Chapter 6 . Step Brother

17.6K 317 20
                                    

"I am so tired!" sigaw ko pag ka higa ko sa kwarto ko.

Namiss ko ang kwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto.. my room is painted with lavander and grey colors. I felt so cozy.

"Ina" narinig kong may kumatok sa pintuan. Nagmadali naman akong pumunta doon.

"Mom!"sigaw ko at niyakap siya.

"Why didn't you tell me na aalis kayo agad ni dad?" tanong ko sakanya. Yinakap din niya ako at after kong mafeel na nabawi ko na yung one day na hindi kami nagkita, bumitaw na rin ako.

"May emergency lang kasi but okay na yun." sabi ni mommy at tumango naman ako. Biglang kumunot ang noo ni mommy.

"Mom? May problema ba?" tanong ko sakanya pero hindi parin nagbabago ang reaction niya.

"You, young Lady.. may hindi ka sinasabi sakin" sabi niya sakin at pumasok sa kwarto ko. Napatingin ako sa katabi kong kwarto at nakita si kuya na nakasandal sa pintuan niya at naka ngisi.

Dont tell me?! Bwisit! Ako nanaman ang pinagttripan niya purkit okay na sila ni Bea! Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa kwarto. Umupo kami ni mommy sa favorite girl talk place namin.

"Okay so ik-kwento mo ba or ako ang magke-kwento?" tanong ni mommy. Napabuntong hininga ako.

"Mom.. wag mong paniwalaan si kuya!" inis kong sabi kay mommy pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Mom.. pinagti-tripan lang ako ni kuya kasi pinaghihiwalay ko na sila ni Bea"sabi ko kay mommy. 

Mapapatay ko talaga siya!

"But how would you explain your brother's bruises sa beach?" Tanong ni mommy. Kainis! Now we're talking about this.

"Malay ko ba dun? Malay ko ba kung nakipagsuntukan siya. He is a young man after all" sabi ko kay mommy.

"Don't try to cover things Alina.. kinwento na ng kuya mo lahat but I need to hear your side" sabi ni mommy.

I hate him! Akala ko ba team kami? I thought we will always cover things for each other!

"Fine" sabi ko napayuko nalang. So I told mom everything except the kiss part of course.. tango lang naman siya ng tango.

"But mom.. yun lang yun. He is not courting me and would never court me. Actually we're not even friends." sabi ko kay mommy at tumango naman si mommy at yinakap ako.

"My baby is now a lady" napangiwi ako sa sinabi niya pero unti-unti ay napa ngiti na din ako.

"No mom.. I will still be your baby" natatawang wika ko.

Hinalikan naman ni mommy ang noo ko.

"Goodnight baby, you need to rest. I know that you're still tired and don't forget it's your enrollment tomorrow"

Tumango naman ako at lumabas na siya.

Pumunta na ako sa kama ko at dumapa. Naisip ko yung tungkol sa course.. I know that dad wants me to take business management like kuya. Naisip ko rin si Bea and Caly, alam kong gusto din ng parents nila ang business management lalo na at only daughter silang dalawa. So it looks like Business Management na ang kukunin ko. Fashion Designing? It can wait.

Ayoko naman ma disappoint si dad.

I decide to go to the dreamland.




"ANO TOH AH?! LUKE? LINOLOKO MO BA AKO?!" nagising ako bigla sa narinig kong sumisigaw.

Loss in the Dangerous PathWhere stories live. Discover now