Chapter 4 . KISS

18.2K 353 12
                                    

"Saan ka nanaman nagsususuot kanina?!" sigaw ni kuya kay Bea.

I don't know why he is acting like this. Kanina pa siya sa bar. Ngayon nasa tapat na kami ng room pero ganyan pa rin.

"I DONT NEED TO EXPLAIN!" sigaw ni Bea at pumasok sa room namin.

Napailing nalang ako at sinamaan ng tingin si Kuya. Ako ang sumasakit ang ulo sa ka-tangahan niya.

"I guess.. I need to follow Bea" sabi ni caly at sinundan si bea.

Pati si Kuya Brian pumasok na sa room nila pero ako nakatingin ng masama sa kapatid ko.

"Ano bang problema mo kuya? Diba nakita naman natin siya na nag sasayaw. Wala naman siyang ginagawang masama." Paliwanag ko sakanya kahit hindi naman dapat.

In the first place ay siya ang nag tataboy kay Bea. He should be happy because Bea is not pestering him.

"Wala? She is dancing with those filthy men" Kita ko ang galit sakanya.

Napabuga ako ng hangin at humalukipkip. Now, I get it.

"Kuya.. you know what? I know you're jealous but sa ginagawa mong yan linalayo mo siya sayo."

Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napangisi ako lalo sa reaksyon niya. I didn't imagine na.. magiging ganito ang sitwasyon. That table will turn.

"I'm not jealous" sabi niya pero tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"I'm not asking you, if you are. Because it's already a fact that you're jealous" sabi ko at pumasok na.

Bahala siya don! I hope mauntog siya at magising sa katotohanan na hindi niya matatakbuhan ang nararamdaman niya para kay Bea.

Pagkabukas ko nang pinto ay nakita kong nagbabasa ng libro si Caly habang si Bea natutulog na.. mukhang na stress siya kay kuya.

"Anong binabasa mo?"t anong ko kay Caly habang nag papalit ng pantulog.

"Wala naman.. pero tignan mo to. Sabi dito pag pumikit ka at bumilang ng one to five.. kung sino ang taong nakita mo pagdilat mo, siya ang soulmate mo." sabi niya sakin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

Pinigilan kong matawa pero hindi ako nagtagumpay. Sinara niya ang libro at sinapak ang braso ko.

"Fine.. alam kong corny. Matutulog nalang ako" sabi niya sakin.

Tumawa ako ulit at umiling nalang.

Napahiga na ako sa kama ko. Hinawakan ko yung puso ko.. why is it beating so hard? Tuwing naiisip ko ang mga nangyari ngayong araw ay bumibilis ito ng sobra.

Dahil ba kay Tra-- no! Of course not.



Napatingin ako sa gilid ko. Tulog pa ang mga kaibigan ko. I decided na mag lakad lakad na muna so I took a bath, fixed myself and went out.

Nag lakadlakad ako sa seashore. Na excite ako kasi hindi pa pala nag su-sunrise, gustong gusto ko talaga makakita ng sunrise.

"Sabi dito pag pumikit ka at bumilang ng one to five, kung sino ang taong nakita mo pagdilat mo ang soulmate mo"

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Caly sa akin kagabi.. I know its corny and very funny pero gusto ko lang i-try. Tutal wala namang tao dito and besides.. wala naman mawawala.

Unti-unti pinikit ko yung mga mata ko ..

I want to see the person my heart seeks.

One

Two

Damn. I look so crazy right now.

Three

Should I just stop?

Four

Okay I need to stop.

Five

Bawat bilang na ginawa ko.. pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Unti-unti minulat ko ang mata ko. Napaawang ang labi ko at halos tumalon ang puso ko. I must be crazy.

This is not true. This is just a sick joke na nabasa ni Caly.

Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

"Anong ginagawa mo dito? bakit ka nakapikit?" tanong sakin ni travis.

Sinamaan ko siyang tingin at umirap.

"Wala kang pakielam" sabi ko sakanya at tumingin na sa sunrise. Ang tagal naman..

"Ganyan ka ba sa sumagip sayo?" tanong niya sa akin. Ngumisi naman ako at bumaling sakanya.

"Sa'yo lang" sabi ko sakanya pero hindi siya umimik.

Bumuntong hininga siya at mataman akong tinignan. Sinubukan kong i-iwas ang mata ko pero hindi ko magawa. My eyes were glued to his.

"I really want to do something right now.. something na pwede mong ikagalit" sabi niya sakin. Tumawa nanan ako ako ng peke.

"Alam mo wala ka ng pwedeng gawin na ikakagalit ko pa kasi lahat yun nagawa mo na. Makita palang kita naiinis na ako." sabi ko sakanya pero ngumiti lang siya.. kinabahan tuloy ako.. sasaktan ba niya ko?

Bumaba ang tingin ko sa labi niya. I remember my first kiss.. though I don't consider it my first dahil nakakainis talaga siya non. Gusto ko ang first kiss ko.. romantic and worth remembering.

"Okay ano ba yu---" sabi ko pero naputol yung sasabihin ko dahil sa ikalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako.

Sa ikalawang pagkakataon ay bumigay ako.

Sa ikalawang pagkakataon ay nahulog ang puso ko.

Hindi ko alam kung anong nangyari pero sinampal ko siya.

"WHAT IS THAT FOR?!" sigaw niya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay at masamang tinignan.

"WHAT IS THAT FOR?! Pinagloloko mo ba ko! Hahalik halikan mo ko tapos tatanungin mo yan sakin?!" sigaw ko sakanya.

I need to get a grip of everything. Hindi magandang nawawala ako sa sarili tuwing nandyan siya sa malapit.

"It's just a kiss!" sabat niya sakin hindi ko alam pero nasaktan ako doon. Nakalimutan ko nga pala kung anong klaseng lalaki siya.

"GRABE! Nawawala yung manners ko ng dahil sayo. Its just a kiss? Sorry ah.. matino kasi akong babae. Hindi ako nag papakiss ng basta basta lang. Ang malas ko nga.. ikaw pa ang first kiss ko. Sa isang lalaking walang respeto sa mga babae pa nabigay ang first kiss ko." sabi ko sakanya habang pinipigilan kong umiyak.

Tumalikod na ako pero hinawakan niya ko. Tinignan ko siya sa mata at nakakita ako ng concern pero hinila ko yung kamay ko sakanya at nag patuloy ng umalis.

Dahan-dahan tumulo ang luha ko..

In the mid of the rising sun.. I got my first kiss.

With the person I hate the most..

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now