Chapter 2 . Coincidence

26.8K 400 9
                                    


"Bea, sorry talaga kay Kuya.." malungkot kong wika dahil nadagdagan nanaman ang mga luha niyang iniyak dahil sa kapatid ko.

"Hindi Ina, okay lang naman 'yun baka nga tama siya na bad influence ako sayo.." sabi niya sakin pero sinapok ko siya.

Ito ang ayaw ko, she always believes him. Lahat ata ng sasabihin ng kapatid ko ay i-coconsider niya.

"Nababaliw ka na ba? Hindi ka bad influence. KJ kasi siya.. pero alam mo ba? Kung hindi ko lang kilala si Kuya, iisipin ko may gusto din siya sayo" sabi ko sakanya pero ako naman yung sinapok niya.

"Ikaw ang baliw. 'Yang kuya mo walang puso 'yan. Bato ang puso non!" sabi niya sakin at nag ayos na ng mukha niya.

"May puso naman si kuya.. hindi ko lang alam kung bakit ganon siya pag sayo" sabi ko sakanya.

Kuya Chand is actually a sweet son and good brother. Sa mga kaibigan naman ay laging maasahan. Hindi rin siya nakikipag away. He's very compassionate. Kay Bea lang talaga iba ang trato niya.

I once asked him why, ang sabi lang niya ay dahil ayaw niyang umasa si Bea which I didn't buy again.

"Alam ko.. naalala mo ba since kinder crush ko na siya pero wala siyang ginawa kundi iparamdam sakin na wala akong kwenta, na wala akong halaga." Malungkot na wika ni Bea.

Yinakap ko siya.

"Tama na nga. Hindi bagay sa akin tong iyak-iyak!" natatawang saad niya kaya natawa na din ako.

Natigil kami nung may kumatok. Binuksan ito at nandoon pala si daddy.

"Kids.. Dinner na"

Mabilis kaming nag-ayos ni Bea at sumunod kay daddy lumabas.

Pagkarating namin doon.. nandun na silang lahat. Mag katabi kami ni Bea sa upuan habang kaharap si Kuya Chand at Kuya Brian.

"Tahimik niyo" puna ni mommy. Napatingin kami sakanya.

"May problema ba?" tanong ni mommy. Ito yung mga time na nakakatakot si mommy.

"Wala mommy. We're just super duper tired" paliwanag ko at ngumiti.

Kumunot naman ang noo ni mommy pero hinawakan siya sa kamay ni dad kaya kumalma siya.. it looks like my mom didn't buy my excuse.

"Okay.. after eating go to bed and rest" sabi ni mommy at kumain na kami.

Pag katapos namin kumain tumayo na kami ni bea pero hinawakan ni kuya yung kamay ni Bea. Kung dati siguro kinikilig na ang bestfriend ko pero ngayon nagulat ako dahil hinila niya ang kamay niya kay kuya at naunang umalis.

"Hay nako kuya. Mali yung tactics mo.. dapat hindi ka agresibo masyado. Ang tanga mo talaga. Turuan mo nga yan Kuya Brian." Inis kong wika at inirapan sila.

Pagkapasok ko ng kwarto nakita kong nakahiga na si Bea. Kay'sa pumunta ako sa kama ko, tinabihan ko nalang ang siya at yinakap.

Then I went to the dreamland.



"Wake up!"

Napabalikwas kami ni Bea nung may sumigaw.

"CALY?!"

Napahilamos ako sa mukha ko. She was so bright na nakakasilaw siya o dahil nakatapat siya sa bintana at naiilawan siya?

"Let's have our breakfast!" Excited na wika ni Caly.

I groaned and went to the bathroom. I still want to sleep but knowing Caly, she will just pest us all day long kung hindi kami tumayo agad.

Naligo kami at nag handa. Sabay sabay na kami lumabas pero nakita namin si Kuya na nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto namin.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now