Chapter 17 . Going back

14.6K 319 7
                                    

After 5 years..

"Hey! Labas ka nga."

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Ram.  Grabe talaga tong lalaking to, tumawag bigla tapos uutusan ako. Bumaba ako mula sa kwarto ko at nakita ko siyang nakasandal sa sasakyan niya habang kinakalikot ang cellphone niya.

Tumikhim naman ako at ngumiti siya nung makita niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya at sumimangot naman siya. 

"Good evening din sayo" sabi niya at sumimangot pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Well.. iniwan ko kasi si Ella sa office kaya papa-tawag ko sana sayo kung nakauwi na siya" aniya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit hindi siya ang magtext.

"Why dont you? Ako pa talaga inutusan mo. Bakit mo kasi iniwan?" tanong ko sakanya pero sumimangot lang siya at umayos sa pagkakahilig.

"I told her not to talk with other guys pero tigas ng ulo.. Nagmana sayo" sagot niya sa akin at sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawa naman ako at sumandal din sa kotse niya. Linanghap ko ang hangin at yinakap ang sarili ko.

"Alam mo Ram, three months palang si Ella dito sa australia.. kailangan niya ng friends kaya bayaan mo na" saad ko.

Nilingon ko siya at umiling siya sa akin. Bumuga siya ng hangin.

"Meron naman siyang friends ah.. ikaw, Third, Chand at ako" sabi niya sakin. Tumawa ako at binatukan ko siya.

"Ewan ko sayo, may sagot ka naman para sa lahat but.. okay fine, I'll talk to her later." Saad ko.

Tumango siya at ngumiti sa akin. Napailing nalang ako.

"Thanks Alina!" sabi niya at pumasok na sa kotse niya.

Tignan mo yun.. pumunta lang dito para dun.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin at nakita ko si Kuya Third na naka upo sa living room.

"Si Ram ba yun?" tanong niya habang nagbabasa ng libro. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Yup kuya.." sabi ko at sumandal sa balikat niya.

"I don't know how did we became friends." sabi ni kuya habang umiiling. Tumawa naman ako.

"Well kuya.. parehas kasi kayo" sabi ko sakanya at binitawan niya ang libro niya.

"Dont say that! By the way.. babalik na daw tayo ng Pilipinas bukas so you better fix your things" aniya.

Natahimik naman ako. Babalik na kami ng pilipinas bukas pero actually okay naman.. kami dito, may trabaho na ako, si Kuya Third at Kuya Chand din.. napatayo na ni dad and building ng kompanya namin dito, si mom ay may sariling boutique at may bahay na kami dito.

Pero sabi nila we can't run away from the past..

"So tomorrow is the D-day, paano si Ate Rean?" Tanong ko at kumunot ang noo ko nang umiwas siya ng tingin.

Si Ate Reana ang girlfriend ni Kuya t
Third. Filipino din naman siya, nakilala niya to sa university na pinasukan namin. I like her too kasi she is different from other girls.

"Puntahan mo si Chand don" sagot niya. Gusto ko pa mag tanong lalo na at mukhang umiiwas siya sa usapang 'yon pero binitawan ko na.

It's their problem.. hindi ako dapat nakiki sali.

Loss in the Dangerous PathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon