Chapter 21 . Together

13.1K 263 1
                                    

I felt so lost. I don't know what to do. Should I accept him? Should I forget that he is the son of Lance Morgan? 

Someone knocked on my door.

"Alina" tawag sa akin.

Pumasok si caly at bea sa kwarto ko. Hindi ko alam kung anong meron pero lagi silang nandyan lalo na pag kailangan ko sila. Ngumiti naman ako sakanila at tinapik ang kama ko.

"Sabi ni Kuya Chand. Ayaw mong lumabas ng kwarto. Sabi nila dahil daw sa nangyari kay Kuya Third at sa girlfriend niya" ani caly pero umiling ako.

Akala nila dahil don pero hindi. Mas magandang 'yun na ang isipin nila kay'sa malaman nila ang totoo kung bakit ako nagkakaganito.

Umiling ako at kita ko naman ang pagtataka sa mga mata nila.

"What? What is the reason?" tanong ni Bea.

Kumuha ako ng unan at yinakap 'yon. Mahigpit ko 'yung yinakap para madama ang lambot non at makakuha ng lakas. Huminga ako ng malalim para masalubong ang mga tingin nila sa akin.

"I'm a bad person. I'm betraying my family" panimula ko.

Nanatili lamang silang nakatingin sa akin.

"Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya kahit na ginago niya ko. I still do." sabi ko at mas lalong napahigpit ang yakap sa unan ko.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa paglalabas ko ng totoong damdamin ko. This is the truth..

Mahal ko pa rin siya. Hindi nag bago 'yon. Akala ko wala na pero mas lalo pa atang umigting. Mas nararamdaman ko ang sakit ngayon lalo't hindi pwede.

"Hindi kasalanan yun. We've seen him Alina. Sa five years na wala ka, alam namin ang mga nagbago. Nandun kami ni Zicko nung mga panahon na nagmamaka awa siya sa tatay niya na itakwil siya. Gusto niyang alisin ang pagiging Morgan niya nung mga panahon na iniwan mo siya. Baka sakaling balikan mo siya kung hindi na siya Morgan. Sinisisi niya ang apilyido niya, na naging Morgan siya." Ani Caly.

Napaawang ang labi ko at naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko.

How can.. how can he do that?

"Alina.. galit na galit siya sa sarili niya nung iwan mo siya. He is totally wasted. Alam namin kung gaano ka niya kamahal." Dagdag ni Bea.

Tumakas na ang mga luha sa mata ko at mas nanikip ang dibdib ko. It hurts..

I was clutching the pillow too much to bear the pain. I know he's in pain too pero hindi talaga pwede.. hindi pwede.

"Hindi ko naman pwedeng kalimutan ang nangyari sa pamilya ko. Pag ginawa ko 'yon, parang sinabi ko na ring ayos lang ang ginawa niya at parang hindi ko na pinaalagahan ang pamilya ko." Paliwanag ko at mariing pumikit dahil ayaw tumigil ng mga luha sa pag agos.

"Alina, nakaganti ka na. Sa limang taon na nagdusa siya sa pag iwan mo sakanya na parang pinatay mo na siya. Sobra sobra ang ganti mo. Hindi kami nagsalita dahil alam namin na nasaktan ka rin pero sa nakikita namin, hindi lang naman siya nag nasasaktan sa ginagawa mo. Pati ang sarili mo nasasaktan na." Ani Caly.

Habang nakapikit ay umiling ako. Naramdaman ko ang pag hawak sa kamay ko ng mahigpit.

"Paano sila kuya?" tanong ko.

Galit parin sila.. alam ko yun at naiintindihan ko.

"Kung mahal ka nila. Maiintindihan ka nila pero sa ngayon kailangan mong bumawi sakanya. Sa susunod mo na problemahin 'yan. Konti konti.. hinay hinay lang Alina." sabi ni Bea at yinakap ako.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now