyang ginugulo ang buhay ko. Ewan ko ba.. parang walang nagbago maliban sa tawag niya sakin.

"Ms. Scott, can you please tell me.. may period ka ba ngayon? But I think wala naman kasi kung ganon.. 'di may period ka everyday?" napatigil ako sa paglalakad at tinignan siya ng masama.

He was smirking and all. I want to punch his face.

"You shouldn't ask girls like that!" naiinis kong sabi pero tumawa lang siya.

I hate how everything turned out. This is not the plan.

"Well.. you're so damn serious all the time. Nagtanong naman ako sa mga empleyado dito. Sabi nila you are very kind, generous, bubbly and you never get angry pero hindi naman 'yon ang pinapakita mo sa akin." sabi niya at nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Hindi ka na talaga nag bago, you always ask questions that I can never answer." sabi ko pero nagulat ako nung hawakan niya yung kamay ko.

Oh great Alina! You didn't watch your mouth! Kung ano ano tuloy lumalabas!

"You know me before?" tanong niya at ngayon ko lang narealize kung anong sinabi ko talaga.

Mabilis akong umiling at sinubukan makawala mula sakanya pero sadyang mahigpit ang pag kakahawak niya sa kamay ko.

"Hah? May sinabi ba ako? Baka mali ka lang ng rinig. Ang sabi ko kasi.. nakakairita ka kaya tigilan mo na ako." Pag dadahilan ko at binawi ko ang kamay ko sakanya.

Naglakad na ako ulit pero napabuga ako ng hangin nang patuloy niya akong habulin.

What is his problem?

"But.. seriously, why do you hate me so much? Did I do anything before that made you like that towards me?" tanong niya sakin at bago ko buksan ang pintuan ng conference room ay hinarap ko siya at tinignan ko siya sa mata.

'Kung alam mo lang kung gaano kita kamahal.. hindi kita kayang kamuhian.'

"I don't hate you.. it's just you're a cliff, a very dangerous one." sabi ko pero mukhang hindi niya na gets.. hindi niya nakuha na nahuhulog ako paulit ulit sakanya and it's killing me because no one is catching me.

"What? Cliff? Because I'm deep?" tanong niya at napangiti naman ako at umiling.

"You're really clueless aren't you?" sabi ko at ngumiti din siya.

"This is the first time" aiya pero kumunot ang noo ko.

First time?

Ang alin?

"What?" tanong ko at tumingin sa paligid. Baka kasi mag ka issue pa.

Alam na ng lahat ang nangyari pero ginagalang nila ang pamilya namin. Inutos ni dad na walang magbabanggit ng kahit ano tungkol doon.

"First time that you smiled at me." sabi niya pero umiwas lang ako ng tingin at pumasok na sa conference room.

I should stick with my decision.

Natapos ang meeting namin pero inis na inis ako kay Travis. Buong meeting ata namin ay nakatingin siya sa akin. Napapatingin tuloy ako kay Tito Lance at nakikita kong galit siya kaya umiiwas ako ng tingin.

Konting tiis lang naman at babalik na si Tito Lance sa states. Gusto kong mag sumbong sa pulis pero anong pruweba ko na siya ang muntik ng pumatay sa akin. Hindi ko din magawa dahil una ay iniisip ko si Travis at pangalawa ay walang sapat na ebidensya. Masyadong magulo ang mga pangayayari.

Isa lang ang solusyon dito. Siya ang sumuko mismo sa mga pulis.

"Bea" tawag ko kay bea nung makita ko siyang nag lalakad sa hallway.

"Ina!" sigaw niya at yinakap ako. I missed her.. naging busy kasi ako sa work.

"You're here for kuya?" tanong ko at tumango naman siya.

I'm happy for them. Sa wakas at nag ka balls na rin ang kuya ko.

"Yes, may date kami" sagot niya kaya napangiti ako.

"Tss.. papagalitan ko nga siya. Office works pero nakikipagdate siya." sabi ko habang nakangisi at kita kong nanlaki ang mata ni Bea.

"Please No! Wag mo na siyang pagalitan. Monthsary namin" sabi niya kaya tumango ako.

Of course I know! Kasama kaya akong nagplan ni kuya sa surprise niya.

"Okay.. okay. I am very happy for you" sabi ko at yinakap siya.

"Thank you.. by the way, dalawin natin si Caly bukas. Bumalik na siya from her surgery in US."

Umalis si caly para magpasurgery sa US. I didn't know na ganito kaaga ang pagbabalik niya. Mabilis ata ang pag galing niya?

That's good!

"Zicko? Does he know?" tanong ko pero umiling si Bea.

"We should tell him." saad ko.

She nodded.

Zicko deserves to know. Nandoon siya noong mga panahon na kailangan siya ni Caly. I mean, she still needs him pero pinag tabuyan niya ito.

"Ako nalang bahala. Ako na ang magsasabi" aniya at yinakap ko siya ulit.

"I need to go. Marami pa akong aayusin. Enjoy." sabi ko at umalis na.

Napatigil ako sa pagpasok sa elevator nung makita kong may kahalikan si Travis sa elevator. Naramdaman ko ang matinding paninikip ng puso ko. Dammit! Hindi na ako dapat apektado.

Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa harap ng elevator. Natigilan sila nung makitang papasok ako pero lalo silang nagtaka nung nakatayo lang ako doon.

"Hindi ka ba sasakay?" tanong niya pero I gave him my most famous roll eyes.

"Hindi na.. baka nakakaistorbo pa ako and one more thing Mr. Morgan, opisina ito hindi bar, hotel o kung ano pang lugar ng libangan mo." sabi ko at lumakad paalis doon.

Hindi ko napigilan na lumuha. Ganito pala kasakit, gusto kong angkinin at sabihin sa lahat na sa akin siya pero.. akin ba talaga siya? 

Ako anh unang bumitiw pero bakit ako din ang pinaka nasasaktan?

"Hey" nagulat ako nung may humila sa braso ko at nakita kong si Travis yon.

"Hey.. why are you crying?" tanong niya pero mas lalo akong naiyak. Umiling iling ako at yumuko. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko pero ayaw tumigil.

Nag angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata niyang matamang nakatingin sa akin.

"What are we before?" natigilan ako sa tanong niya sa akin.

Umiling ako.

"Wala" sabi ko at pinunasan ang luha ko ulit. Sinubukan kong umalis pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Lie.. I can feel it" aniya pero umiling ako ulit.

Hanggang kailan ko mapipilit ang sarili kong layuan siya. Ngayon palang ay parang bibitiw na ako at hindi ko na kaya.

"How? Do you remember me? Anong basehan mo?" tanong ko pero nagulat ako nung linagay niya yung kamay ko sa dibdib niya.

"This.. this is the one who keeps on telling me that I know you, that you are very special because everytime I see you, it beats faster"

Napaawang ang labi ko. Mariin akong napapikit dahil lalong lumandas ang mga luha sa mata ko. I felt the bitter sweet pain in my chest again.

"There is nothing between you and her" napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Tito Lance.

Binawi ko ang kamay ko sakanya at inayos ang sarili ko.

"I need to go" sabi ko at tumalikod na sakanila, naiyukom ko ang mga palad ko. 

Alina.. it's okay. Don't look back.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now